Chapter 36

6.9K 374 51
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

Umupo ako sa kama. Ika-apat na araw na namin ngayon at nasa Vampire World na kami. Tumuloy na muna kami sa isang hotel na pangalang Lacasa De Vampiria. Tumingin ako sa bintana. Kung simpleng mata lang ang gamit wala kang makikita dahil sabi nila ang Vampire World ay palaging gabi. They don't need light, they are vampires after all.

Dahil sa ininom namin ay nakakakita kami sa gabi. Night vision, ang gandang ability.

*tok tok tok*

"Come in"-sigaw ko at humiga ulit. Parang gusto ko pang matulog.

"Makapagcome-in ka naman parang nasa palasyo ka"-may inis na saad ni Ava kaya napaupo ako sa kama ulit.

Lumapit siya at umupo rin saka ako tinitigan.

"Why?"-takang tanong ko ngunit sinamaan lang ako ng tingin. Ano na naman ba problema nito?

"Why don't you go to the bathroom and take a bath? We're here for a mission not a vacation stupid. Now go"-sigaw nito habang pinagtutulakan ako. Napa-iling na lang ako at dumiretso sa bathroom.

Nakakalito ang ugali niya. Hmmmft.

Habang naliligo ako ay narinig kong nagtanong ni Ava sa akin.

"Sino ka nga ba?"

Napatigil ako bigla at tinanong ang aking sarili, is this the right time to share some stories of my life? Or nah?

"I- I'm just a simple student, that's it"-sagot ko sa tanong niya kasabay nang pagbuhos ng tubig galing sa shower.

"Someday, malalaman ko rin huhuhuhu"-mapagbantang saad niya at saka rinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

Ang dali naman niyang sumuko.

I miss Prim. I miss Inna. And the rest, no need to mention.

***

Naglalakad kami ngayon dito sa may Rose Giant Forest nila. Imbes kasi na mga puno ang nandito, roses but different colors. Mga rosas na kasing taas ng mga puno.

Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kami na isang lalaking bampira na may tumutulong dugo sa kanyang labi.

Sh*t, nakakatakot.

Inamoy niya ang hangin habang papalapit sa amin ngunit tumigil din ito sa pag-amoy nang wala siyang naamoy na kakaiba.

Nilagpasan niya lang kami at doon ko lang napagtanto na pinipigilan na pala naming huminga.

"Itim na rosas na may tinik ang hinahanap natin hindi ba? Baka hindi dito"-konklusyon na saad ni Ava habang tumitingin sa paligid. Lahat ng mag rosas dito ay may tinik ngunit hindi itim ang kulay.

"But what if there is a place here na itim ang mga rosas? We should continue moving para mas mabilis ang paghahanap"-may pag-asang saad ko habang patuloy sa pagtitingin tingin sa itaas. Giant roses ang mga nandito kaya kita mo sa ibaba ang kanilang mga bulaklak na iba iba ang kulay.

Hindi na lang siya nagsalita at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad kami ay napahinto kami dahil may isang grupo ng bampira ang nasa harapan namin ngayon.

Napa back step kami ni Ava dahil pansin namin ang panlilisik ng mga pula nilang mata, ang kanilang mga naghahabaan nagtutulisang mga kuko at ang pangil nila.

"What the hell" mahinang singhal ni Ava habang nakatingin sa grupo ng bampira sa harap namin.

We can't use our magic. Malalaman nilang taga magic world kami.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now