Chapter 7

13.2K 560 134
                                    

Third Person Point of View

Nagulat ang dalawang magkasintahan dahil sa hawak nitong chibi doll. Nanindig balahibo sila noong nakita nila kung paano tumagilid ang ulo ng chibi doll na hawak ni Adrianna.

"Remember him?"-nakangising tanong ni Adrianna sa kanina na mas nagpatindi sa kanilang takot.

Pumitik ang dalawang daliri ni Adrianna sa ere hanggang sa bigla silang nahulog sa isang Black hole sa ilalim ng lupa.

"Ahhhhhhhh!"

"Kyyaaaaaah"

Tili nilang dalawa habang si Adrianna naman ay umalingawngaw na ang kanyang tawa.

Napangiti si Adrianna nang makita ang dalawa na magkayakap habang nagsisisigaw. Hindi rin namalayan ni Brena na nakaihi na ito sa kanyang palda.

"Grabe! Ang intense non! Gusto ko pa!"-biglang nagsalita ang hawak ni Adrianna na Chibi doll kaya nabato ang dalawang taong magkayakan ngayon.

"That voice!"-gulat na gulat si Brena dahil sa kanilang narinig at napatingin sa chibi doll na hawak ni Adrianna.

"That voice! Kay Kendy iyon! Bid!"- sigaw ni Brena habang niyuyog-yog si Bid.

Hindi pinansin ni Bid si Brena at tumingin lang sa hawak ni Adrianna na Chibi doll.

"Nasaan tayo?"-tanong ni Bid Kay Adrianna. Hindi pinansin ni Bid ang boses na kanyang narinig. Alam niya na si Kendy iyon, ang matalik niyang kaibigan na pinaslang niya.

"Nandito kayong dalawa sa Black Palace. Dito ko pinaparusahan ang mga taong makasalanan."-nakangising saad ni Adrianna at pumitik ulit.

Nabigla ang dalawa dahil bigla nalang tumaas ang mga braso nila sa ere. Hindi sila makagalaw. Tanging ulo lang nila ang nakakagalaw.

"Please! Tama na!"-umiiyak sa pakiusap ni Brena Kay Adrianna.

"Wala pa nga akong ginagawa, nagmamakaawa ka na. Pathetic!"-mapag-uyam na saad nito sa dalaga.

"I hungry eat and the same time sleepy kaya papadaliin ko na!" Nakangising saad ni Adrianna sa kanilang dalawa. Tumingin si Adrianna sa hawak niyang chibi kendy.

"Kendy, may makakalaro ka na ulit"- nakangising saad ni Adrianna kay Kendy na nasa loob ng isang chibi doll na ka mukha niya.

Napangiti ang mukha ng chibi doll saka tumingin sa dalawa na nasa harap nila.

"The justice will be serve by today. Be happy now and enjoy your new life, Chibi Kendy."-may ngiting saad ni Adrianna kaya lumapit na ito kay Bid.

Umiiyak na rin si Bid habang umiiling-iling. Si Brena naman ay humahagulhol na.

"Bid, isang walang kwentang kaibigan, traydor, ahas at fucker"-nakangiting saad ni Adrianna at pinalabas na ang kanyang matulis na kuko saka dinukot ang puso ni Bid.

"No! Bid! Nooooo!"-sigaw ni Brena habang nagpupumiglas.

Hawak hawak na ngayon ni Adrianna ang puso ng lalaking nasa harapan niya.

Pumitik sa ere si Adrianna at nawala bigla si chibi Kendy at napalitan ng isang chibi doll na kamukha ni Bid. Pero mas maliit ito kaysa kay Kendy.

Ipinantay ni Adrianna ang hawak niyang puso sa ulo ng chibi doll na kamukha ni Bid at saka dinurog ang puso nito hanggang sa naging manipis na parang glitters na itim ang pumasok sa loob ng chibi doll. Siya na si Chibi Bid.

"Welcome to the play house Bid!"-nakangising saad ni Adrianna. Mas lalong lumawak ang ngisi nito nung nakita ang isang takot na parang tutang Bid sa loob ng chibi doll.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now