Chapter 30: That Girl

72 4 0
                                    

Sabrina's POV

Kakagising ko lang pero ang saya-saya ko na. Hahaha.. Bakit ba? Si David kasi kagabi, may si-nend na picture. And nandon yong conversation nong Virgie, yong naghahabol daw sa kaniya.

At sinabi pa ni David na 'bakit mo pinipigilan ang anak ko? Kinakausap ko na yong babae. At ayos na ang kasal nila pagtanda nila.' Doon ako natawa lalo. Dinamay niya pa yong Mommy niya. Hahhaha

At saka ano daw ikakasal kami pagtanda? How he sure of that?

Then yong Virgie naman sinabi niya kay David na... Okay lang pinakilala ka na pala eh. Hindi mo naman ako love diba? At doon na ako natawa sa sinabing iyon ni Virgie.

Kaya ino-pen ko ang cellphone ko at nag-online sa Facebook. I looked up Virgie in Facebook at nakita ko ang FB account niya. Iniisip ko pa kung Ia-add ko ba siya o hindi. Pero, bakit ko naman gagawin yon?

Aish... Bahala na nga.

Pipindutin ko na sana ang add friend nang biglang may mag-chat sa'kin. At ang nakalagay ay Virgie Aguilar. Oh? What a coincidence?

"Hi ano ka po ni David? Sabrina Fernandez?", basa ko sa chat ni Virgie.

Virgie: Heyy

Icha-chat ko ba siya o hindi?

Sabrina: Bakit?

Siyempre bakit muna diba?

Sabrina: Bakit mo naitanong?
Sabrina: Kilala mo si David?

Virgie: Kayo ba ni David?

Sabrina: Bakit?

Virgie: Sagutin mo na lang kayo ba?

At ang sungit pa ah... Mapagtripan nga to. Labas natin tapang nito.

Sabrina: Ewan

Virgie: Tsk

Ayy.. May pa ganon si ate virgie.

Sabrina: Paano Kapag sinabi kong oo

Virgie: Wala akong paki kung kayo

Napatigil ako sa chi-nat niya sakin.

What the fuck? Tinatanong niya ako kung kami ba ni David, tapos nong sinagot ko naman sasabihin niyang wala siyang paki? Baliw ba to? Psycho? Bipolar?

Sabrina: Hah?

Virgie: Wala akong paki sa inyo kung kayo

Dito na nag-init ang ulo ko. Taga-saan ba to? Saksakin ko tong babaeng to eh. Ang ganda-ganda ng gising ko ngayong araw, sisirain lang ng babaeng to.

Sabrina: So bakit mo tinatanong?

Bad trip na bad trip na talaga ako. Hayop na yan...

Sabrina: Ano seen lang?

Si-neen lang niya ako? Hindi niya ba ako kilala?

Virgie: Chat mo siya para may kausap ka

Hindi ko na siya nireplyan. She's pissing me off.

Bumaba na lang ako ng hagdan at lumabas ng bahay. Kakausapin ko si Nicole or kahit si David about sa Virgie na yon. Sarap hambalusin sa mukha. Akala mo, maganda. Kamukha nga lang yan ng aso ni David sa Pangasinan.

Tsh... Nababadtrip talaga ako.

"Nicole?", tanong ko doon sa tindahan. At buti na lang siya ang bantay ngayon sa tindahan nila.

"Bakit po ate? Si kuya David po ba?", tanong niya.

"Hindi... May sasabihin lang ako sayo. Saglit lang." sabi ko.

Siya naman ay lumabas sa tindahan at umupo sa tabi ko.

"May kilala ka bang Virgie?", tanong ko.

"Yong girl na kasama ni kuya David?", kunot-noo naman niyang tanong.

"Ewan, basta ito yon." at pinakita ko sa kaniya ang picture ni Virgie.

"Ito nga yon... Hahaha.. Yong girlfriend ni kuya David dati... Pumunta nga yan dito dati, niyayakap pa si kuya David."

"Ahh."

"Pero monggoloyd yon eh." at doon na siya natawa ng sobra. Okay, may alam siya na hindi ko alam.

Then, nakita ko si Nico, which is kapatid ni Nicole. Bugnot na bugnot ang mukha.

"Diba kuya, yong virgie na dinala dito ni Kuya David... Monggoloyd?", tanong no Nicole. At ang mukha naman ni Nico ay unti-unting natawa. At ayon nga tumawa na siya.

"Oo... Sobrang Monggoloyd yon..." at nag-walk out na siya. San punta yon?

"Basta ate... Ikaw pa din yong gusto naming tatlo ni Kuya Nico at Nikki para kay kuya David." sabi niya kaya napangiti na lang ako sa kaniya at pumasok na ako sa loob ng bahay at pumunta sa veranda ng kuwarto ko.

Nakita kong nag-online si David kaya chi-nat ko siya agad. Nakakainis talaga yong babaeng yon. Ano ba nagustuhan doon ni David? Eh talking non-sense.

Sabrina: Tss

Kunwari galit muna hahahaha... Kunwari hindi bad trip... Kunwari lang.

David: Bakit??
David: Galit ka na naman

Sabrina: Punta ka dito dali...
Sabrina: May sasabihin ako

David: Maya bantay ako ng tindahan eh bakit??
David: Ano ba sasabihin mo

Sabrina: Lah... Bahala ka

David: Ano nga yon dali...

Sabrina: Bahala ka

David: Bantay nga ako Baby

Bakit pa kasi sila may tindahan? Hindi lang isa kundi dalawa pa? Ang yaman-yaman na nila eh. Eh kung yong mga maids na lang kaya nila ang magbantay?

Sabrina: Chat mo nga babae mong si Virgie
Sabrina: Sabihin mo t*ng ina niya

David: Bakit ano sabi niya

Sabrina: Madami

David: P*tang ina niya block muna siya
David: Nakaka-bwesit yon ah
David: Block mo na siya pati sa FB

Ang lutong ng mura ah... Mahal kaya yon?

Gets niyo?

Sabrina: Tinanong niya sakin kung tayo daw ba sabi ko oo
Sabrina: Tapos sabi niya sakin wala akong paki kung kayo
Sabrina: P*tangina niya... Wala siyang kuwentang kausap
Sabrina: Papuntahin mo nga dito yon

David: Bayaan mo na siya
David: T*ngina niya kamo bwesit bago mo iblock

Sabrina: Si-neen nga lang ako eh
Sabrina: Wala pala yon eh... Takot

David: Ahaha bayaan mo na siya
David: Block mo na siya

Sabrina: Bayaan na din kita

David: Lah ano na naman to
David: Bayaan mo na siya
David: Woi
David: Ano na di ka na nagreply baby

Sabrina: Oh?

David: Galit ka ba sakin haays 😥

Sabrina: Hindi pero sa babae mo oo
Sabrina: Sobra sobra

David: Binlock ko na siya

Hindi ko na lang siya nireplyan. Mag-higante out na lang ako at kinuha ko ang gitara ko at tumugtog na lang.

New Romantics | CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ