Chapter 51

6.6K 337 19
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Ano? Parang kanina lang ang dami mong dada? Hindi ko naman linagyan ng thread ang bibig mo ah."-takang tanong ko sa kanya at saka lumapit dito. Hindi rin makagalaw ang mga alaga niya ngunit ang mga mata nila ay hindi na ganon katindi ang pula na kulay nito.

"Pakawalan mo ako!"-sigaw niya sa mukha ko kaya napapikit na naman ako.

"You know what, hindi ko alam kung bakit ninyo pinipili ang maging kalaban. Siguro may mga pinaglalaban nga kayo na sa tingin niyo ay tama. Hindi pare-parehas ang paniniwala natin. Pero sana ginamit niyo ang mga utak niyo at puso niyo para tignan kung tama ba kayo o mali. Malaking tulong pa sana kayo pero base sa mga ugaling pinapakita ninyo. Hindi na kayo magbabago. And gagawin ko ang kailangan kong gawin sa mga kalaban."-mahinang saad ko at lumayo sa kanyang pwesto.

"Lea, ipadala mo na siya sa doon. Matutulog na muna ako saka ko sila aasikasuhin."-saad ko at saka tumalikod kay Lei at hinarap si Lea na nasa likuran ko.

Tumango si Lea bilang sang-ayon kaya naglakad na ako papalayo sa lugar na yon.

Anong sabi? Magpasalamat kami dahil kung hindi sa kanila hindi kami matatawag na bida?! Hah! Nakakapagod kayang makipaglaban.

"Rianna"

Napatingin ako kay Vien na tumawag sa akin.

"Ano?"-tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa direksyon kung saan ako nanggaling kanina.

"Bakit nauutusan mo si Ate Lea?"-tanong nito na ikinagulat ko ngunit hindi ko pinakita.

"Hindi ko siya inutusan. Sinabi niya sa akin na kapag kailangan ko ang kapangyarihan niya sasabihin ko sa kanya"-balewalang sagot ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya naniniwala.

Hayst. Ayaw ko sa lahat ay makulit. Dapat ako lang ang makulit.

"Stop thinking useless things Vien. I hate it. You know that. I want to rest. So if you'll excuse I want to go to my bed and take a nap"-saad ko at saka nilagpasan na siya. Ayokong makipag-usap. Pagod ako. Pagod na.

Persephone Black POV

"Your friend is already ok. And thanks to me"-mataray na saad ni Roselyn na ngayon ay nakakapit na naman sa braso ni Caspian.

"Thank you"-pasasalamat naming lahat ngunit tinaasan lang niya kami ng kilay.

"You are not all welcome. I just did that because my baby said so"-nag roll eyes siya saka yumakap sa braso ni Caspian na para bang mawawala si Caspian kapag hindi naglapat ang kutis niya sa kutis ni Caspian.

"Walang hiya talaga"

"Ahas!"

"Higad!"

Samot-saring bulong ng mga kasama ko. Binigyan ko lang naman ng nakapasamang tingin ko sa kanya.

Hindi niya kami pinansin kundi hinatak na niya si Caspian palayo sa lugar namin.

"Kawawang Caspian."-umiiling na saad ni Kegan ngunit 'di na naman siya pinansin dahil pumasok na kami agad sa clinic para tignan ang kalagayan ni Tenleigh. All I thought malalagasan na kami.

Buti... Buti hindi siya kinuha sa amin.

Tumingin ako kay Aiken na ngayon ay nakatingin sa bintana. Ang lalaking ito, hindi mo malalaman kung ano ang pinaplano niya.

"I need to go"-biglang saad niya kaya naglakad ako papalapit sa kanya tsaka siya hinawakan sa kamay.

"No. You are not going anywhere"-may diing saad ko habang binibigyan siya ng babala gamit ang mga mata ko.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now