Chapter 42

6.7K 285 58
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

Nandito kami ngayon sa tabi ng dagat. Tinitignan ang paglubog ng araw. Ang ganda lalo na kapag ganito ang scene sa mga in love na tao kaso in love ako sa iba.

"Adrianna, nagmahal ka na ba?"-biglang basag ni Shin sa katahimikang bumabalot kanina lang.

"Nagmahal? Hindi pa. Nagmamahal pa lang."-nakangiting sagot ko at saka tumingin sa dagat na nagkukulay red orange na dahil sa repleksyon ng araw na papalubog.

"How is he for you?"-biglang tanong niya sa akin kaya napangiti ako habang inaalala ang ginagawa niya sa akin noong kasama ko pa siya.

"Well, mabait siya, maaalalahanin, he is cold towards others pero kapag ako ang kaharap niya sobrang sweet niya."-kinikilig na saad ko habang sinuksok ang ulo ko sa mga palad ko.

Namumula ata ako.

Rinig ko naman ang pagtawa niya kaya napalingon ako sa kanya. Kumikislap ang mga mata niya, para siyang naluluha.

"Bakit ka naluluha?"-biglang tanong ko sa kanya at tinitigan siya na ikina-iling niya at saka nagpakawala pa ng konting tawa.

"Dahil sa kakatawa, kaya ako naluluha"-tumatangong saad niya na ikinatagilid ng aking ulo.

"Anong nakakatawa don?"-nakataas kilay kong tanong sa kanya na ikina-iling niya bigla.

"Ang cute mo kasi kapag kinikilig"-tumatawang saad niya na ikinapula ko.

Shin, isa sa mga lalaking nakasalamuha ko na talagang napanatag ang aking kalooban habang kasama siya.

Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang halik sa pisngi saka mabilis na lumayo.

A thankful kiss.

Gulat siyang napatingin sa akin habang hawak ang pisngi niya na namumula.

Hinalikan ko kaya pero bakit namumula? Hindi ko naman siya sinampal ah.

"W-what di-did yo-you d-d-do??!"-nauutal na saad niya habang nanlalaki parin ang mga mata niya. Kaya natawa ako sa pinapakita niyang ekspresyon.

"Kasi isa ka sa mga lalaking nakagaanan ko na nang loob" simpleng sagot ko at saka nagkibit-balikat.

"You are really unbelievable"-naiiling na kumento nito na ikinatawa ko.

"Yes I am"-pagmamalaking saad ko na ikinatawa naming dalawa.

***

Nakita ko kung paano mag-ayos sina Ava at Alpha Den ng mga damit nila.

-___-

Ginawa talaga nila?

Nakangiting naglakad papunta sa akin si Ava tas may pagmamayabang na ngiti ang nakadisplay sa labi niya.

"I did it. Thanks to me huhuhu"-mayabang niyang sabi at saka tumalikod at niyakap ang kanyang mate.

Ang lalandi talaga.

"Wahahhaha dadami na ang manonood sa site ko nito! Oh siya makakaalis na kayo. Upload ko pa kasi"-pagtataboy sa amin ni Mang Juan The wolf pervert.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula nang maglakad. Gabi na at kailangan na naming magpahinga.

Makakauwi na siguro kami bukas.

Hawak na naman namin lahat ng mga kailangan.

Sumakay na ako kay Shin at ganon din ang ginawa ni Ava kay Alpha Den.

The Soul KeeperDär berättelser lever. Upptäck nu