Chapter 37: His Feelings

54 4 0
                                    

Sabrina's POV

"Kamusta ang mid-term?",  tanong sa akin ni Kuya Red. Kumakain kami ngayon ng dinner.

"Okay lang naman kuya." Sagot ko sabay subo ng kanin.

"Nasagutan mo ba lahat?", tanong naman ni Mommy.

Pero imbis na sagutin ko siya ay tumango na lamang ako.

Nag-uusap na naman sila about sa business. Lagi naman eh. Hindi pa ako nasanay. Tss.

I did not bother anymore. Bumalik na lang ako sa pag-kain.

"Next week na ang birthday mo Sabrina. Do you want to have a party?"

Napatingin ako sa sinabi ni kuya Red. Oo nga pala, next week na ang birthday ko. Bakit hindi ko alam? Masyado bang pre-occupied ang utak ko these days para makalimutan kong birthday ko na next week?

At saka party daw? Ano namang gagawin ko sa party na yon? Magmu-mukmok? Magku-kunwaring masaya kahit hindi? Kung alam lang sana nila ang problema ko.

"Kahit wag na." Sabi ko.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kuwarto at ginawa ang mga dapat gagawin. And, sumalpak ako sa kama at nag-online sa laptop. Napag-pasyahan nila Andrea na magkita-kita kami. These days kasi ay nagging busy kami sa school. Kahit iisa lang kami ng school ay hindi pa din kami nagkikita.

Tapos na din naman ang mid-term kaya party-party na. Kanina nga, ay walang ginawa kundi mag-check lang ng test paper then after that wala na.

Pasado naman ako halos lahat ng subject. I'm doing my best even I have problems.

I was wondering kahit may problema ako, eh pasado pa ako. Galing ko no?

Nag-scroll ako sa laptop ko at nakita ko ang bagong profile picture ni Pogs.

Nasaan na kaya to ngayon?

Nong akala kong nakita ko siya malapit sa university namin akala ko, bumalik na siya.

Kaya pumunta agas kami sa underground pero wala pa daw siya. Kaya umuwi na lang kami.

I was about to log out when I suddenly hear a lyrics.

🎵 Madaling sabihin na ayaw mo na. Pero pinag-isipan mo ba ah?

Napatingin na naman ako sa kawalan.

Ang bilis niyang sabihin na ayaw niya na. Pero pinag-isipan nga ba ni David?

'Sabrina, wag mo na siyang isipin pa please? He's happy with Stephanie right now. Don't bother them anymore.'

Ni-log out ko na lang ang Facebook ko at pinilit matulog.

* * *

David's POV

"Kamusta exam niyo David? Nakasagot ka ba?", tanong ni Mommy.

"Okay naman po Mommy." Sagot ko.

"Kamusta na kayong dalawa ni Sabrina?", Mommy asked.

"I broke up with her last week." Pait kong sabi.

Mommy gave a sigh. At hinawakan ang kamay ko.

"I know how much you love her pero may agreement kami ng Mommy niya." Wait, anong agreement? "I know she's a gangster pero alam kong mabuti siyang tao. Botong-boto ako sa kaniya para sayo." At napangiti na lang ako bigla. "See, siya lang nakakagawa ng mga ngiting yan."at ngumiti si Mommy.

"Enjoy your life. Marami pa kayong pagdadaanan. If you're destined for each other, then let that happen."

"Thanks Mom." Sabi ko kaya ngumiti din si Mommy kaya ngumiti na din ako.

"And when the right time comes. Ipagpatuloy niya na ang naudlot niyong pagmamahalan. And I'll support the both of you."

"Maraming salamat Mommy." I said.

"Anything for my son." Sabi naman ni Mommy.

Naunang matapos kumain ng dinner si Mommy kaya nauna na siyang pumunta sa kuwarto niya at may tatapusin daw siyang mga papeles. Well, it's all about business na naman. Wag ka na magtaka.

Then suddenly my phone vibrated.

Nang i-open ko iyon ay naka-bukas ang data. Tss, kaya pala may nag-chat.

I saw Stephanie chatted me.

Stephanie: Hi Dhie... How's your day?  :)

I didn't bother to chat back on her.

I don't love her pero naging kami. Ang gulo no?

Pinakilala siya ni Alfred sa'kin. Alam niya kasing break ni kami ni Sabrina pero hindi niya alam kung bakit.

Tinanggap ko na lang din si Stephanie, at baka dahil sa kaniya ay makalimutan ko si Sabrina.

Pero it's been a week pero wala pa ring nangyayari. Sa bawat araw na nakikita ko si Sabrina ay lalo ko siyang minamahal.

Kami ngayon ni Stephanie pero hindi ko alam kung saan kami aabot. Dahil hindi ko maisip na siya ang makakasama ko habang buhay.

It's always been Sabrina.

All I know is I want to bring back my Sabrina in my life. At hindi ko alam kung kailan.

That's all.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now