Chapter 31

8K 346 26
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Mag-iingat kayo mga binibini"-iyon na lang ang narinig namin bago sumara ang tarangkahan.

Tumingin kami sa paligid, ang daming mga halaman at puno.

"Mmmmmmmmm"

Napatingin ako kay Ava, ano naman kaya ang sinasabi niya?

May kinuha ako sa bag ko at binigay sa kanya.

"Ikaw na muna ang gumamit niyan, di ko na kasi ginagamit pffft"-natatawang saad ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Padabog naman siyang sumama sa akin at saka ako kinalabit.

Pinakita niya ang kanyang sinulat. Well pinahiram ko sa kanya ang note pad ko ahahahha.

*this place looks normal*

Tumingin ako sa paligid, yeah. Parang normal lang talaga. Pero parang lang. This is a planet of monster plants.

"Hmmm. Wag ka na lang maggagagalaw-gal-"-hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla itong nagsisigaw.

"Mmmmmmmmmm!!!!! Mmmmmmmmmm!!"

"Ano ba Ava, baka may magising k-"- hindi ko ulit naituloy yung sasabihin ko nang makita ko siyang kinakain na ng isang halaman.

Ulo hanggang sa dibdib na ngayon ang nasa loob ng halaman, nakataas ang dalawang paa niya kaya ang ending kita na naman ang panty niya. >o<

"Mmmmmm!!! Mmmmmm!!"nagpupumiglas na siya ngunit hindi parin siya pinapakawalan ng halaman. Dahil mas lalo lang siya nitong nilulunok.

Ginamit ko ang thread ko para matanggal ang halaman sa kanyang ugat. Lumabas ang kulay berde nitong dugo.

Nakalabas na rin si Ava ngunit punong-puno siya ng laway.

"Mmmm!!!!"

Ito ang sinabi niya.....
(Ewwwww!!!)

"Ano ba kasi ang ginawa mo?"-tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya na nagpupunas ng laway.

"Mmmmmm mmmmmmm"-inis na sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.

Anong akala niya naiintindihan ko siya?!

"Use the note pad stupid"-saad ko sa kanya at nagcross-arm sa harapan niya.

Nag roll eyes siya sa akin at padabog na kunin ang note pad sa di kalayuan.

*tinignan ko lang naman ang laman nun eh para kasing pitcher sa mortal world. Akala ko meron din dito at mas malaki, iuuwi ko sana. Ang laking kasi pwedeng pang bathtub huhuhu*

Tinignan ko siya ng masama. Hindi talaga siya nag-iisip.

Mortal world? Di pa ako nakakapunta roon. Pero gusto ko talagang pumunta roon. Soon.

Sesermonan ko pa sana siya kaso napansin ko kung paano bumuka ang mga tinatawag niyang malalaking pitcher sa dalawang side namin.

"Mmmmmmmmmm!!!!"-sigaw ni Ava at saka kumaripas ng takbo kaya ganon din ang sinasabi niyang malalaking pitcher na patungo sa akin kaya sumigaw na rin ako.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now