Chapter 24

9K 399 154
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

(Monday)

Naglalakad na ako ngayon papunta sa classroom namin. Lea and Hm Loki were gone for their vacation.

Napa-iling na lang ako dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Ano na naman ba ang ginawa ko?

Pagkapasok ko sa classroom namin ay agad akong umupo sa upuan ko at nangalumbaba. Iba na naman ang pakiramdam ko rito.

Tumingin ako sa likod kung saan ramdam ko na may tumitingin sa akin, kaya tinignan ko rin ito. Si Elliott. Bakit na naman ba?

Siya pa lang ang nandito na kasama sa Royalties. Tumingin na lang ulit ako sa harap. May narinig akong pag-usog ng upuan ngunit hindi ko pinansin. Baka some of my classmate lang naman.

May naramdaman akong papalapit kaya dali-dali akong tumingin ngunit nahawakan na niya ako at bigla na lang kaming napunta sa likod ng school building.

"What's this time Elliott?"- inis na turan ko at tinignan siya nang masama. Naiinis ako sa kanya. Hindi ibig sabihin na nagpatulong siya sa kanyang ina at ama ay makukuha na niya ako. He play so dirty.

"Si Caspian ba?!"-may bahid nang galit nitong tanong sa akin at hinawakan ang dalawa kong balikat at pinisil ito kaya napapikit ang kanang mata ko. Masakit!

Hindi pa rin ba niya tanggap na hindi siya ang gusto ko? Na hindi siya ang gusto kong pakasalan? Kahit na ialay niya lahat nang kanilang mga kayamanan ay hindi parin ako magpapasilaw sa kinang ng mga diamante o gintong pilak nila.

"Anong pinagsasabi mo?!"-inis na tanong ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Ano bang problema nito sa akin?!

"Kung si Caspain nga, papatayin ko siya para sa akin mapunta ang iyong pagtingin. Akin ka lang Adrianna, tandaan mo iyan. Papatayin ko ang mga taong hahadlang sa akin."-inis na saad nito at nagteleport na sa kung saan.

Bwisit na lalaking iyon oh! Iniwan ba naman ako?! Ano maglalakad ulit ako? Shit lang!
Pangalawang beses na ito ah. Pangalawang beses na!

***

"You are late Ms. Campbell"-bungad sa akin ni Prof. Linton kaya napakamot ako at humingi ng tawad.

Napa-iling naman ito at saka pinagpatuloy ang kanyang discussion.

Hindi naman talaga ako late eh! Kanina pa ako rito kaso nga lang isang lalaki dyan sa tabi-tabi ang humawak sa akin at sinama akong mag-teleport. Pssh. I really hate that guy.

May naramdaman akong nakatingin sa akin. I know hindi si Elliott ito kaya tinignan ko sa likuran ko. Caspain! Sh*t bakit ganon siya makatingin? Natutunaw ako eh!

Tumingin ako sa upuan ni Elliott ngunit wala siya roon.

Hmmft. Tumingin na ulit ako kay Prof. Linton na ngayon ay busy sa pagtuturo.

A boring discussion -___-

***

(Meanwhile)

*tok tok tok*

Napatingin kaming lahat sa pintuan dahil may kumatok sa pinto. Tumigil sa pagtuturo si Prof. Linton at pinagbuksan ang kumatok.

Nakita kong bahagyang ngumiti si Prof. Linton sa taong kumatok at pinapasok. Parang tumigil ang buong mundo ko dahil sa kanyang mukha. Ka mukha niya si Vien! Kamukhang-kamukha niya talaga!

Nabitawan ako ang aking ballpen at napa-urong kaya tumunog ang aking upuan para makahatak nang atensyon. Sh*t!

Ramdam ko ang tingin nilang lahat lalo na ang kamukha ni Vien at ni Caspain. Nakayuko lang ako para hindi niya ako maalala. Sh*t! Hindi ko alam kung ano na ang aking gagawin.

"Rianna?"

Ang boses na iyon. Hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Vien. Ramdam ko naman na may tumakbo papunta sa akin at alam ko na lang ay nakakulong na ako sa yakap niya.

Vien! Vien! Vien!

Yumakap ako sa kanya saka mahinang umiyak at mahinang humihingi ng tawad.

Humigpit ang yakap nito sa akin kaya mas lalong napaiyak ako. Namiss ko siya so much.

"You can talk"-isang boses ang narinig naming lahat na nagmumula sa likuran namin kung saan nandon ang mga royalties. Galing ito kay Aiken.

"Anong sinasabi mo Aiken?"-takang tanong ni Elisana kaya napatanggal ako sa pagkakayakap kay Vien.

Tumingin ako kay Caspian na ngayon ay madilim ang mukha habang nakatingin sa akin. *lunok*

Tumingin ako kay Aiken na ngayon ay nakakatakot ang kanyang expression.

"You're not mute, right?"-seryosong saad nito sa akin kaya napatitig ako sa kanya. Nakita ko na pinigilan siya ni Persephone sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang braso. Pansin ko rin ang pagpisil nito rito.

Takang tumingin sila sa akin.

"Yes, she's not mute"-saad ni Vien at saka ko inakbayan. Napasinghap naman ang mga tao sa loob ng classroom

"Ano ba ang nangyayari Rianna?"-takang tanong ni Vien saka niya ako pinaharap sa kanya at hinawakan ang dalawa kong balikat. Napatulala ako sa kanyang mukha. Ang gwapo niya. Mas lalo siyang gumwapo.

May humablot sa akin at nilagay ako sa kanyang likuran. Prince Caspain!

"Don't touch her"-nakakatakot na banta ni Caspain kay Vien na ikinatawa lang ni Vien.

"Bakit ba? Sino ka ba?"-mapang-uyaw na saad ni Vien at saka nagcross-arm pa.

"At sino ka rin?"- diin na tanong ni Caspian. Kaya napatawa ulit si Vien. Ayoko itong nangyayaring ito.

"I'm her childhood friend"-nagising saad ni Vien saka ako hinatak papunta sa kanya.
"At pwede ba, wag kang sisingit-singit, kita mong nag-uusap pa kami eh" inis na dagdag ni Vien.

Hinawakan naman ako ni Caspian sa kabilang kamay kaya pinag-aagawan na ako. Ang mga kamay ko!

Hinila ako ni Vien, hinila naman ako ni Caspain. Para silang nag-aagawan ng laruan! At kailan pa ako naging laruan?! I will never be a toy of someone because I am the one who play them. Nagsasamaan rin sila nang tingin. Hindi ko alam na may ganito pa lang scene sa buhay ko. Pag-aagawan na parang laruan.

"Stop"-saad ko saka ko kinuha ng marahas ang aking mga kamay. Nagsinghapan naman ang mga kaklase ko dahil narinig nila akong nagsalita. Great. One of my secrets was already revealed. Pero wala na akong magagawa, buking na ako eh. At hindi ko na kailangang maging tahimik.

Hinilot ko ang mga braso kong namumula. Mga walanghiya!

"Hindi ako laruan para pag-agawan ninyo. Hindi ako isang kotse o robot na pag-aagawan ninyo. O baka naman akala ninyo isa akong barbie? Mga bakla ba kayo? I will never be a toy. And the two of you, don't have the right to touch me. Kung mangyari na naman ito minsan, hindi ko ako magdadalawang isip na ihiwalay ang inyong mga ulo sa inyong mga katawan."-pagbabanta ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan pa rin sila ng masama. Kaya napatampal ako sa aking noo. Great.

"So, you can talk?"-napunta kay Elisana ang aking atensyon na ngayon ay nakatingin na sa akin. Gayon din ang mga kaklase ko pati si Prof. Linton, nalilito na rin.

"Yes"

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Yehey!!! Nagsasalita na siya! Etong kasing Vien na ito eh. Hmmmft.

Sino kaya makakatuluyan ni Adrianna?

AdriannaElliott
Adrianna♥Caspain
AdriannaVien

Pili na. Pwede pa kayong mag ship ng mga gusto niyo wahahah

Have a great day and keep safe

The Soul KeeperHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin