Chapter 64

5.9K 265 28
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

Hinayaan ko muna silang magsaya hanggang sa lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

"Hello"-nakangiting bati ko na nagpagulat sa kanilang apat.

"What the hell!"

"Sh*t"

"Damn"

"Who is she?"

Ngumiti ako sa kanila at naglakad papunta sa lugar nila. Binaba ko ang hawak kong bulaklak sa talagang pagbibigyan ko nito.

Nagulat sila sa ginawa ko ngunit ngiti lang ang binigay ko.

Umupo ako sa harap ng bulaklak at saka may kinalikot sa aking bag.

"May ipapakita nga pala ako"-masayang saad ko habang kinakalikot ang bag ko.

"Ba-bakit may bulaklak ka?!"-gulat na saad ni Cristine habang turo ang bulaklak.

Napatingin agad ako sa kanya at nginitian siya ng matamis.

"Yan ba? Ohh, para sa kaibigan kong multo 'yan na si Jamaica. Siya nga nagturo kung saan siya nakalibing eh"-ngiting abot tengang saad ko habang nakatingin sa kanilang apat na ngayon ay kinakapitan na ng takot.

"Ja-jamaica?!"-nauutal na saad ni Claire.

Nakita ko naman paano sila magkapitang lahat, konti na lang magyayakapan na sila.

"Oo, gumawa nga ako ng chibi doll niya eh, eto!"-sabay labas sa chibi doll na kamukha niya na nagpalaki ng mga mata nila.

How I love seeing those kind of facial expression.

"Kamukhang kamukha niya 'di ba?"-nakangiting saad ko at pinaupo sa tabi ko.

Tumingin ulit ako sa kanila.

"Bakit parang gulat na gulat kayo tas parang natatakot?"-takang tanong ko sa kanila na mas ikinagulat nila.

"Hindii kayo naniniwala sa akin?"-inosenteng saad ko na may lalong nagbigay nang kakaibang expression sa kanilang mukha.

"Gusto ninyo ng proof para maniwala kayo sa akin? I'll give you proof!"-galak na saad ko at pumalakpak pa, para mag mukha akong sweet but psycho.

Huli na nung magreact sila dahil gumalaw na nang kusa ang chibi doll na si Jamaica papalapit sa kanila kaya nagsigawan na silang lahat.

Takbo doon, takbo rito, balik doon, balik dito.

Nalilito na ata sila saan sila pupunta.

"Ahhhhh!!"

"Ahhhhh stay away you demon!!"

"Stop!!!!"

"Make her stop chasing us!"

Nagsisisigaw na sila habang ang chibi doll na si Jamaica ay nakangiting humahabol sa kanila.

"Why would I? Nag-eenjoy kaya siya"-kibit-balikat na saad ko na mas lalong ikinasigaw nila.

Ahahaha grabe nakakatawa sila, napapadapa din sila, minsan nag-uuntugan, minsan nagkakabanggaan. Tas sasabihin dito daan, pero yung dalawa sa ibang daan naman kaya bumabalik sila ulit. Ahahahah grabe.

Pumitik na ako sa ere kaya nagsilabasan ang mga thread ko, hanggang sa nakalutang na silang lahat.

Gulat na gulat silang lahat at pilit na kumakawala.

"May magic din siya!"-natatakot na saad ni Claire na ikinangisi ko

"Surprise!"-sigaw na galak ko habang pumapalakpak.

The Soul KeeperDonde viven las historias. Descúbrelo ahora