Chapter 111 (Special #2)

5.1K 203 52
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

Nakangisi ako habang nakatayo at naghihintay sa pamilya ni Jasmin.

Ang tagal naman nila! Mamamasyal pa kami eh! Tsk.

Tumingin ako kay Baby Sai na buhat-buhat ang natutulog na si Jasmin. Ewan ko ba sa Jasmin na ito, ayaw magsalita. Parang gusto ko siyang tirisin, hindi pala parang gustong gusto ko talaga siyang tirisin.

Umirap ako sa ere at saka pinagmasdan ang mga tao na naglalakad sa harapan namin na patuloy na pinag-uusapan si Baby Sai at si Jasmin.

"Anak niya kaya ang batang buhat niya?"-tanong ni babae 1

"Malay ko, pity her. Baka maagang lumandi"-kibit-balikat na saad ni babae 2

"Gaga! Sobrang bata pa niya oh! Baka di pa yan nireregla!"-giit naman ni Babae 3

"Aahhh! Baka yung babaeng nakatayo anak niya pareho ang dalawang batang yan!"-parang tumpak na saad ni babae 1 na ikina-agree naman ng dalawa.

"Grabe galing naman nila. Ang bata pa may dalawang anak na"-tumatawang saad ni babae 2

"Sayang gwapo pa at maganda. Di na nila inisip ang kinabukasan kundi nagpatangay sila sa agos ng kalibugan"-umiiling na saad ni babae 1 kaya binatukan siya ni babae 3.

"Manahimik na nga kayo! Di na kayo nahiya!"-giit nito at hinatak ang dalawang kaibigan niya palayo.

"Sad reality sa mundong ito. They love judging each other, faking friends, low parental guidance and more"-saad ni Jasmin kaya napatingin ako sa paligid at saka nakahinga nang maluwag.

"Sanggol ka Jasmin. Alalahanin mo"-giit ko at saka siya inirapan.

Meanwhile

May tumigil sa harapan namin kaya mabilis kong na seal ang kapangyarihan ni Baby Sai.

Napatingin siya sa akin at saka ako sinamaan nang tingin saka niya ako inirapan.

Pagkababa ng babae sa sasakyan ay kukunin ko na sana si Jasmin kay baby Sai pero si Baby Sai na mismo ang nag-abot sa mama ni Jasmin, dati.

Nakausap ko na sila about dito, ganon din daw ang nangyari. May nagbigay sa kanila ng bata at si Jasmin iyon. Hindi na sila nagtataka pa.

Hindi na sila nagtagal pa at umalis na sila.

Nakatayo pa rin ako habang lutang ang isipan ko.

Bakit? Bakit binigay agad ni Baby Sai si Jasmin? Hindi man lang siya pumalag? Ayaw nga niya akong palapitin eh! Tas ngayon nagplano pa ako pero ibibigay niya pala nang kusa?! Nagpakabaliw lang ako sa pag-iisip ng plano?! Balewala ang lahat!! Wahhh!!!

"Mommy! Snap it out!"-napatingin ako kay Baby Sai na masama ang tingin saa akin.

"Ano pang ginagawa mo jan Mommy? Di ba mamamasyal tayo?"-tanong ni Baby Sai kaya taka ko siyang pinagmasdan at mabilis na hinawakan ang dalawang balikat niya.

"Baby Sai! Kinuha na nila si Jasmin! Bakit di ka pumalag?"- hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tinignan lang niya ako nang may pagtataka sa mukha niya.

"What are you talking mommy? They are the true family. At saka ano ba dapat gawin ko magwala? Pssh. Kaya ko lang naman kinuha si Taylor kasi I love babies at isa pa may mga tinanong lang ako sa kanya. Ikaw kasi eh, may paplano plano ka pang itakas siya eh may gusto pa akong itanong tsk"-umirap na saan ni Baby Sai kaya napaluhod ako habang nakanganga.

Ganon pala iyon. Ang dami kong gigil kay Jasmin at tampo sa baby Sai ko tas ganon lang pala ang dahilan ni baby Sai.

"And you even seal my power. You are totally nuts Mommy!"-sigaw nito sa akin at saka ako inirapan.

What the!!!

"Bakit kasi hindi na lang ako ang pinagtanungan mo?"-nakangusong tanong ko sa kanya na ikina-iling niya.

"Mommy, si Taylor ay matagal na rito sa Mortal World, eh ikaw palagi ka lang nakakulong sa Soul Kingdom. Anong alam mo sa Mortal World?"-saad niya kaya napanguso ako at saka umirap.

"May alam ako konti"-giit ko habang nakairap pa rin.

"See! Psssh. Tayo na nga lang Mommy. Gusto kong mamasyal sa mga parks dito"-umiiling na saad niya kaya napasunod na lang ako sa kanya.

"Psssh! Yan OA ka kasi My flower ahaah"-tumatawang saad ni Prim kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Baby Sai wait for me!!!"-sigaw ko at saka iniwan si Prim. Bahala ka sa buhat mo Prim.

***

Tumatawa kaming dalawa ni Baby Sai habang kumakain. Hanggang sa naisipan naming umupo muna sa isang bench.

Napatigil agad kami ni baby Sai at saka nagkatinginan habang nakangiwi kami sa isa't isa.

"Bakit? May problema ba?"-nagtatakang tanong sa amin ni Prim kaya napangiwi kaming dalawa ni baby Sai.

"Umupo ka para masabi namin"-mahinang saad ko at saka tumingin sa paligid.

Pagkaupo niya ay nanlaki agad ang mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa amin.

"Daddy, this bench is freshly painted"

***

Masaya kaming pumasok sa portal. Ang sayang araw nito, hindi ko aakalain na mag-eenjoy kami sa paglilibot. Naging tour guide namin si Baby Sai. Ganon pala ang mga tinanong ni baby Sai kay Jasmin. Mga lugar na pwedeng puntahan. Akala ko kasi di na ako papansinin pa ni baby Sai dahil sa Jasmin na iyon.

Pagkalabas namin sa portal ay bumungad sa akin ang nakangiting Ava habang hawak ang baby niya.

"Wai—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang nakalapit na si Baby Sai kay Ava at kinarga ang baby.

Langya! Pagkatapos kay Jasmin, may bata ulit?!

"Look gustong gusto ka ni Devan, Sai huhhuhu"-saad ni Ava saka siya tumingin sa akin.

"Fake mute huhuhu"-sigaw nito at saka mabilis akong niyakap. Wala na ang umpok ng tyan niya. It means, nanganak na siya at ang buhat buhat ni Sai ngayon.

Sinamaan ko siya nang tingin at saka inirapan.

Langya ka talaga Ava!! Nanggigigil ako sa'yo!!!

"Why huhuhu"

Kahit kailan talaga hindi mawawala ang huhuhu nitong babaeng ito.

"Bakit anong bilis mo kasing nanganak?!"-gigil na saad ko kaya binatukan niya ako bigla.

"Aba! Sa tingin mo hahayaan kong manirahan na lang sa sinapupunan ko ang anak namin? Hindi ganon katagal ang mga lobo kapag nagbubuntis o pinagbubuntis ay isaang lobo. Nasa one month lang! Sa tingin mo hahayaan kong manatili sa sinapupunan ko hanggang 9 months?!"-gigil sa saad ni Ava na ikina irap ko. "Huhuhuhuhu nagiging inutil ka na fake mute"-dagdag pa nito.

"Shut up!"-sigaw ko naman sa kanya.

Aba malay kong ganon pala iyon.

Nakanguso akong napatingin kay baby Sai na ngayon ay nakangiting nilalaro ang anak ni Ava.

"Baby Sai, kailangan na daw nilang umalis, ibalik mo na si Devan sa Mommy niya"-masuyong saad ko pero lumayo lang sa akin si Baby Sai habang buhat si Devan.

Tang-ina naman!!!!











✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Heheh may isa pang update hahaha

Thank you and keep safe

Love you and God bless you all.

Muah!❤️

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now