Chapter 17

10.4K 426 27
                                    


Adrianna Rose Campbell POV

"Lea?"-nanlaki ang matang tanong ni Princess Persephone habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Lea.

Napangisi naman akong patago. Well, nakilala niya ata si Lea.

Sige lang Persephone. Isang salita mo pa para mabuko kami, you'll be dead meat.

"Y-you?! How?!"-gulat na tanong nito kaya napatingin sa kanya lahat pati narin si Hm. Loki. Tinignan nila si Persephone ng isang nagtatanong na tingin.

"What are you- Persephone!"-sigaw nila nung bigla na lang itong nahimatay kaya napatingin sa akin si Lea. Ngumisi ako sa kanya, kaya ngumiti naman ito nang palihim.

"Ilagay niyo muna siya sa sofa"-utos ni Hm Loki kaya dali-daling binuhat ni Aiken ang nakahilatang Persephone at inihiga sa sofa.

Umupo naman ako sa isang upuan. Ganon din ang iba. Babantayan na muna namin siya.
Nakita ko naman si Prince Aiken sa tabi ni Persephone at tahimik na may ginagawa. Nakita ko ang hangin na bumalot kay Persephone.

Ano naman kaya ang ginagawa niya?

Hindi ko na lang pinansin at natulog na sa kinauupuan ko.

Third Person Point Of View

"Nasaan ako?"-takang tanong ni Persephone sa kanyang sarili habang nililibot ang tingin sa paligid.

Habang busy siya sa paglilibot ay hindi niya naramdaman ang dalawang bulto ng tao sa kanyang likod.

"Hi Persephone! Welcome to Hell"- nakangiting bati nang isang bulto ng tao sa likuran niya. Kaya napatingin si Persephone sa kanya

Nanlaki ang mata niya nung nakita niya kung sino ang dalawang nasa harapan niya ngayon.

"How? Lea and Adrianna?"-gulat sa saad nito habang naglakad patalikod.

Ngumiti naman si Adrianna na ikinatakot ni Persephone.

"Hindi ko alam kung bakit palagi mo akong ginagalit Persephone. Gusto mo na atang mamatay? Kung gusto mo pang mabuhay manahimik ka baka mapatay kita nang wala sa oras"-may diing saad ni Adrianna na mas lalong kinatakot ni Persephone.

Litong-lito na si Persephone, ang daming tanong sa kanyang isip.

'Sino ba talaga sila?'

'Nasaan ako?'

'Anong nangyayari?'

Tatlo lang yan sa mga tumatakbong tanong ni Persephone na gustong gusto niyang itanong ngunit nanatiling tikom ang kanyang labi.

"Good. Kaya mo naman palang itikom ang bibig mo. Kailangan mo lang palang matakot, Persephone. I want you to do this. Pagkagising mo, magpanggap ka na nawalan ng malay. Isipin mong panaginip lang ito. Panaginip na nagbibigay sayo ng babala para tumahimik. Wag na wag kang gagawa ng hakbang para kalabanin kami. Kung hindi, ipapatapon kita sa isang parte ng impyerno na hindi mo nanaising puntahan. Remember Persephone. Hindi ako ganon kasama at hindi rin ako ganon kabait. Kung kakalabanin mo ako think 100×. Dahil pailalim ako kapag lumaban. Remember that Persephone. Walang laro ang hindi ko naipapanalo." Pagkatapos sabihin ni Adrianna ang mga iyon ay bigla na lang silang naglaho na parang bula at naiwan si Persephone na nakatayo lang na para bang naitanim na ang dalawa nitong paa na ayaw pa ring gumalaw.

The Soul KeeperOù les histoires vivent. Découvrez maintenant