Chapter 55

6.5K 318 109
                                    


Adrianna Rose Campbell POV

"Sure kang walang kapalit toh?"-tanong ko sa kanya habang binibibigyan ko siya ng nangingilatis na tingin.

"Wala nga. Kumain ka na nga lang"-umiiling na saad niya at saka nangalumbaba habang tinititigan ako.

"Ice cream ako baka matunaw ako"-saad ko sa kanya sabay subo sa tinidor na may spaghetti.

Saka tinitigan siya habang ngumunguya ako na nakapout.

"Don't worry 'di ko hahayaang matunaw ka. Ice magic user ako remember?"-ngiting saad niya na ikinasimangot ko.

Oo nga pala. Ice magic siya.

"Whatever"-roll eyes na sabi ko at saka sumubo ng dalawang fries.

"Ang takaw mo"-natatawang saad niyo kaya sinamaan ko siya.

"So what? Gusto kong maranasan magkabilbil eh. Mind your own business"-taray na saad ko at saka humigop sa inumin ko na Mc. Float.

"Pffft. Don't worry kahit magkabilbil ka pa, ikaw pa rin ang gusto ko"-tumataas baba ang kilay na sabi niya.

Napapoker face naman ako bigla.

Sabi na nga ba, manghaharot ang lalaking 'to sa akin. Nasa kanya na ang lahat. Kaharutan at kamanyakan.

"Ang harot mo!"-singhal ko na ikinatawa lang niya at saka sumandal sa upuan na parang cool lang tas tumingin sa side then tumingin sa akin at binigyan ako ng kindat at isang papogi smile.

"At least gwapo"

Napa-iling na lang ako. Ang harot, malandi at feeling gwapo. Pero kakaiba siya ngayon ah. Parang nagiging playful siya. Bagong buhay na ba toh? Di na suplado at cold? Like like.... Like Caspian? Well Caspian, hayst. Nag-iba na siya talaga.

"Oh bakit parang naging matamlay ka ulit? Di ka ba nagwa-gwapuhan sa akin?"-tanong niya habang sinusuklay suklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

Yikes

"Ohh nakalimutan ko! May kailangan pa pala akong sundan"-tumayo na ako at saka dali-daling sumubo ng mga pagkain sa harapan ko at saka nagpunas ng labi.

"Bye bye! Salamat sa pagkain!"-sigaw ko at nagtatakbo lalabas sa cafeteria. Bakit ko nga pala hindi naalala?

Sinusundan ko kaya si Vien!

Takbo ako nang takbo papunta sa Royal Mansion nang makasalubong ko si Vien. Great! So great!

"Bakit parang nagmamadali ka?"-tanong ni Vien nang makalapit na siya sa harapan ko.

"W-wala! Eh ikaw? Bakit ka nanggaling sa Royal Mansion?"-hinihingal na tanong ko habang kayuko. Napagod ako don ah!

"Ah. Ano kasi nawawala si Persephone. Pinapahanap ni kuya sa akin"-biglang saad niya kaya napatayo ako bigla at saka siya nilapitan.

"Si si Persephone nawawala??!!"-sigaw na tanong ko habang niyuyugyog siya.

"O-oo ng-nga! Wag mo akong yugyugin!"-parang nawalan pa siya ng lakas pagkabitaw ko sa kanya.

Saan naman kaya siya nagpunta?

Tumalikod na ako kay Vien na ngayon ay nahihilo pa rin.

"Hmmm. Ah! Alam ko na!"-sigaw ko at nagtatakbo na papunta sa naalala kong lugar. Siguro naman nandon siya.

"H-hoy!!"

Elisana Crawford POV

"H-hi! Hindi ko alam na nandito ka pala"-gulat na sabi ko at saka tuluyang pumasok sa kwarto ni Tenleigh na puno ng mga make ups, dress at iba pa.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now