Chapter 92

4.8K 235 65
                                    

Sai POV

"Good afternoon too ate"-nakangiting saad ko at habang ang mga mata ko ay kumikislap.

"What are you doing here?"-tanong niya at saka tumingin sa paligid saka tumingin ulit sa akin. "Nasaan ang mga kasama mo?"-dagdag na tanong niya kaya napa-iling ako.

"I got lost, that's why. And I don't have a companion. Its just me. I don't know this place. I'm still new here"-nakayukong saad ko habang ang dalawang daliri ng kamay ko ay nakaturo sa isa't isa.

/(👉👈) Like this/

"Ohh, come to my house then. I'll give you some foods to eat"-saad niya kaya masigla akong sumunod sa kanya. Nag ha-humming pa ako habang sumusunod sa kanya.

Pansin ko na palagi siyang tumitingin sa paligid kaya nagtanong ako sa kanya.

"May problema po ba ate?"-takang tanong ko pero umiling lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Napatingin ako sa himpapawid. Alam kong nasa taas ng ulap sila kaya 'di mo malalaman na nandoon sila.

Tumingin ulit ako sa babaeng kasama ko habang may hawak na espada.

Siya kaya si Leanne Reeche? Hmmm.

Matagal din kaming naglalakad hanggang sa marating namin ang gitna ng gubat. May malaking tree house sa taas ng puno. Anong punong ito ay sobrang yabong at matangkad. Grabe, sakto talaga para sa isang tree house. Nakakamangha rin ang Tree house niya.

"Lika"-aya niya sa akin at naglakad na siya sa hagdan pataas.

Nakanganga lang akong nakatingala habang pinagmamasdan ang buong lugar.

Gusto ko nito. Gusto ko nito. Gusto ko nito.

Paulit-ulit na saad ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang lugar.

"Hey kid, ayos ka lang?"-tanong niya kaya napatingin ako bigla sa kanya at saka ngumiti.

"No, ang ganda kasi. Gusto ko nito"-nakangiting saad ko na alanganing ikinatango niya.

"Shall we go?"-tanong niya na ikinatango ko.

***

Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang mga platong walang laman. Ang dami ko pa lang naubos. Ang galing niyang magluto.

"Alam mo ba daan pauwi?"-tanong niya sa akin habang nasa hapag-kainan pa kami.

"Opo"-masiglang saad ko at saka ngumiti.

"So bakit ka nasa pagmamay-ari ko?"-tanong niya kaya napatingin ako sa mata niya.

"Well, may hinahanap po akong tao"-saad ko at nilaro ang tinidor na hawak ko.

"Sino?"-tanong niya kaya napangiti ako at mabilis na pinabulusok ang tinidor sa kanya pero nagawa niyang sanggain gamit ang espada niya.

"Ikaw"-nakangiting saad ko at dahan-dahang tumayo sa inuupuan ko at saka siya tinitigan sa mata.

"Sino ka?"-alertong tanong niya na ikinangisi ko at saka nag pacute sa harap niya.

"I'm Sai, 8 years old"-nakangiting saad ko at saka pumalakpak pa.

"Anong kailangan mo?"-tanong niya habang ang espada niya ay nakatutok sa direksyon ko.

"Your life"-saad ko at naglakad papalabas.

"Come with me, sa labas tayo. Ayaw kong masira ang tree house na ito"-seryosong saad ko habang naglalakad papalabas.

***

Nakatayo ako malayo sa kanya habang ang atensyon namin ay nasa isa't isa.

"Deceiver"-mahinang saad niya kaya napangiti ako at saka nag bow.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now