Chapter 31: Why This Is Happening?!?

81 5 0
                                    

Sabrina's POV

"I told you already na wag ka nang magpapakita sa David na yon. Pero, anong ginawa mo? Sinuway mo ang utos ko!", galit na sabi ni Mommy.

I just stared at her. Hindi ko alam kung ano bang isasagot sa tanong ni Mommy. What should I do?

I love David pero bakit ganito ang buhay ko?

"Kapag nakita ko kayo ulit na magkasama... Don't you ever come back here. Sumama ka na sa David na yon!", sigaw niya pa din.

Umiwas ako ng tingin. Bakit ba naging ganito si Mommy?

"All I want for you is a happy and successful life. Ayokong matulad ka sa'kin. Ayokong maiwan ka katulad ng nangyari sa akin noon."

Alam ko naman yon eh.

"Ayokong ma-buntis ka ng maaga. Second year ka pa lang. First year pa lang si David. Paano kung ma-buntis ka niya?"

Advance mag-isip si Mommy? Alam naman naming dalawa ang limitations namin eh. Alam namin ni David kung saan lang kami puwede.

"Mommy.. Bakit ka ganyan? Parang dati lang gustong-gusto mong sagutin ko si David. And now that we're together, ayaw mo na... Mommy, ayaw mo ba akong maging masaya?", tanong ko.

"Dahil hindi mo pa siya kilala."

Anong ibig sabihin ni Mommy? Pero imbis na tanongin ko pa si Mommy ay tumayo na lang ako at pumunta sa kuwarto. Humiga naman agad ako.

Ang bigat sa pakiramdam.

Napaluha na lang ako. Bakit ba nagka-ganito ang buhay ko? Did I do something wrong?

Kung kailan okay na kami ni David, saka naman nagka-ganito.

Litong-lito ako. Sobrang litong-lito ako. Dati, gustong-gusto ni Mommy na sagutin si David. Pero, ngayon namang sinagot ko siya, pinapalayo ako kay David.

Bakit ba siya ganyan? Sobrang higpit niya na sakin?

Kinuha ko ang Laptop ko at dumapa sa kama. Nag-online ako at nag-message sa akin si David.

David: Ano sabi ni Tita?

Sabrina: Bawal na daw ako makipag-kita sayo

David: Hala...

Sabrina: Oo nga, once daw na makita niya tayong nag-usap. Papalayasin niya daw ako

David: Haays... Bakit ba kasi ganyan Tita

Sabrina: Ewan ko

David: Wala naman tayong ginagawang masama diba?

Sabrina: Gusto kong sabihin kay Mommy yan pero alam kong hindi niya ako pakikinggan

David: Sabi ko nga wag ka ng sad maiintindihan din ni Tita yan

Sabrina: Edi hindi na tayo magkaka-usap

David: Hayaan mo na wag ka nang sad

Sabrina: Paano yan

David: Bakit naman
David: Grabe naman to

Sabrina: Diba nong unang araw na nag-usap tayo... Sinabihan na ako ni Mommy na layuan kita
Sabrina: Pero di ko sinunod

David: Bakit daw?

Sabrina: Ayon nga... Baka daw may mangyari

David: Bakit mo daw ako lalayuan
David: Mabait ako kami sabihin mo

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now