Chapter 39

6.6K 333 27
                                    

Elisana Crawford POV

"I'm asking you!! Who the hell are you?"-sigaw ni Caspian na nagpatigil sa lahat. Ramdam mo ang kakaibang aura na bumabalot sa buong paligid.

Ang kaninang puro tili ay napalitan ng katahimikan. Walang nagsalita, ramdam nila ang tensyon na bumabalot sa paligid.

Napatingin sa paligid ang estrangherong lalaki na may hawak na chibi doll na kamukha ni Adrianna.

Why?! Bakit may hawak siyang chibi doll?! At talagang kamukha pa ni Adrianna? Who the hell is he?

"You are causing too much attention. I hate attentions. She don't want attention"-may pagbabantang saad nito ngunit ang mukha niya ay parang isang maamong nilalang.

"Shut the fuck up, and tell me who are you!?"-hindi nagpatinag si Caspian sa nilalabas na aura ng estrangherong lalaki.

"I'm Daxton, happy?"-may pagkairitang sagot nito at saka nilagpasan si Caspian na nakatayo parin habang nakakuyom ang mga kamay niya.

Siguro dahil sa inis ni Caspian ay nagpakawala siya ng isang malaking fire ball papunta sa estrangherong nagngangalang Daxton.

Habang binabaybay ng bolang apoy ang pagitan ni Caspian at Daxton ay unti-unti itong lumiliit na nagpasinghap sa maraming nakasaksi. Pati kami.

Humarap ang nagngangalang Daxton at kinain ang maliit na bolang apoy ni Caspian na kanina lang ay malaki.

Nanlaki ang mga mata namin habang nakatingin sa estrangherong nagngangalang Daxton na papaalis na ngayon na parang walang nangyari.

"Wh-what happened?!"-yan lang ang tanong ni Accuis habang nakatingin sa daang dinaanan ni Daxton The mysterious.

"Just fucking damn it!"-inis na sigaw ni Caspian at naglaho na sa kinatatayuan niya.

Anong nangyayari?!

"Anong nangyayari dito?"-tanong ni Hm Loki na papalapit sa amin habang naka-akbay sa kanyang asawa.

Nagsialisan ang mga estudyante kaya kami nalang na mga royalties ang nandito pwera kina Caspian, Elliott at Aiken.

"Hm... May nakatira na po ba sa Dark Mansion?"-tanong ni Kegan na ikinagulat ni Lea saka napatingin sa amin ng seryoso.

"Did you saw her?"-biglang tanong nito na ikinalito namin. Her di ba dapat Him? Lalaki 'yon eh.

"Babae?! Eh lalaki ang nakita ng mga estudyante. At kaharap pa kanina ni Caspian"-mahinang saad ni Accuis na rinig ng lahat.

"Lalaki?"-tanong ng asawa ni Hm Loki na si Lea. Ma'am Lea.

"Yes po, kaharap namin kanina"-takang sabi ko na ikinatango ng mga kaibigan ko.

"Hmmm. Ok. Kami na ang bahala. Baka nagpapanggap lang iyon o di kaya kalaban na nakapasok"-alertong saad nito kaya naalerto kaming lahat na nandito.

"If he is a kalaban. Why he paki-pakita to us? And why is he so gwapo?"-takang tanong ni Tenleigh, maganda na sana ang tanong niya ngunit dinugtungan pa.

"Mas gwapo sa akin!?"-sigaw na tanong naman ni Accuis at saka niyugyog si Tenleigh.

"Ohh. I'm so nahihilo"-nahihilong saad ni Tenleigh na ikinatigil ni Accuis sa pang-yuyugyog sa kanya.

"Are you jealous?!"-biglang tanong ni Lea Kay Accuis na ikinapula ni Accuis. Umirap naman si Tenleigh pero namumula rin ang dalawang pisngi nito.

"No way!"-sigaw nilang dalawa tas nagkatinginan.

Napatingin naman ako sa malayo, mga baliw.

"Kapag nakita ninyo ulit ang lalaking iyon, sabihin ninyo agad sa amin"-seryosong saad ni Hm Loki at saka naglakad na.

Tumango lang kami at pumunta na rin sa Royal Mansion.

"Babae ba talaga ang nakatira don? Eh bakit sabi nila lalaki ang pumasok don?"-tanong ni Accuis na nasa tabi ko. Inirapan ko lang. Hindi ba siya nakikinig? Babae ang nakatira sa Dark Mansion. Baka nga daw kalaban ang lalaking iyon.

"Pwede ba!? Wag niyo na ngang isipin ang gagong lalaking iyon?! Nakakasira ng image eh!"-biglang saad ni Kegan na kanina pa tahimik at nagsimula nang maglakad papalayo sa amin.

Inggitero talaga ang gagong iyon.

Adrianna Rose Campbell POV

Natuod kaming dalawa ni Ava dahil papalapit sa akin, amin ang alpha habang binibigkas niya ang salitang mate.

Walang gumalaw sa amin, tanging mga mata lang namin ay sumusunod sa mga hakbang na ginagawa ng Alpha. Ganito ba ang kapangyarihan ng Alpha?! It's so intimidating!

"Mate! Mate! Mate!"-nag growl na sabi nito habang papalapit sa amin.

Ilang hakbang nalang, ilang hakbang nalang.

Hanggang sa nilagpasan na niya ako saka pumunta kay Ava na ngayon ay nanigas sa kanyang kinatatayuan.

Yes, Alpha's mate is no other than Ava. Alam ko na na si Ava ang mate nito dahil sa likuran ko siya nakatingin.

Nakangiti akong tinitignan si Ava na ngayon ay namumula na sa hiya.

Naghiyawan ang mga taong lobo sa likuran namin.

"Alpha!! Luna!! Mabuhay!"

***

Nakaupo lang ako ngayon sa quest room dito sa Alpha House. Ewan ko kung kailan namin gagawin ang misyon namin dahil ang bwisit na impaktang iyon, iniwan ako at sumama sa mate niya. I don't know kung saan sila pumunta pero buset lang gusto ko ng umuwi eh! Miss ko na sila.

*tok tok tok*

Hindi pa ako nakakasagot ay may pumasok na. Isang babaeng nasa edad 21-23.

"Hello po, pinapasundo ka po ni Luna Ava huhuhu"-magaling niyang saad magugustuhan ko na sana ngunit dahil sa tawa niya bumusangot ako.

"What with the 'huhuhu' thing?"-may pagtataray na saad ko, my g! Bago sa akin ang pagtataray ah.

"Yun po kasi ang utos ni Luna Ava kapag may kinakausap kami dapat po may huhuhu"

Putakteng babaeng iyon oh! Sasakalin ko siya hanggang mamatay siya! Kung ano ano ang pinagsasabi ng babaitang iyon!

"Please lang, kapag ako ang kausap ninyo ay wag niyong lalagyan ng 'huhuhu' ang sasabihin niyo"-nawawalan na ako ng pasensya eh. Nakakabwisit na parang gusto mong pumatay nang wala sa oras.

"Hindi po namin magagawa 'yan, kasi po kapag daw po kayo ang kausap namin ay dapat may 'huhuhu' para maalala niyo daw po ang magandang Luna huhuhu"-saad nito na may lalong ikinasimangot ko. Akala ko aso lang ang maaamo pati pala mga lobo sabagay hindi naman nalalayo ang aso sa lobo buset.

"Please get out. I'm pissed right now"-malamig kong saad na ikinakaripas ng babae papalabas sa kwarto.

"Makakatikim ka ng sabunot at malulutong na sampal Ava. You're teasing me, and you actually succeed cause I'm totally fucking pissed"

✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳

Enjoy ba kayo?

Pwes ako oo ahahah.

Ayan na po ang update. Sorry sa paghihintay. Pero maghihintay na naman kayo dahil kailangan ahahha.

God bless you guys.

Stay healthy and Keep safe.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now