Chapter 71: The Old Self

39 3 0
                                    

David's POV

Summer na naman ngayon, tapos 1 month na lang pasukan na ulit. Pero this time, second year na ako sa accountancy. Buti pa nga na na-survive ko yong dalawang semester nong first year. Sana naman kayanin ko din this school year.

So let's begin with the past days. I asked Sabrina kung puwede pa bang maging kami. Pero ang isinagot niya lang ay hindi na puwede. Tapos sabi niya pa ay mahal daw niya ako at sana maintindihan ko lahat.

May ganoon bang pagmamahal, nananakit? Nang-iiwan? Sabagay, ginawa ko din yon noon. Pero pinagsisihan ko na lahat ng iyon. Kung tutuusin, baka ito na ang karma ko. Sa dami ng ginagawa ko kay Sabrina, ay baka hindi pa ito sapat.

Pero kasi, may feelings din naman ako eh. Nasasaktan din ako. Tingin ko nga ay sobra na itong sakit na nadadama ko.

After the day na nagka-usap kami ni Sabrina, ay hindi na ulit kami nag-usap pa. Sa tuwing nagkikita kami ay tila ba hindi niya ako kilala kaya nagkalasalubong lang kami na parang walang nangyari noon.

Sus, bakit pa ba ako mag-iinarte. Kasalanan ko naman lahat diba? Dapat lang na sisihin ko itong sarili ko.

After no'ng araw na iyon. Kaagad na nagpaalam na ako kila kuya Red at lumabas sa bahay nila at dumiretso sa kuwarto ko at doon nagkulong. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako o nagagalit.

Pati ako hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Simula noon ay school at bahay na lang ang puntahan ko. Ni hindi ako sumama sa mga parties nila Potpot. I just wanted a peaceful life right now.

Ang laki kasi talaga ng impact sa akin ni Sabrina.

Kung hindi man talaga kami ang para sa isa't-isa ay sana makita ko pa siya kahit man lang mula pa sa malayo. I just wanted to see her smile. Alam kong hindi ko yon nagawa no'ng kami pa. Siguro magiging masaya na lang ako para sa kaniya. Para sa kanila.

Bumaba ako sa hagdan at lumabas ng bahay namin. Nakita ko naman si James na naka-up sa gutter. Tila ba may iniisip siyang sobrang lalim. Kaya lumapit ako sa kaniya.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?", sabay tabi ko sa kaniya.

"Wala lang, iniisip ko lang bakit kami namulat sa ganitong sitwasyon." sagot niya kaya taka akong tiningann siya.

"Anong ibig mong sabihin?", kunot-noo kong tanong.

"Hindi ko alam kung bakit one day, nakita ko na lang yong sarili ko na binabaril yong mga lata no'ng bata pa ako... I thought, it was just a game. Pero hindi, it's just that one day, ito na ako. Ito na yong bagong ako."

Tama nga naman siya.

"Alam mo si Sabrina noon, muntikan na siyang makapatay. Pero bawal sa underground ang pumatay, kaya that time si Sabrina ang nagbayad ng lahat ng hospital bills no'ng lalaki. Tingin mo sino yong lalaking yon?", sabay ngiti niya sa akin.

"I don't have idea." sabay iling ko.

"It was Edwin. Diyan nagsimula sila Edwin at Sabrina. Dati, aso't-pusa ang mga iyon, pero ngayon. Nagbago lahat." at sabay tingin niya sa kawalan.

"Sabrina even told me na ayaw na niya sa Gang World. Ayaw niya na may sinasaktan siyang taong inosente. Yeah, mabilis siyang magalit, tahimik, hindi nagsasalita kapag kinakausap, at matapang. But all in all, she's a good girl, she has a good heart."

"Wait James, why are you telling me this?", taka kong tanong.

"Kasi alam kong papakinggan mo 'ko. And I know na mapagkakatiwalaan ka." sabay ngiti niya kaya napangiti din ako. Gusto ko din mapabilang sa mga kaibigan ni James.

At huminga siya ng malalim...

"But when Edwin suddenly dissappear, umalis siya nang walang pasabi. Doon nagbago si Sabrina. Hindi naman totally nagbago siya. Ang dating ayaw saktan ang ibang ka-gang, ngayon halos patayin na niya. Yong dating mapag-pasensiya, ngayon magagalitin na. Yong jolly at cheerful na Sabrina, naging tahimik, sobrang tahimik. At yong Sabrinang may puso noon. Napalitan na ng Brinang utak na lang ang pinapagana."

"Ang laking impact ni Edwin kay Sabrina."

Nanatili pa din akong tahimik. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko sa kaniya.

"Kaya nong nawala si Edwin sa underground ay hindi na umalis si Sabrina sa Gang."

"So I guess, lahat ng kasamaan, nagsimula sa sakit at galit." sabi ko.

"Yeah."

"Nga pala, kamusta kayo ni Sabrina? Naka-usap mo ba siya last month?", tanong niya.

"Yeah. But I think, it's a closure." sagot ko.

"What do you mean?", tanong niya.

"Ayaw niya na sa akin." lungkot kong sagot. Nakakabakla man pero patulo na luha ko.

"Bakit daw?"

"I don't know."

"You know what. Sa'yo ko lang ito sasabihin." at napatingin ako sa kaniya.

"What's that?"

"Edwin is back..."

And with that I suddenly froze.

Bakit pa siya bumalik? Hindi naman siya siguro manhid para hindi niya maramdaman yong sakit na dinanas ni Sabrina no'ng nawala na lang siya bigla.

"And I know, he will win her back."

And with that ay galit na talaga ako.

Galit na galit talaga ako kay Edwin.

Hindi na dapat siya bumalik.






A/N : New Years Eve Update! I hope you like it. Salamat sa inyong lahat dahil naging bahagi kayo ng 2020 ko. I love you all!!! Spread love to everyone. Manigong bagong taon...

Stay safe sa inyong lahat.

God bless sa atin...

P. S. Pakain naman diyan

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now