Chapter 102

4.7K 233 109
                                    

Third Person Point Of View

Nagtitinginan lang silang apat, naghihintay kung sino ang uunang susugod.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kasakim Caspian"-seryosong saad ni Elliott at nagpakawala ng lamig.

"Rock wall!"-biglang sigaw ni Kegan kaya may lumabas na parang wall na gawa sa bato at lupa na ngayon ay pinipisa si Caspian.

Pinigilan naman ni Caspian ang dalawang wall sa magkabilang sides niya gamit ang dalawang kamay niya.

"Water tornado"-saad ni Accuis habang ang mukha niya ay kakaiba. Para itong wala sa katinuan.

"Fire bomb"-sigaw ni Caspian kaya sumabog ang dalawang pader at saka tumalon siya papalayo sa Water tornado na papalapit sa kanya.

"Ice floor"-saad ni Elliott at saka hinawakan ang lupa kaya naging ice ito.

Habang umiiwas si Caspian sa water tornado ni Accuis ay nagpalabas ng apoy sa paa niya kaya ang mga naaapakan niyang yelo ay natutunaw.

"Fire tornadoes!"-sigaw ni Caspian at saka nagpalabas ng madaming fire tornadoes ang bumulusok sa water tornado ni Accuis.

"Ahahahah ganyan lang ba ang kaya ninyo? Ang hihina ninyo bilang mga Royalties. Nakakahiya kayo"-mapang-insultong sabi ni Caspian at saka dumura pa sa tabi niya.

"Sinong mas nakakahiya sa atin? Tinagurian kang Royalty pero traydor ka rin pala."-balik na sabi ni Elliott na ikinasama ng tingin ni Caspian sa kanya.

"Fire balls"-sigaw ni Caspian at nagpaulan ng mga bolang apoy sa kinalalagyan nina Kegan, Accuis at Elliott.

"Rock shield"

"Ice shield"

"Water shield"

Nang wala ng mga bolang apoy ay tinanggal nila ang mga shields nila at mabilis na tumakbo sa kung saan.

Naging alerto naman si Caspian at nilibot ang paningin niya.

Mabilis siyang yumuko nang maramdaman niyang may papalapit sa kanya. Limang ice spikes.

"Fire slice!"-nagpalabas ng Fire slice si Caspian patungo sa pinanggalingan ng mga ice spikes kanina.

Naputol ang mga puno dahil sa fire slice.

Napasubsob bigla si Caspian nang may tumama sa likod niyang water balls.

Mabilis na gumulong-gulong nang may mga rock spikes na patungo sa kanya.

Mabilis siyang tumayo at saka nagpaulan ng mga fire balls sa iba't ibang lugar.

Accuis  Reed POV

Mabilis akong gumawa ng water shield sa ibabaw ko at gumawa ulit ng mga water spikes saka mabilis na pinatama kay Caspian na ngayon ay patuloy na tumitingin sa paligid.

Napatingin ako sa kagubatan na ngayon ay tinutupok na ng apoy dahil sa kagagawan ni Caspian.

"Ocean wave"- may malaking alon na galing sa kung saan ang lumamon sa buong kagubatan.

Tumaas ang inaapakan kong lupa. Patuloy itong tumataas hanggang lagpas na nito ng mga puno.

Tatlo kami ngayon na nakatayo sa tatlong malalaking poste na gawa sa lupa.

"Nice Kegan"-nakangiting saad ko na nag thumbs up lang siya.

Tumingin ako sa ibaba na ngayon ay pahupa na ang ginawa kong ocean wave.

I just did that para mapigilan ang apoy.

Nang humupa na ang tubig ay nakita kong nakatingin sa amin si Caspian mula sa baba na basang basa. Ngumisi siya at biglang nagliyab ang buong katawan niya hanggang sa unti-unting lumiit ang apoy at saka nawala.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now