Chapter 27

8.7K 380 22
                                    


Comment naman jan ohhh~ huhuhu para mainspire lang ahahha.

Adrianna Rose Campbell POV

Nakaupo ako ngayon sa table ng mga Royalties, and as expected Ava and her friends glaring at me again. Galit na naman ang mga ito dahil akala nila ako ang lumalapit ngunit hindi.

"Bakit ka nagsinungaling?"- tanong ng kung sino.

Kaya napatingin ako rito. Princess Elisana. Siya pala iyon. Tinignan ko siya at bahagyang ngumiti.

Tumingin ako sa mga kasama namin sa table ay interesado sa sasabihin ko. Pwera na lang kay Prince Aiken na ang sama ng tingin sa akin, hindi naman makatingin-tingin sa akin si Princess Persephone. Kung si Princess Tenleigh naman kita ko sa mga mata niya na interesado ngunit nakataas ang kilay niya.

"Noong 6 years old pa ako, I did something terrible. I did a terrible act and cursed him to death. He's my first best friend but I hurt his feelings because of my words. I'd said too much because I was eaten by my anger. I can't control myself. That's why, I never talk to anyone, even my parents. Kinalimutan ko ang pagsasalita. And as a punishment to myself, I will never talk to anyone. Ngayon he's here, kaya nagsalita na ako."-kibit balikat kong saad. Nagsasalita nga ako pero kapag kailangan at kapag si Prim at Inna ang kausap ko. Kasi sa dalawang iyong, hindi ko magawang magalit.

"Woooh! That was terrible. Pero sino si he?"-takang tanong ni Prince Accuis na ngayon ay nakatingin sa akin.

Tumingin ako kay Prince Caspian na alam na kung sino ang tinutukoy ko. Umirap ito sa akin kaya napakurap ako. Totoo ba? Umirap siya? Heheh

Magsasalita na sana ako ngunit may biglang pumasok at umupo sa tabi ko.

"Hi Rianna"

"And sino you?"-taas kilay na tanong ni Princess Tenleigh, bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya dahil hindi niya nalaman kung sino.

"I'm Vien Lockheed, weapon summoner, 18 years old. Brother of Hm Loki and Hm Loki's substitute while he's not here. And I am her childhood best friend"-pakilala nito sa kanila. Kaya napanganga sila pwera kay Prince Caspian na parang walang narinig. Si Prince Elliott naman ay kita ko ang paghigpit ng kanyang hawak na kubyertos.

"So kumain na tayo?"masiglang saad ni Vien para makabalik sila sa kanilang katinuan. Magsisimula na sana kami nang magsalita si Elliott.

"You are not invited here, why are you here then?"-may diing tanong nito, kanina pa siya wala sa mood. Ganon din si Caspian ngunit tahimik lang ito habang sumusubo.

"Elliott! Don't be rude. He's Hm's brother"-may bahid ng pagka-inis na saad ni Elisana habang nakatingin ng masama kay Elliott.

Tumalim din ang tingin ni Elliott kay Elisana.

"Shut up Elisana! Wag kang umastang Santa. Masyado kang pabida."-singhal ni Elliott kaya nagkaroon ng tension sa paligid. Lumalamig dito sa amin at naglalabas naman ng mga kuryente ang kamay ni Elisana.

Ako ang dahilan nito, hindi naman pupunta dito si Vien kung wala ako. Hindi ko alam kung anong problema ni Elliott ngunit wala na akong paki doon.

Tumayo ako kaya nakuha ko ang kanilang atensyon.

"Stop it. Vien let's go"-usal ko at nagsimula ng maglakad. Ramdam ko ang pagsunod ni Vien sa akin. Ayokong manatili doon baka mag-away pa sila.

"Hindi ko sinasabi na aalis ka Adrianna, kundi ang kasama mo lang"-boses iyon ni Elliott kaya napaharap ako sa kanila ngunit ang aking mga mata ay na kay Elliott. Hindi ko alam ngunit alam kong ayaw nila kay Vien.

"Prinsipe Elliott baka nakakalimutan mo kaya nandito si Vien dahil sa akin. Pinapaalis mo siya right? Akala mo ba aalis siya ng wala ako sa tabi niya? Kaya nga aalis ako dahil alam kong sasama siya. You should be thankful with that"-may pagkasarkastiko kong saad at nagsimulang maglakad, ngunit hindi nakalampas sa paningin ko ang ngisi ni Vien na palihim ngunit wala na akong pakialam doon.

I don't know why ang big deal masyado ang sumama sa mga Royalties.

Naglakad na ako papunta sa counter at nagtake-out, ganon din ang ginawa ni Vien at tinahak na namin ang pintuan ng cafeteria.

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Hanggang sa makalabas kami sa cafeteria. At doon na ako nagsalita.

"Doon tayo sa pansamantalang office mo haha"-masiglang saad ko, wala naman itong nagawa kundi ang sumunod na lang.

***

Naglalakad na ako ngayon papunta sa classroom dahil katatapos lang naming kumain ni Vien, nang biglang hinarangan nila ako. Ava and her friends.

"Ikaw! Sinungaling na feeling mute!"-singhal ni Ava at saka ako dinuduro-duro. Nakacross arm naman ang iba.

Andito na naman po tayo. Ang walang katapusan at nonsense na usapan.

"Wag na wag kang lalapit sa mga Prinsipe at Prinsesa!"-singhal ng nakakulay pink na all over.

"Shut up Pinky! And you *duro sa akin* kanina ko pa nakikita ang mga mata mo na patingin-tingin sa Caspian ko!"-naiinis na saad nito kaya napakamot ako sa aking ulo. Well hindi ko itatanggi na sinusulyapan ko si Caspian, ang gwapo kasi kaya napapatingin ako.

Kung gusto niya si Caspian. Bakit hindi siya ang mag first move. May sinasabi sila na ligaw stage, then Boyfriend and Girlfriend stage and lastly Husband and Wife stage.

Like my Mom and Dad do.

Dumaan sila sa tatlong stage na iyan. At hanggang ngayon sila pa rin. Ewan ko kung anong konek na ito sa pang-aaway sa akin ni Ava pero ok lang at least sa kaloob-looban ko rin naman ito sinasabi heheh.

"It's not like that Ava"-tanggi ko, iyon lang naman ang pwede kong gawin ahaha.

"You bitch!! Sinungaling at feeling mute! Ginawa mo pa talaga kaming tanga!"-singhal niya ulit kaya napakamot ako sa aking batok. Gosh. Nangangawit na ang aking mga paa.

"Ganito kasi iyon, tinitignan-tingnan ko si Caspian kasi parang bagay na bagay kayo pero joke lang"- nakangiting saad ko sa kanya, hininaan ko ang tatlong huling salitang binitawan ko.

Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis sa kanya para magmukhang katotohanan.

Nakita ko naman ang pagningning ng mga mata ni Ava at simpleng inilagay ang mga buhok niyang nasa harapan sa kanyang tenga.

"Telege?! Thenk yee huhuhu"-namumula niyang saad kaya napangiti ako. Yes, pwede na akong mag-exit kung ganon di ba?

"So, uhmm. Aalis na ako ah!"- nakangiting saad ko at nagsimula nang maglakad pero napatigil ako dahil bigla akong hindi makagalaw, kaya napatingin ako sa paa ko. Kaya pala, ginawa niya ang aking paa na bato.

"Not too fast fake mute huhuhuhu"

I'm dead. Really dead.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Holla?!

Nakakamatay kapag madaming characters!! Huhuhu

Nakakahilo.

So how are you guys?!

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now