Chapter 69

5.8K 288 51
                                    

Third Person Point of View

Gigil na tumayo si Elisana habang naglalabas ng mga kuryente sa buong katawan niya.

Ang kuryenteng lumalabas sa kanya at mga volts na nasa paligid ay nagsisilbing ilaw sa paligid.

"Papatayin kita Light. Nasa loob kayo ngayon ng aking kapangyarihan sa tingin mo makakatakas ka pa at makakagamit ng iyong mahika?"-nakakakilabot na saad ni Persephone habang unti-unting tinataas niya ang ulo niya at nanlilisik na mga mata ang sumalubong kay Light.

Hindi napansin ni Light na napa-urong siya dahil sa tinging pinukol ni Persephone sa kanya. Nakaramdam siya na parang sinentensyahan na ng impyerno ang magiging buhay niya.

Nakita ni Chinny ang konting pag-atras ni Light kaya dali dali siyang tumayo sa harapan ni Light at siya ang tumitig kay Persephone ngunit ang tingin pa rin ni Persephone ay na kay Light na ngayon ay nasa likuran ni Chinny.

"Uy bakal, baka nakakalimutan mo ako. Akin ka. Ako ang papaslang sa'yo"-ngising saad ni Elisana habang nakatingin ngayon kay Chinny.

Napahigpit ang kapit ni Chinny sa chain niya habang nakatingin kay Elisana na ang mga mata niya ay parang nagwawala ang mga kuryente sa mga mata niya.

"Buhay ang binawi, dalawang buhay ang kapalit"-Sabay na saad nina Elisana at Persephone na sinabayan pa ng tawa na nakakatakot.

Adrianna Rose Campbell POV

"Grabe ka naman, nandito lang ako dahil gusto ka nilang makita. Bakit ang sama agad ng tingin mo sa akin? Smile ka na nyahhaha"

Habang nagsasalita siya umiinit ang ulo ko, sobra.

"Hayst, Ok. Kasama ko ang dalawang 'yan na pumunta rito pero hindi ako sumama para makipaglaban."-nakataas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko at sinabayan pa ng tawa.

Napakuyom ako ng mga palad ko habang tinititigan ang mga kaluluwa sa harapan ko.

They didn't do anything. Wala silang ginawa, na kontrol lang sila dati but still ganito ang nangyari sa kanila.

Hindi man nandito si Jasmin para makipaglaban pero sapat na ang dahilan para patayin siya dahil sa mga ginagawa niya.

Hinanda ko ang mga kamay ko at napansin niya iyon kaya ngumisi siya at binaba ang dalawang kamay niya.

"Hmmm. Mukhang papatayin mo na ako ngayon ah. Hayst."-umiiling na saad niya then bigla na lang siyang sumugot habang hawak ang scythe of death.

Ginamit ko ang gintong sinulid ko para pigilin ang atake niya sa akin.

Tumalon siya patalikod at saka pinaikot sa kamay niya ang Scythe of death.

"Alam mo ba? Mayaman ka na sa mundo ng mga tao kapag may ginto ka. Magkano kaya palit sa gintong sinulid mo?"-natatawang saad niya pero hindi talaga siya nakakatawa.

"Alam mo, ang corny mo. Di ka pwedeng maging joker"-singhal ko sa kanya at tinitigan siya ng masama.

"Ang mean mo naman! Hmmft"-saad niya at mabilis na sumugod ulit sa akin.

Ginamit ko ang thread ko para sanggain ang atake niya. Once na masugatan ka ng Death scythe niya, kahit konti kukunin na agad ng scythe ang buhay mo. At magiging alaga ka na ng necromancer na si Jasmin.

Lumayo ako nang konti sa kanya at nagpalabas ng mga thread na naka harap sa kanya, well ang gintong thread ko ay pwedeng lumusot kahit saan, pader, puno at tao.

Mabilis kong pinalusob ang mga thread ko sa kanya, na sinangga lang niya gamit ang pinapaikot nyang death scythe.

"Ito lang ang kaya mo? How wea—"

Hindii niya natuloy ang sasabihin niya nang pinabulusok ko pa ang isang thread ki kaya nasugatan ko ang pisngi niya.

Lumayo siya konti at hinawakan ang pisngi nyang dumudugo.

"Great"-tumatangong saad niya habang pinagmamasdan ang dugo sa kanyang kamay.

Tumingin siya sa akin at pinaglaho ang kanyang death scythe.

"Alright, I surrender. Once na nasugatan ako, I'll surrender. Iyan ang patakaran ko sa pakikipaglaban. By the way, ikaw palang ang nakakagawa nun sa akin. I must admit that you're more powerful than me. You're my greatest enemy"-saad niya at saka ako binigyan ng isang ngiti.

"I'm happy to meet you. Nakita ko na ring ang makakatalo sa akin. It's been years since naghahanap ako ng taong kaya akong talunin. And dumating ka, and tinalo ako sa isang simpleng laban. Actually, ayoko pang mamatay sa kamay mo ngayon. Kill me, when you already done killing the traitors. Bye!"-nakangiting saad niya at saka siya nilamon ng mga kaluluwa na hawak niya sa leeg.

"Nakatakas siya"-saad ng isang boses sa likuran ko. Tumingin ako sa lugar nina Elisana at Persephone, sana ayos lang sila.

Tumingin ako sa babaeng tumabi sa akin habang hawak ang isang maliit na puppet.

"Yeah, I'll kill her next time for killing those innocent people just for her sake and pleasure. Next time, I'll punish her"-saad ko at saka tinignan si Asiamie habang nakatingin siya sa puppet niya.

"Bakit ka nga pala andito? Nakita mo naman na sinugod tayo hindi ba?"-tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Sorry, nakatulog ako doon ohh"-Sabay turo sa garden. Kaya tinignan ko siya at binigyan ng tingin na bored.

"Nice"- saad ko na ikinatawa lang niya.

"Alis ka na rito. Mapanganib"-saad ko na ikinatango niya.

Pinanood ko muna siya hanggang sa makalayo na at tinignan ulit ang kinalalagyan nina Elisana at Persephone.

Be safe.....

Persephone Black POV

Kinuha niyo ang lalaking mahal ko, buhay din ang kapalit.

Nakita ko kung papaano manginig si Light habang papalapit ako sa kanya habang hawak ang shadow spear ko.

"Nasa loob kayo ng aking kapangyarihan. Useless ang kapangyarihan mo ngayon Light. USELESS"- may diing saad ko at saka siya binigyan siya ng tingin na nagsasabing 'kamatayan mo na.'

Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano gustong lumapit ni Chinny ngunit 'di siya pinapayagan ni Elisana na ngayon ay galit na galit din.

Gusto kong magalit kay Elisana, noong bata palang kami, nasa kanya na lahat ng atensyon ni Aiken. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya kasi 'di niya 'yon kasalanan at kagustuhan. Hindi ko rin naman mapipigilan ang nararamdaman ni Aiken sa kanya. Pero kahit anong mangyari, Aiken kung nasaan ka man ngayon. Sana nasa tahimik ka, sa lugar na payapa.

Kasama nang pagbagsak ng mga luha ko ang pagpapaulan ko ng mga shadow spears kay Light habang sumisigaw sa galit.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

Ang paghihiganti na ito ay para sa'yo Aiken. Para sa'yo 'to...

Mahal na mahal na mahal kita. Paalam na aking mahal. Sana sa susunod nating buhay, sana.... sana ako naman ang mahalin mo... Sana ako naman... Paalam Aiken...




✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳

Paalam Aiken... You will never be forgotten.....

Keep safe everyone...

Spread love not hate😊

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now