Chapter 90

5.1K 211 7
                                    

SAI POV

Seryoso akong naglalakad papunta sa room na 'yon.

I'm not weak! I'm not.

Napakuyom ako at tumigil sa paglalakad saka tumingin sa letrato nina Mommy and Daddy.

I want to be with you Mommy and Daddy. I want to fight besides you. I want to make sure that you two are safe.

Napa iling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakabadtrip lang.

Wala pang mga estudyante sa Magical Academy dahil hindi pa totally gawa ang paaralan. Kahapon pa sana natapos ang lahat ngunit hindi nila tinapos para sa nalalapit na digmaan.

Hindi makikisali ang mga estudyante. Yan ang utos ng mga counsil.

Ang mga royalties ay nagsasanay na sa kani-kanilang kaharian. Hindi i ko alam kung anong pagsasanay ang binigay ni Mommy sa kanila pero alam kong mas lalong mapapalabas ang kanilang mga kakayahan. Pero dapat ako na lang yung sumasanay sa kanila para mas mailabas nila ang mga kapangyarihan nilang taglay.

Ngunit hindi ako pinayagan ni Mommy kaya ang gagawin ko na muna ay makipaglaro kay Angelica.

Alam kong naghilom na ang mga sugat niya kaya pwede na kaming maglaro.

Pumasok ako sa kwarto at nakita ko siyang nakaupo sa may sulok.

Yung damit niya ay puno ng dugo.

Hindi ba siya nagpalit? May bathroom naman ang kwartong ito eh. May damit din. Alangan namang ganyang karumi ang maging kalaro ko? No fucking way. Tsk.

"Hoy! Don ka nga sa banyo. Maligo ka!"-sigaw ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Nagulat naman ako dahil lumulubog na ang pisngi niya at lumubog na rin ang ibabang mga mata niya.

What the! Hindi nila pinakain 'to?!

"Tumahimik ka! Ang bata bata mo tas ganyan ka magsalita! Bobita!"-nanghihinang saad niya kaya sinamaan ko siya nang tingin.

Sinong bobita?! Ako?!

"Yaya!!!"-sigaw ko nang pagkalakas-lakas kaya mabilis na sumulpot si Yaya na kaluluwa sa harapan ko.

"Yes Young lady?"-nakayukong saad niya kaya tumingala ako sa kanya.

"Magdala ka ng pagkain dito ngayon din. Damihan mo"-saad ko na ikinatango at saka naglaho na sa harapan ko.

"At ikaw naman"-turo ko sa babaeng nangangayayat na sa tabi.

"Wag ka munang mamatay! Maglalaro pa tayo"-sigaw ko sa kanya.

Nag roll eyes lang siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ang baho niya!

"Hindi ako mabaho"-saad niya at saka inamoy ang sarili niya kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Mind reader ka pala"-saad ko kaya gulat siyang napatingin. Siguro hindi niya alam na napalakas ang pagkakasabi niya.

"You transmitted all the information you've got from us in the beginning right?"-seryosong saad ko, nakita ko kung paano siya lumunok at nag-iwas tingin sa akin.

Tinitigan ko siya at nagpalabas ng kakaibang aura kaya napatingin siya sa akin at yumuko.

"Sa-sa una lang. Pe-pero hindi na ngayon"-umiiling na saad niya habang nakayuko pa rin. Nauutal din siya at kita ko na nanginginig ang mga kamay niya.

Huminga ako nang malalim at saka umupo sa isang upuan. Saktong pumasok ang maid at binigay sa kanya ang pagkain.

"Kumain ka muna tas maligo ka na rin"-saad ko, kaya nagsimula na siyang kumain.

Subo lang siya ng subo kaya minsan nabubulunan siya.

"Hinay-hinay! Ayaw kong mamatay ka. Maglalaro pa tayo"-saad ko, pero di niya ako pinansin ang sumubo pa kaya napa-iling na lang ako dahil sa ginagawa niya.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos niya siya.

"Now, maligo ka na"-saad ko pero di siya tumayo. Nakaupo lang siya habang hawak ang tyan niya.

Tangnang babaeng ito!!! Grrr.

Tumayo ako at saka siya hinila nang hinila pero 'di ko siya mahila kaya tinawanan lang niya ako.

"Ahahahah ang bata bata mo pa kasi. Sa tingin mo sino mas malakas sa ating dalawa?"-natatawang saad niya kaya tinuro ko mukha niya kasi naka upo naman siya eh.

"Ikaw! Hindi ako bata! Nasa katawan lang ako ng isang bata okay?!"-sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya na parang hindi naniniwala kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Langyang babae. Nakakagigil. Grrrr.

"Sus! Bata ka pa! Baka naka diaper ka pa niyan. Tingin nga ahahha"

Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya at sa katawan ko.

"Hindi na ako bata! Hindji ako nag da-diaper!"-sigaw ko at saka hinatak ang buhok niya saka ko siya pinagpapalo.

"Ahaha c'mon little kid. Alam kong nagtatapang-tapangan ka lang pero ang totoo kanina ka pa naihi sa diaper mo ahahah"-tumatawang saad niya kaya napa urong ako.

Ang sama niya. Napaka sama niya.

Napansin niya siguro akong lumayo konti sa kanya saka tumingin sa akin.

"See, bata ka pa. Naiiyak ka na nga eh! Ahahhahah"

"Grrrrr"-mabilis akong tumalon papunta sa mukha niya kaya napahiga siya at ako naman ay patuloy na pinagpapalo ang mukha niya at sinasabunutan.

"Stop!"- sigaw niya pero hindi ko siya pinakinggan.

"Stop na! Oo na! Hindi ka na bata! Isipin mong naniniwala ako pero ang totoo hindi talaga ahahahha"-tumatawang saad pa niya kaya mas lalo ko siyang sinabunutan.

"Napaka gaga mo talaga!"-sigaw ko pero tumawa lang siya kaya tinignan ko siya nang masama.

Hindi siya tumigil sa kakatawa kaya lumayo ako sa kanya at mabilis siyang sinipa kaya pa ikot-ikot siya sa ere kaya tumama ang mukha niya sa pader.

"Buti nga sa'yo! Sige nga tawa ka pa!"-sigaw ko at umupo sa upuan ko.

Ilang minuto ko siyang hinintay na gumalaw pero hindi na siya gumalaw kaya dali dali akong lumapit sa kanya at saka siya pinagmasdan.

May bukol sa kanyang noo at nawalan ng malay.

Hehehe my bad. Buti nga di pa siya tigok.

Hinatak ko siya gamit ang dalawang kamay niya papunta sa bathtub.

Bubuhatin ko ang baliw na babaeng ito? No way. Tsk.

"Thania! I need your help"

Lumabas si Thania sa kung saan at gamit ang claws niya binuhat niya ang damit ni Angelica at saka mabilis na inihulog sa bathtub. Kahit na nasa baby dragon form siya malakas pa rin si Thania.

Kinuha ko ang mga bubble soap at iba pa saka nilagay sa tub. Umaapaw na rin ang tubig sa tub pero 'di pa rin siya nagigising.

Bubbles bubbles na ang paligid ni Angelica habang natutulog pa rin.

Ilagay ko kaya ang mga bubbles na ito sa bunganga at ilong niya?

Nah, baka mamatay pa siya.

Hahayaan ko na lang siya jan.

Naglakad ako sa may gilit at kinuha ang isang pato na laruan na maingay kapag pinipisil at nilagay sa tabi ni Angelica.

"Ayan. Mas cute tignan"









✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Hi hi.

Hope you like it.

I love you guys.

Keep safe always. Muah

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now