Chapter 16

10.2K 459 56
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Stop right there Ava"- isang boses ang pumigil kay Ava sa pag-aambang nitong sampalin ako.

Napatingin kami bigla sa likuran namin at doon ko napansin ang mga Royalties na nakatayo doon habang nakatingin sa amin.

Hayst. Sa wakas may dumating rin.

"A-ang ro-royalties!"-bulong ng isang nakakulay green na damit. Bakit parang maamong hayop sila kapag royalties ang kaharap?

So unfair! Special treatment.

Lumayo sila ng konti sa akin. Saka tumingin sa mga royalties na ngayon ay nakatayo parin sa kinatatayuan nila.

"Ano na naman ba ito, Ava?"-hindi nasisiyahang saad ni Princess Elisana kaya napayuko ako. Patuloy kong nilalaro ang aking mga daliri habang nakayuko.

Great Adrianna. Ang galing mo!

"I- it's not what you think, right girls? *look at her friends then tingin sa royalties* we just want her to be our friends huhuhu"-kinakabahan niyang saad at pumeke ng nakakairitang tawa. Gusto kong bumungisngis ngunit hindi pwede eh.

"Adrianna is that true?"-malamyos na tanong ni Princess Elisana kaya napatingin ako sa kanya.

Iiling sana ako ngunit kinurot ni Ava ang aking likod kaya napatango-tango ako sa kanya.
Wahh! Ang Bad ni Ava! Nangungurot buti di sa singit. Hindi naman sila nakikipag-kaibigan eh, inaaway kaya nila ako!

"Let's go Adrianna, Headmaster wmis waiting for us"-aya ni Prince Accuis sa akin kaya naglakad na ako papunta sa kanila.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Inantay naman ako ni Princess Elisana at sabay kaming naglalakad sa likuran ng ibang royalties.

"Nakikipag-kaibigan ba talaga sila sayo?" Tanong ni Princess Elisana na nasa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at tumingin sa likuran kung nasaan sina Ava and her friends. Ava and her friends gives me a super death glare while mouthing some words 'if you tell the truth, you'll be dead huhuhu'

Napatingin agad ako kay Princess Elisana na naghihintay sa akin sagot kaya dali-dali akong tumango. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa kanyang mukha.

Hindi ko nalang iyon pinansin at naglakad na. Why? Bakit kami pinapatawag? Bakit kasama ako?
Itong HM na ito ah. Abuso naman masyado.

Hmmft.

***

Pagkabukas na pagkabukas ni Prince Accuis sa pinto ay may bumungad sa aming isang hindi kanais-nais na tanawin. Wow lang. Super wow. Nakita lang naman namin si HM na may kahalikan. Hayst...

"Who is she?"- biglang tanong nila except sina Prince Caspian at Prince Elliott na ngayon ay nakatingin sa babaeng nasa kandungan ng HM.

Dali-daling tumayo si Hm pati ang babaeng kandong niya at inayos muna ang kanilang sarili saka nagpakilala sa amin.

"Hello Royalties and Adrianna, meet my wife. Lea"-pakilala ni HM Loki sa amin kaya napasimangot ako nang palihim. Laglag naman ang panga ng ilan ngunit sina Prince Caspian at Prince Elliott ay na maintain parin nila ang kanilang pustura. Si Prince Aiken naman ay konting awang lang sa kanyang labi.

Kailangan pa talaga niya ipakilala sa akin si Lea? Haler ako kaya bumuhay sa kanya.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now