Chapter 81

5.3K 232 47
                                    

Sai PoV

"Walangya kang bata ka!!!"-sigaw niya at saka nagpalabas ng mga green fire explosive balls at pinatama sa akin na inilagan ko lang.

"Weak as ever. Aura lang malakas sa'yo"-saad ko at mabilis na pinabulusok ang spear ko at lumusot sa leeg niya.

"Weak"-mahinang saad ko at tinignan ang damit ko.

"Hindi na nga ako nagsaya, nadumihan pa ang damit ko at kumain pa ako ng lupa."-inis na saad ko at lumapit kay Thania.

"Gising na sila"-pagkasabi ni Thania ay nakita ko sina Kuya Vien at Ate Persephone sa unti unting tumatakas.

"Hoy ate Persephone at Kuya Vien! Laro ulit tayo next time ah!"-sigaw ko habang nag wawave sa kanila.

Napatigil sila sa paglalakad at tumingin sa akin unti unti. Nginitian ko lang sila at sumakay na sa likod ni Thania.

"Let's go home now Thania"-saad ko na ikinatango naman niya.

Adrianna Rose Campbell POV

Maaga akong nakarating sa classroom. Nakaupo lang ako habang nakatingin sa black board nang mapansin ko ang isang nakapaskil.

May date na pala ang kasal ni Caspian at Roselyn. One month pa.

Nalaman ko rin na nakarating na sina Persephone at Vien ngunit nag stay muna sila sa infirmary. Malay ko ba, fully recovered sila kahit na sinasabi nila na nasaksak daw sila ng spear at espada.

Sina Elisana at iba naman ay nasa infirmary din sila dahil sa kagagawan ko. Nagtataka sila at puno ng mga tanong pero ni sino walang sumagot dahil hindi rin nila alam ang nangyari. Si Elliott naman 'di ko na alam kung nasaan ang lalaking yon.

Habang nakatingin ako saa nakapaskil ay pumasok sina Caspian habang si Roselyn nakakapit sa kanyang braso.

Here we go again. Maglalandian na naman.

Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa may bintana.

"Baby, I'm so excited"-rinig kong saad ni Roselyn kaya napa roll eyes ako. At tumingin sa black board ulit, maaga pa naman kaya aalis na lang ako. Bibisitahin ang mga royalties.

Habang paalis ako ay rinig ko pa rin ang pagpaplano ni Roselyn sa kasal nila. Edi magpakasal sila. Tsk

Jasmin Smith POV
(Necromancer)

Seryoso akong naglalayag sa Death river nang may narinig akong mga kumakanta.

Mga serena. Nang-aakit na naman ang mga ito, para may makain.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalayag nang maramdaman ko nalang na may malakas na aura ang biglang kasama ko sa barko ko.

Tumingin agad ako at mukha niyang nakangisi ang bumungad.

"Finally found you traitor"-nakangising saad ni Camilla habang nakadress ito at hawak ang baston niya.

"What are you saying Queen Camilla?"-maang tanong ko habang nakayuko sa harapan niya.

Queen Camilla ang queen ng Black Organization.
Violet Fire magic

"Don't lie little traitor. I know, we knew already"-saad niya at nasa harapan ko na siya hawak hawak ang leeg ko.

"Ackk"-pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko.

Damn, alam kong naging maingat ako sa lahat ng bagay.

"Nakikipagkampihan ka sa kalaban, tinanggap ka sa organization para maging kasapi hindi para maging traydor!"-sigaw niya at saka mas lalong hinigpitan ang pagkakasakal niya sa akin.

I can't use my magic! Damn it! Nandito si Carla!!!

"S-stop"-pilit ko pa ring ginagawa ang lahat para makawala ako ngunit mas malakas siya sa akin lalo na't nandito si Carla, Carla the sealed magic.

Kailan pa niya ako nalagyan ng mark?! Damn it!

Nakangisi siya habang enjoy na enjoy akong pinapanood na unti-unting nauubusan ng hininga.

Adrianna... I'm sorry.

Habang sinasakal niya ako gamit ang isang kamay niya ay nagpalabas siya ng Violet fire sword at isinaksak paulit-ulit sa akin. Nanlalabo na rin ang paningin ko habang ramdam ko na ang dugong dumadaloy palabas sa katawan ko at bibig ko.

Lumipad silang dalawa at saka nagpalabas ng isang napakalaking Violet fire ball si Camilla. Gusto talaga na niya akong burahin sa mundong ito.

"Paalam"-saad niya at pinakawalan ang violet fire ball patungo sa akin hanggang sa tumama na ito sa barko.

Third Person Point Of View

Sumabog na pagkalakas-lakas ang nangyari sa Death River, nagsilangoy na rin papalayo ang mga serena sa lugar na iyon.

Unti unting lumubog ang barko kasama ang katawan ni Jasmin na nagkalasug-lasog na.

Naglaho na rin ang may kagagawan non at unti-unti na ring nagbalik sa dati ang lahat.

Adrianna Rose Campbell POV

Napatingin ako sa soul na pangmamay-ari ni Jasmin na unti-unting naglalaho kaya napatigil ako. Ilang minuto rin akong lutang hanggang sa dali dali akong tumakbo para napuntahan siya.

***

Pagkarating ko sa Death River ay kanta na lang ng mga serena ang naririnig ko. Wala na rin ang barko ni Jasmin.

Damn... I'm fucking late!

Sai POV

"One down"-saad ko at saka tinanggal ang sign ng necromancer sa magic board ko.

Kawawang Jasmin, di ko man lang nakalaro.

Hmm. Ano kaya ginagawa nina Mommy at Daddy ngayon? Should I visit them?

"Merydeth, you can go now"-sabi ko sa Legendary mermaid ko.

Tinignan ko ang ulo na nasa tabi ko ngayon, buti buo pa ang ulo ni Jasmin. Ilalagay ko na lang sa collection ko nito. Tas kukunin ko rin ang ulo ni Carla bilang kapalit sa pagkamatay ni Jasmin. Kailangang tanggalan ang isang paa, para mahirapang makatayo .

Ayaw ko sa Carla na 'yon. Feeling maganda hindi naman. Di rin bagay ang dress niyang blue at green shirt hair. Ang pangit niya.  Ang pangit din ng pangalan niya.

"Thania, sa tingin mo saan ko mahahanap si Carla?"-tanong ko kay Thania na natutulog sa tabi ko.

Bilang tulong ko sa kanila, papatayin ko ang isa sa mga class S ng mga black organization. Papatayin ko si Carla kapag 'di niya nakadikit sa ina nyang pangit.

"Hindi ko alam. Magpahanap ka ng gamit niya at saka aamuyin ko. Dadalhin kita sa kanya"-seryosong saad niya sa akin kaya naisipan ko ang panyong ibibigay sa akin ni Carla noong nagkakilala kami.

Magkakilala kami ngunit hindi na ngayon.

Hindi na sila nakuntento sa meron sila. Gusto pa nilang lahat ay hawak nila at sakop. Mga sakim.












✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Keep safe and I lOve you all.
Sana nag enjoy kayo.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now