Chapter 19

10.7K 434 23
                                    

Elisana Crawford POV

Malayo-layo na rin kami sa Magical Academy.

Miss ko na ang Academy!!! Ibalik ninyo ako! Deh joke lang.

Nasa tabi namin ang Theory of Human.

This is our first Mission. I don't know kung mission ba ito talaga. Haha kailangan lang naman naming ilagay doon sa Falls Of Life itong Theory Of Human eh.

Ang Falls of Life ay makikita sa Wave Kingdom. Ang Falls of Life ay isang sagradong lugar na mga mag-asawa lang ang pwede. Pero dahil this is a mission pwede kaming pumasok kahit wala pa kaming mga asawa.

Mga apat na araw lahat ang ma-consume namin dahil sa misyong ito.

Hayst... Sana naiwan na lang ako.

Tumingin ako kay Tenleigh na ngayon ay nagreretouch. This girl really! Hayst. Puro make-up Buti na lang ay hindi siya nagmumukhang clown.

Yung mga lalaki naman ay nakatingin lang sa labas. Masyadong seryoso pwera kay Accuis na nasa labas ang tingin ngunit naglalaro ng kanyang kapangyarihan na tubig.

Titingin na sana ako sa labas ngunit hinila ako ni Caspian saka may bumulusok na pana patama na sana sa akin. Napatingin ako kay Caspian dahil sa panghatak niya. Kung hindi niya ako hinatak siguro ay butas na ang aking noo dahil sa nakatarak na pana.

"Thank you"-sincere na saad ko sa kanya na ikinatango niya. Caspian is a really weird. Bat ang sweet niya kay Adrianna?

Muntik na akong mapasubsob sa sahig ng karwahe ngunit ginamit ni Aiken ang kanyang kapangyarihan para hindi kami mawalan ng balanse.

"What's happening?"-takang tanong ni Tenleigh kaya sinamaan ko siya ng tingin. Seryoso tatanungin niya pa 'yan? Hindi ba obvious? Haler inaatake kami ng mga taga Black Organization!

"Aiken, Protect the Theory Of Human. Accuis, Elisana and Tenleigh come with me."- utos ni Caspian kaya sumunod kami sa kanya pababa ng karwahe. Rinig ko naman ang pag-aalburuto ni Aiken sa loob dahil naiwan siya.
I know na kaya ni Aiken na protektahan ang The Theory of Human, kaya Caspian ordered him to guard the Theory. Wala namang magagawa si Aiken doon eh. The Theory of Human is important.

Pagkababa namin sa karwahe ay bumati sa amin ang mga black ninja.

"Let the party begin!"

Third Person Point Of View

May mga black ninja na ngayon ay hawak ang iba't ibang sandata nila. Meron ding dalawang black magician.

"50 vs 4? Not bad"-nakangising saad ni Prinsipe Accuis at nagpalabas ng mga water spikes saka pinalabas papunta sa mga black ninja ngunit pinigilan ng dalawang black magician.

"Not bad"-ngising saad ni Prince Accuis saka nagpalabas ng mga water balls.

Nagpalabas din si Prince Caspian ng mga fire tornato. Nagpalabas naman si Princess Elisana ng electric balls. Naglabas naman ng tech gun si Princess Tenleigh. Sabay sabay nilang tinira ang mga iyon pati ang mga tech bullet ni Princess Tenleigh na sumasabog kapag tatama na sa kalaban.

Hindi sila tumigil sa pagpapalabas ng kanilang kapangyarihan habang tinitira sa mga black ninja ngunit dahil may dalawang black magicians ay wala lang ito dahil sa shield na ginawa nila.

Batuhan lang ng kapangyarihan at mga kakaibang sandata ang mga kalaban.

Walang nagpapatalo sa dalawang panig.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now