Chapter 100

5K 242 118
                                    


(Violence ahead please be guided! I repeat please be guided. Thank you)

Adrianna Rose Campbell POV

"Violet fire ball!"-sigaw niya at saka nagpakawala nang napakalaking Violet fire ball.

Mabilis kong hinanda ang moon sword ko at mabilis na tumakbo saka tumalon at hiniwa-hiwa ang violet fire ball hanggang naging maliliit na cube na lang na nagsilaglagan sa lupa at nag cause ng konting pagkasira ng lupa.

Lumapag ako sa lupa at saka tinitigan si Camilla na ngayon ay nakatayo pa rin.

Kating-kati na ang mga kamay kong patayin ang gagong iyon. Gusto ko siyang pagpira-pirasuhin hanggang 'di na siya makilala pa. Gusto kong pahirapan ang kaluluwa niya.

Napabuntong hininga ako at saka tumingin sa babaeng nasa harapan ko.

"Still remember Nika?"-biglang tanong ko na ikinaseryoso niya.

"Yung kapatid mong haliparot na gustong ahasin ang Dad ko? Umamin ka nga, may lahi ba kayong haliparot? Wag kang mahiya, kita ko naman."-saad ko at saka umiling-iling pa. Gusto ko siyang inisin. Gusto ko siyang magalit. Gusto kong malito siya dahil sa galit niya.

"Walangya! Lapastangan!"-sigaw kita na ikinangisi ko lang.

"So ano ibig sabihin nun? Makati lang? Magpapakamot ganon? Tell me, hindi mo naman talaga anak si Caspian 'di ba? Anak siya ni Nika na kapatid mo. Ay mali pala, my bad. Hindi pala kapatid ang right term kundi kakambal mo si Nika. At may nalaman pa ako, Si Nika naman talaga ang totoong asawa ni Carrion the gago eh hindi ikaw. Pinaniwala mo na ikaw si Nika at ang namatay ay si Camilla, na ang totoo naman nasa akin si Nika dati pero pinakain ko na siya. Pero Camilla ang gusto mong itawag sa'yo para maalala mo ang namayapa mong kapatid para magmukhang kawawa at kapani-paniwala ang mga acting mo. Maharot ang kapatid mo at ganoon ka rin."-mapang-uyam na saad ko at saka siya tinignan siya ng kakaibang tingin na nandidiri.

"Putangna ka! Sino ka para gumawa ng mga ganyang istorya?! Hindi! Ako si Nika! Ako!!"-sigaw niya na ikina ngisi ko.

"Stop acting. Buking ka na. Camilla, buking na buking ka na. Nagselos ka at nainggit sa kapatid mo. Inggitera kang hayop ka"-nakangising saad ko at saka tumingin sa kanya.

Siya ang totoong Camilla pero sa pamilyang Morris nagpapanggap siyang Nika. Pero Camilla lang ang gusto niyang itawag sa kanya ng lahat para magmukhang siya ang reyna na hindi lang ang pangalan ni Nika ang nasa trono. Carla knew this, mama niya eh. Tsk. Si Nika ang totoong asawa ni Carrion  the walanghiya.

Napa ilag ilag ako habang iniiwasan ang mga violet fire spikes na tumutungo sa akin. Walanghiya.

Mabilis akong tumakbo pa-ikot at mabilis na sumugod sa side niya.

Tumalon siya patalikod at saka naglabas ng Violet fire sword.

Tumakbo kaming dalawa papunta sa isa't isa at saka nagsimulang maghampasan ng mga espada.

"Hindi mo tanggap 'di ba? Na kahit anong gawin mo si Nika parin ang hinahanap ng asawa mo. Hinding hindi niya tatawagin ang pangalan mong Camilla. Nika lang o 'di kaya Lily"-mahinang saad ko sa kanyang leeg kaya napa sigaw siya at bumilis ang pagsangga ko sa mga atake niya.

"Ahhhh lapastangan! Putangna!!"-sigaw niya at saka mas binigyan pa ng pwersa ang kanyang espada.

"Ohh bakit? Sawa ka na bang marinig ang Nika at Lily sa bunganga ni Carrion?"-tanong ko at saka siya tinawanan.

Mabilis kong sinipa ang tagiliran niya kaya tumilapon siya sa mga puno. Mabilis akong tumakbo patungo sa kinalalagyan niya at mabilis na sinipa ang mukha niya.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now