Chapter 76

5.3K 264 26
                                    


Adrianna Rose Campbell POV

"Accuis!"-tili ni Tenleigh at dinaluhan agad si Accuis. Ngumisi ako at tumakbo papunta kay Tenleigh na na kay Accuis ang atensyon.

Mabilis ko siyang sinipa sa mukha kaya tumilapon siya sa malayo.

Call me whatever you want. But entering and touching my territories are a sin. You need to pay.

"Four down, one more"-ngising saad ko at saka mabilis na umilag dahil sa bumubulusok na ice spikes.

Nakita kong ngumisi si Elliott at saka dinilaan ang ibabang labi niya.

Mabilis siyang sumugod sa akin at sinangga ko naman ito. Nag espadahan kaming dalawa, ilag, sangga at talon palayo ang ginagawa ko. Bihasa siya sa paghawak ng kanyang sandata. Ngayon ko lang siya nakitang humawak ng espada. Well trained ang lalaking ito.

Lumayo ako at saka naghanda. Ngumisi ako at mabilis na inihampas ang espada ko na sinangga naman niya pero napaurong siya.

Tumalon ako papunta sa likuran niya at saka malakas na inihampas ang espada ko kaya tumilapon siya sa may kakahuyan gaya nang iba. Ngumisi ako at pinaikot ang hawak kong espada. Tinapon ko sa ere ang espada ko at habang umiikot ito sa ere mabilis akong tumalon at sinipa ang dulo ng hawakan pabulusok kay Elliott.

Nanlaki ang mga mata ni Elliott nang makita ang pabulusok na espada sa kanya kaya napayuko siya bigla. Nasa taas ng ulo niya ang espada na nakabaon na sa puno.

"I missed. Haha"

Unti-unting tumayo si Elliott at saka tinignan ako.

"Hindi ko akalaing magaling kang makipag espadahan."-saad niya habang pinapaikot ang kanyang ulo.

"Kahanga-hanga ka rin sa paghawak ng espada"-seryosong saad ko at saka panakang tumingin sa espada ko na nakabaon pa rin.

"Nah, bata pa lang ako sinanay na ako ng isang swordsman."-saad niya at saka naghanda na ulit.

"Swordsman?"-takang tanong ko. Isa lang naman ang Swordman eh, Si Mr. Renz Jack. Father of Roselyn Jack aka the snake.

"Renz Jack"-saad niya na ikinagulat ko. Paano niya nakilala? Kilala siya sa lahat, pero konti lang ang mga kinasasalamuha nito. Isa siyang pribadong tao na kilala ko.

"Eh ikaw Adrianna?"-tanong niya na mag ikinagulat ko. What the... Paano niya nakilalang ako ito?

Hindi ako nakapagsalita agad, nakatingin lang ako sa kanya.

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko pagkatapos kong marinig ang aking pangalan mula sa kanya.

What the hell!!!

"Come on baby, alam kong ikaw 'yan."-nakangising saad niya habang nagtataas-baba ang mga kilay niya.

How?! What the!
Shit!!

"What are you talking about?"-tanong ko nang makarecover na ako konti dahil sa gulat.

Paano?! Paano niya nalaman na ako ito? Paano? Kailan? Saan? Kanino?

"Come on, you don't need to lie. I knew, a long time ago."-nakangising saad niya habang simpleng umupo sa tabi ng fountain.

Tinignan ko ang ibang mga royalties na wala pa ring malay. Tumingin ako kay Elliott ng seryoso at saka unti-unting tinanggal ang maskara ko.

"How?"-tanong ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nakatingin sa mga mata niya.

"I don't know na nasayo pala ang Moon Sword. Interesting."-nakangising saad niya habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko.

"How?"- hindi makapaniwalang tanong ko, naglakad ako papunta sa puno habang ang isip ko'y lutang.

Hinugot ko ang espada ko habang nakatalikod kay Elliott.

"I'm your long long time stalker, my love."-biglang saad niya kaya napatingin ako sa kanya na gulat.

What the?!

"Aha! Palagi kitang sinusundan at tinatanaw sa malayo. And your smell. I love your smell"-saad niya kaya napa-urong ako bigla. What the hell. Ang creepy niya.

"And how? Paano rin kayo nakapasok?"-tanong ko sa kanya habang nakatayo pa rin sa kinatatayuan ko.

"May nagsabi."-simpleng saad niya at saka tumingin sa paligid.

"Kakaiba talaga ang Dark Forest. Ang ganda. Pwedeng pumunta ulit ako rito?"-biglang saad niya na ikinasama ng tingin ko sa kanya.

"No" seryosong sagot ko at saka humigpit ang pagkakahawak ko sa espada.

"Sino?"-seryosong tanong ko sa kanya at saka lumapit pa.

"May batang may payong, pulang dress at blue hair na naka ponytail. Hanggang bewang ko lang siguro. Ngunit bigla nalang itong nawala nang nasa kalagitaan na kami ng lakad sa loob ng Dark Forest"-kwento niya at saka ako tumingin sa dinaanan nila. Kailangan kong ibahin ang rota ulit.

Pumalakpak ako at nagsilabasan ang mga anino at isa isang binuhat ang mga royalties, at isa isa bilang tinapon sa fountain at biglang naglaho.

"Anon-?"-hindi natuloy ni Elliott ang sasabihin niya nang maglaho ang mga kaibigan niya.

"Wag kang mag-alala, nasa clinic na sila ngayon. At wala na silang maaalala pa."-nakangising saad ko at saka tumingin sa kanya.

Lumapit ako at itutulak ko na sana siya kaso bigla niyang tinutok ang espada niya sa leeg ko kaya humapdi konti ang leeg ko.

Nawala ang ngisi sa labi ko nang naramdaman ko iyon.

Mabilis akong tumalon patalikod at saktong nakasakay na ako kay Prim na ngayon ay nasa second transformation niya na isang Black Fire Wolf.

"Woooaaaaar"-alulong ni Prim na nagpagulat kay Elliott. Alam naman na niya ang anyo ni Prim dati pa pero hindi niya alam kung gaano ito kalakas.

Bumuga ng apoy si Prim, gumawa naman ng harang si Elliott gamit ang ice magic niya.

Habang tumatakbo pasugod si Prim at tumayo ako sa likod niya at binalanse ang aking sarili habang pinapaikot ko sa kamay ko ang espada ko.

Hindi napansin ni Elliott ang pagsugod namin kaya tumilapon siya sa double door ng Dark Mansion.

Mabilis akong tumalon at naglanding sa ibabaw ni Elliott habang nakatutok sa kanya ang espada ko.

"Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka"-seryosong saad ko, napalunok naman ito at tinaas na ang dalawang kamay niya para sumuko.

Tumayo ako at tumalikod sa kanya.

"Adrianna, hindi mo kailangang alisin ang alaala ko. I can be your ally. Just allow me to help you. Alam kong hindi magpapapasok si HeadMaster ng kalaban dito at nakatira ka sa Dark Mansion, alam kong hindi ka kaaway."-seryosong saad niya kaya napatingin ako sa kanya at saka tumawa.

"Yan ang sa tingin mo"-seryosong saad ko.




✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳

Thank you for waiting.

Love you guys.

Keep safe.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now