Chapter 105

4.6K 193 46
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Carrion!!!!!"-sigaw ko nang humarap siya sa akin at inapakan ang abo ni Roselyn.

Carrion Morris The Touch of death magic.

Roselyn...

"Hoy Adrianna!!!!! Ipaghiganti mo ako!!!! Patayin mo 'yan!!! Pa'no na 'yan?!!! Walangya naman!!!!! Pa'no ko na malalandi si Elliott??!! Mapapasabi ng I Do sa altar? Gagawa ng baby araw araw!??? Pa'no na!!!???? Ang daming nasirang plano, nakakaiyak!!! Ipaghiganti mo ako!!! Papatayin kita kapag hindi!!!"

Napatingin ako sa tabi ko at saka tumingin ulit sa lalaking nasa harapan ko.

"Moon sword"-bigkas ko at lumabas ang moon sword sa harapan ko. Hinawakan ko ang hawakan nito at mabilis na sumugod sa kanya.

"Ahahahha, sa tingin mo mapapatay mo ako gamit lang yan? Ahahahah. Ano?"-tumatawang saad niya at saka sinipa ang tagiliran ko kaya tumilapon ako sa malayo.

"Ipaghihiganti mo ang kaibigan mo sa paraan na 'yan? Weakling. Sa pagkaka-alam ko ikaw ang utak nito pero bakit ang hina mo? Ahahahha"-mapang-insultong sabi niya at saka dumura sa tabi.

Ginawa kong tungkod ang espada ko para makatayo. Napatingin ako sa tagiliran nang may naramdaman akong mahapdi at kumikirot, dumudugo na pala ang tagiliran ko. Hindi ko napansin na may dagger pala ang sapatos niya, tang-ina lang.

Inilagay ko ang kamay ko sa sugat at sinimulang tahiin para tumigil ang pagdurugo nito at saka para makagalaw ako ng maayos.

Tumingin ako kay Carrion na nakangising nakatingin sa akin.

"Weakling. Hindi mo nailagan? Ahahah"-tumatawang saad niya pero hindi ko siya pinansin ako pinagpatuloy ang ginawa ko.

"Hoy Adrianna!! Pansinin mo ako!! Ang pangit mo talaga! Ipakita mo totoong kapangyarihan mo!! Kunin mo ang puso niya at gawing chibi doll para mapaglaruan. Basta gawin mo lahat para mamatay ang hinayupak na yan! At dalian mo namang tahiin yang sugat mo, ang tagal eh. Nasan na yung bakbakan?! Ipakita mo na Adrianna!! Talunin mo na agad yang hinayupak na 'yan! Panira siya!! Arrrgghh"

Gigil na sigaw ni Roselyn at saka mabilis siyang lumutang papunta kay Carrion at pinagsisipa, suntok at iba pa ang ginagawa kita sa nakatayong Carrion.

"Pssh tsk ahahha"- tumatawang saad ko habang pinagmamasdan si Roselyn. Laking pasalamat ko dahil nakakakita at nakakausap ko ang mga kaluluwa.

Magkakalapit talaga ugali nina Roselyn, Ava at Tenleigh. Kapag sila pinagsama-sama talagang sabog na ang mundong ito for sure.

Nagtaka namang tumingin sa akin si Carrion kaya ngumisi lang ako at saka naghanda.

Ngumisi naman siya at saka tinanggal na ang natitirang glove niya.

Kapag hinawakan ka niya gamit ang mga kamay niya magiging abo ka. Yan ang kapangyarihan niya, kaya palagi siyang naka gloves.

Tumingin ako kay Roselyn na nakatingin na ng seryoso sa akin. Nasa harapan ko na siya ngayon naka-halukipkip.

"Kapag ikaw namatay sa labang ito, magsasabunutan tayo dito sa mundo ng mga espiritu. Sisipain, susuntukin kitang babae ka kapag natalo ka! Kailangan mo akong ipaghiganti kaya dapat mapatay mo ang panirang matandang yan. Gwapo sana kaso fuckboy eww. Basta nandidiri ako lalo na sa Asiamie na 'yon! Arrrggghhh! Bat kasi ganon?! Katatapos ko lang manalo! Pero... Pero... Kinuha na agad ako! Naiiyak ako grabe... Sobra...."- mangiyak-iyak na saad niya habang humisinghot pa, wala namang luha o uhog pssh.

Magagalit sana ako kaso naalala ko nakakausap ko namang ang mga kaluluwa. Hindi naman kasi parang Jasmin si Roselyn. Si Jasmin ipapanganak ulit dahil isang legendary ang magic niya kaya hindi ko nakausap ang kaluluwa niya dahil pupunta agad ang kaluluwa kita sa flower of life. Si Roselyn kasi witch at alam ang black magics kaya nakakausap ko pa rin siya.

"Hoy!!! Teka nga! Nakuha mo ba ang mga puso nila?"

Napatingin ako sa kanya at saka tumango saka nginuso ang tatlong chibi dolls na nasa may baba ng puno.

Camilla, Caspian and Asiamie.

"Nice!!"

Napa-iling na lang ako nang bigla na lang siyang sumulpot sa kinalalagyan ng mga chibi dolls.

"Baliw ka ba?"-biglang tanong ni Carrion kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"-seryosong tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Tumatawa ka, parang may kausap ka at tumatango pa. Umamin ka nga, baliw ka hindi ba? Ahahhaahha"-tumatawang tanong niya sa akin.

Isang malaking gago ang nasa harapan ko ngayon. Isang napakalaking gago.

Sai POV

"Camilla, Caspian and Asiamie... Out of the game already."-seryosong saad ko habang nasa harapan ko ang magic board.

Magic board kung saan makikita mo ang mga maglalaban-laban. Ang magic board mismo ang gagawa ng mga piece nito kung sino ang mga kasali sa war. Lahat ng mga kasali sa war nasa magic board mismo. Iba't ibang design ng mga piece nito.

Tumingin ako sa magic board ko, ang ilaw ng wand ni Ate Roselyn wala na. Isa lang ang pahiwatig nito.

Kinuha ko ang isang piece nito na parang witch na may wand.

"Roselyn Jack, out of the game"-saad ko at saka tumingin sa dalawang maglalaban.

Mommy and The touch of death.

Tumingin ako sa board nang may mabilis na piece ang tumatakbo papunta sa kinalalagyan nina Mommy.

It's my Daddy.

Elisana Crawford POV

Nagbabantay kaming mga girls ngayon habang nasa mahimbing na tulog ang mga boys. Kakaalis lang ni Daxton dito, nagmamadali siyang umalis. Siguro tutulungan niya si Adrianna sa laban.

Tumingin ako kay Persephone na hindi mapakali. Kahit na nakaupo kami kita ko sa mga paa niya. Parang gustong gusto niyang tumakbo. Ewan ko kung saan niya gustong pumunta, parang nangangati mga paa niya.

"Are you okay Persephone?"

Nagulat siya at balisang napatingin sa akin.

"Y-yeah I'm okay ahaha"

Tinitigan ko siya dahil parang pagak ang pagkakatawa niya.

"You are not"-pagkasabi ko at napatigil siya at tumingin sa mga boys na nakahiga.

"Si Vien?"-biglang tanong ni Tenleigh sa kanya kaya mabilis siyang binatukan ni Persephone.

"Shut up! I'm not into him. Nag-aalala ako kay Adrianna. I don't know why... Pero... Pero may masama akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag, ang gulo basta kinakabahan ako"-umiiling na saad niya habang hawak ang mga kamay niya ay nasa ulo niya.

"Adrianna is powerful remember that"-seryosong saad ko pero hindi pa rin siya matahimik.

"I know, Adrianna is powerful but the enemy is more powerful! How?!!  How can I calm? Just thinking na mawawala si Adrianna. Ayoko. Pa'no kung mahawakan siya nang kalaban? Hindi malayong mangyayari iyon, makikipaglaban talaga si Adrianna harap harapan kaya hindi nalalayong baka mahawakan siya. Elisana... Adrianna is my friend too. Ayokong may mawala ni isa sa inyo"-umiiling na saad niya kaya napayakap kami agad ni Tenleigh sa kanya.

Minsan lang maging ganito si Persephone. Ang cute niya ahahah.

"Shhh. Daxton is on his way. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama kay Adrianna"-may tiwalang saad ko habang niyayakap silang dalawa ni Tenleigh.

Adrianna please don't die... Just don't die....











✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Ayan na! Yehey sa wakas nakapag-update na rin.

Sana nagustuhan ninyo..

Love you all

Keep safe and God bless you❤️💞

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now