Chapter 62

5.9K 283 26
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

Nakasimangot lang ako habang nakatingin sa dalawang babae sa ibaba. Sina Roslly at Cristine.

May pinag-uusapan na naman sila. Kasama nila yung multong babae na yun.

Badtrip ako, ilang araw ko nang tinatry na kausapin ang multo pero kapag lalapit ako bigla siyang naglalaho na parang bula.

Si Asiamie? Ewan two days ko na siyang 'di nakikita. Ang mga royalties na ang bahala sa kanya. I really want to solve this mystery.

Habang tinitignan ko sila ay may napansin akong babaeng papalapit sa kanila. Kaya dali-dali akong bumaba patungo sa kanila.

Habang papalapit ako sa lugar nila ay narinig ko ang sigawan nilang lahat.

"Ano?! Totoo naman 'di ba?! You! The three of you killed my friend!"-sigaw ng isang hindi familiar na boses. Siguro galing sa babae kanina.

"Ha?! Namimintang ka na ngayon?!"-sigaw ni Cristine.

Patago akong pumunta sa isang poste at tinuon ang tingin at tenga ko sa kanila.

"Oo nga, may proof ka ba?!"-sigaw naman ni Roslly.

"Mga mamamatay tayo! Mga sinungaling kayo! Di ba kaya niyo siya pinatay dahil may boyfriend siya sa labas ng school 'di ba?! Ano?! Itatanggi niyo pa?! Ganon na ba kayo ka demonyo kaya kaya ninyo pang kumitil ng buhay?!"-umiiyak na saad ng babae habang nakakuyom ang mga kamay niya.

"Wala kang patunay! Hindi kami mamamatay tao!"-sigaw ni Cristine at nagsimulang sabunutan ang babae. Ganon din ang ginawa ni Roslly sa babae.

"Ang sasama ninyo! Kailangan niyong magbayad sa pagkitil niyo sa buhay ng kaibigan ko! Pinatay niyo si Jamaica!"- sigaw niya at saka malakas na tinulak ang dalawa papalayo sa kanya.

"So, ikaw ang may pakana sa nangyari kay  Jilliane?! Alam mo ba na nasa coma pa rin siya hanggang ngayon?!"-sigaw ni Roslly habang hinatak nito ang kwelyo ng babae.

"A-ano?!"-takang tanong ng babae, na tila ba nabuhusan ng malamig na tubig.

"Oo, Claire. Nasa coma ngayon si Jilliane dahil sayo!"-sigaw ni Cristine at sinampal ang nagngangalang Claire.

"Wala akong ginagawa!"-sigaw ni Claire at saka sinamaan ng tingin ang dalawa.

"Kung nasa coma man siya, pwes karma na niya 'yon. Kayo?! Di pa rin ba kayo natatakot na baka kayo na ang ma karma? Ahahha good luck sa inyo. Gagawin ko ang lahat mahanap lang ang katawan ng kaibigan ko. Hahanap ako ng ebidensya para madiin kayo! Kakasuhan ko kayo! Ipapatapon ko kayo sa bilibid para magbayad sa mga ginawa ninyo!"-sigaw ni Claire at saka nagtatakbo na papalayo.

"Ha, anong akala niya matatakot tayo? Pwes, nagkakamali siya. Tignan na lang natin ang mangyayari"-ngising saad ni Cristine na ikinatawa naman ni Roslly.

"Wag kang maniniwala sa kanila. Manipulator"

Napatingin ako sa dark soul na ngayon ay nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Let's go, Roslly. May pupuntahan pa tayo"-saad ni Cristine at saka naglakad papunta sa likod ng school.

Ano naman ang gagawin nila sa likod ng school? Puro kagubatan kaya.

Susunod na sana ako pero napansin ko si Asiamie na papasok sa science room. Wait, bakit 'di siya sinusundan ng mga royalties? Ang tatamad talaga. Nagpapakasarap sa buhay. Sarap sipain eh.

Eh sino ang susundan ko?!!!
Grabeng mga royalties.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now