Chapter 45

6.7K 306 43
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

Habang nagtuturo si Prof. Linton ay biglang bumukas ang pinto doon ko nakita si Vien nahinihingal.

"Ex Headmaster!"-sigaw ko at saka tumakbo payakap sa kanya. Niyakap din naman niya ako at saka pina-ikot pa.

Wait. Parang ang corny.

"Ehem. Baka gusto niyong umupo? Pwede naman"-nahihiya kunong saad ni Prof. Linton kaya napatingin kami ni Vien sa kanya habang magkayakap pa rin

Ang harot tignan. Nahawaan na talaga ako kay sa malanding impaktang 'yon. Iiwasan ko na siya for good.

Mas lalong napayakap ako kay Vien dahil bigla na lang lumamig ang paligid.

"Elliott no magic!"-sigaw ni Prof. Linton kaya bumalik na sa dati ang temperatura.

Napahiwalay na naman agad ako kay Vien dahil naging maiinit ang temperatura.

Ang init!!

"Caspian! No magic!"-sigaw ulit ni Prof. Linton kaya narinig kong nag tsk si Caspian at saka umirap.

"Prof. Ipagbawal mo rin ang PDA!"-sigaw ni Elliott at saka umirap sa ere.

Mga baklang 'to.

"Magsi-upo na nga kayo!"-singhal ni Prof. Linton kaya palihim kaming natuwa ni Vien.

"I miss you"-bulong nito na ikinangiti ko.

And I mouthed 'I miss you too' to him.

"Landian pa"-saad ni Caspian na ikinatingin nang lahat sa kanya.

"She can landi you too, right?"-sabi ko sabay tingin sa babaeng katabi niya na ikinangisi ng babaeng ahas.

Napa-iling na lang ako at saka umupo na sa aking upuan.

***

"Adrianna sabay ka na sa amin"-aya ni Elisana sa akin. Meryenda time na kasi.

Tumingin ako kay Vien na ngayon ay nakatingin din sa akin.

Tumingin ulit ako kay Elisana na nag-aantay ng aking sagot.

"Sige"-sang-ayon ko at saka kinuha na ang back pack ko. Ganon din ang ginawa ni Vien.

"Makikipagtable tayo dyan sa mga 'yan Baby Caspian?"-nandidiring rinig kong saad ng babaeng ahas.

Napatingin ako sa kanya saka ito tinaasan ng kilay.

"Sorry ah, I think even the royalties don't want to share a table with you"-ngiting saad ko at saka tinignan si Caspian.

"Total kasama mo naman si Caspian di ba? Lumungkis ka lang sa kanya. Siguro naman magiging masaya ka kasi nagiging pabigat ka kay Caspian. Ok lang naman na landiin mo siya eh. Gustong gusto nga niya"-umirap na saad ko at naunang maglakad.

Nakakabadtrip ang mukha niya.

Ano ba kasi ang gagawin ng isang witch dito?

***

"Hi Persephone"-bati ko kay Persephone na ngayon ay gulat na napatingin sa akin.

Wala kasi sina Accuis, Vien, Aiken at Kegan. Sila ang nag-order.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now