Chapter 120 ( Last Special #11)

7.3K 278 224
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

Masaya naming pinagmamasdan ang mga fireworks sa kalangitan.

Hanggang sa biglang napasubsob sa lupa si Prim dahil may tumama na tsinelas sa kanyang ulo.

"Hoy aso! Wala kang sinabi na ngayon mo na mismong gustong mag propose sa anak ko! Hindi ako papayag na ikasal kayo agad! Hindi! Hindi!"-sigaw ni Daddy habang nagwawala sa di kalayuan. Napatingin ako kay Mommy na umiiyak, nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang tumalikod sa amin direksiyon at saka hinatak si Daddy gamit ang damit nito.

"Stop being a child! You are causing a lot of trouble"-rinig kong saad ni Mommy habang papalayo sila sa amin.

"Mommy! Daddy! Wala pa akong plano kung kailan ang kasal."-biglang saad ni Prim kaya napatingin kaming lahat sa kanya, napatigil din sa paglalakad sina Mommy at Daddy.

"Gusto ko lang ipakita sa lahat na ang babaeng nasa tabi ko ay pagmamay-ari ko na. Gusto ko lang na malaman nilang lahat kung gaano ko kamahal ang inyong anak. Daddy, hindi ko kukunin ang anak ninyo sa inyo. Hindi ko pagbabawalan na makasama ninyo siya. All I want is to secure her for me only, that's all"-nakangiting saad ni Prim habang nagkakamot sa batok niya kaya napangiti ako.

Tumingin si Daddy sa kakangawa at tumalikod din gaya ni Mommy kanina. Ngayon parehas na sila ni Mommy na nakatalikod.

"Okay"-sagot ni Daddy pero ramdam mo ang saya at sincere sa boses niya saka sila naglaho.

Tumingin ako kay Prim na nakangiting nakatingin sa akin. Bigla niya ulit akong hinapit papalapit sa kanya at binigyan ng halik.

"I love you My flower"-saad niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Ngumiti ako sa kanya at yumakap.

"I love you more"-bulong ko.

Roselyn Jack POV

"You all right?"- biglang tanong ko kay My loves na nakatingin kina Adrianna at Daxton.

Tumingin lang siya sa akin at tumingin sa malayo.

"Tanggapin mo na lang na si Adrianna ay para kay Daxton at Ikaw ay para sa akin"-nagtataas-baba ang mga kilay kong saad.

Tinampal lang niya ang mukha ko at tumawa nang pagak.

"Masakit din pala"-mahinang saad niya kaya mabilis ko siyang hinawakan. Alam kong magteteleport siya kaya sasamahan ko na.

Napatingin ako kung nasaan kami ngayon, sa tuktok ng Magical Academy.

"What the hell!?"-sigaw niya nang napansin niyang nakasama ako saa kanya.

"Feel ko lang na magteteleport ka"-kibit-balikat na saad ko at tumingin sa kalangitan habang sumasabog pa rin ang mga fireworks. Ang daming fireworks.

"Elliott"-biglang saad ko kaya napatingin siya sa akin.

"Wala, trip ko lang sabihin ang pangalan mo my loves"-bumubungis-ngis na saad ko na ikina-iling niya.

"Pero seryoso"-seryosong saad ko kaya tumingin ulit siya sa akin.

"Seryoso ako sa'yo"-nakangising saad ko at saka siya kinindatan.

"Baliw"-saad niya na ikinangiti ko.

"Baliw sa'yo"

Tumawa kami parehas then tumigil ulit.

"Seryoso na, try to move on. Just be happy for them. Can you?"-tanong ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin.

"Kahit 'di mo sabihin, 'yan ang gagawin ko"-saad niya kaya napangiti ako at mabilis na yumakap sa kanya. Itutulak niya sana ako pero nagsalita ako.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now