Chapter 96

4.9K 244 116
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

Pumalakpak ako sa ere hanggang sa may malaking hole ang lumabas sa inaapakan naming lahat hanggang sa nahulog kami sa Flame Kingdom na nagkakagulo na.

Dito sa Flame Kingdom ang kampo ng mga Black Organization. Sila rin naman ang utak ng lahat. Ang mga Morris.

"Grabe ang tagal ninyo ah"-saad ni Persephone na ngayon ay papalabas sa anino.

Tumingin ako sa kanya, duguan ang buong mukha niya pero okay pa naman siya.

"I'm fine Adrianna, dugo ni Hugo 'to"-sabi niya kaya napahinga ako. At tumingin kay Caspian at Asiamie na papalayo na sa lugar namin.

Tatakas pa talaga sila. Pssh, hayaan na muna natin silang magkasama. Mamamatay din naman silang dalawa, lahat sila.

Kailangan ko munang unahin ang mga Class S na kalaban.

"Is it okay na hayaan mo ang dalawang tigang na 'yon na umalis nang hindi namamatay?"-inis na tanong ni Roselyn habang dumadaldal siya sa harap ko.

Hindi ko siya pinansin at naglakad lang papunta sa mga kasama namin na nasa 'di kalayuang distansya.

Napatingin naman ako sa likuran kung saan nakita ko si Baby Sai nakasakay sa likod ni Prim.

Napansin nilang dalawa na nakatingin ako kaya sabay silang kumaway.

Kaya napatawa ako nang konti.

They're so cute. Mag-ama talaga silang dalawa.

"Mommy"-tawag ni baby Sai sa akin kaya napatingin ako sa kanya bigla, ganoon din si Prim, Roselyn at Persephone.

"Si Jasmin, ipapanganak muli sa flower of life"-saad ni Baby Sai kaya napatingin ako kay Prim.

"Another reincarnation baby"-saad ko at saka tumango at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ibabalik ko na lang si Jasmin sa pamilya niya sa mortal world para doon lumaki.

"They so mabaho like they don't ligo ligo in a year!"-sigaw ni Tenleigh habang tumatakbo papalayo. Hinahabol siya ng mga zombies. Kahit tanggalin mo ang mga ulo nila babalik at babalik iyon. Kailangan mong hanapin ang kumokontrol sa mga ito para tumigil sila.

Ang tawag sa magic na yan ay walkers.  Only zombies lang ang kaya niyang i-manipulate. Sinenyasan ko silang lahat na sumali na sa laban.

Ang walker muna ang papatayin ko.

Binaba ko ang kamay ko sa lupa at saka pumikit. Unti-unti kong pinalabas ang mga threads ko at pinagapang sa paligid.

Kita ko sa vision ko kung paano tumakbo nang matulin si Tenleigh habang ang mga zombies ay papalapit sa kanya.

Mabilis kong pinulupot ang mga threads ko sa mga zombies kaya tumigil sila sa kakahabol kay Tenleigh. Napatigil naman si Tenleigh at takang tumingin sa mga zombies na ngayon ay mukha na lang ang gumagalaw.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta kay Tenleigh.

Tenleigh Roberts POV

I'm nagtataka why sila tumigil.

I pinaliit ang aking eyes and tinignan sila suspiciously.

I don't tiwa-tiwala to them. They hindi katiwa-tiwala.

I lapit to them and wave my kamay in front of them. I tingin to their body, napapalibutan ng thread.

It's Adrianna's power.

So I smiled and tingin sa mga zombies.

"Bleeh you walang takas."-i sabi and I even dance in front of them.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now