Chapter 86: The End

45 1 0
                                    

James' POV



Nang marinig ko ang mga sinabi ni David ay kaagad na tumakbo ako sa direksyon nila Sabrina at Edwin.



Hindi ko alam kung bakit ako kina-kabahan ng todo. Hindi dahil sa pinsan ko si Sabrina. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. At kung ano man iyon ay hindi ko alam.




Tinigil ko na ang pag-iisip ko at nag-madali na lang akong pumunta sa direksyon nila Sabrina.



Nang makita ko silang dalawa ay kaagad ba lumapit ako. Walang malay na akay-akay ni Edwin si Sabrina. Tinulungan ko kaagad si Edwin dahil kahit payat si Sabrina ang bigat niya pa din. Sobrang bigat.



"Did you bring your car?", tanong ni Edwin.



"Meron, nasa labas." Sagot ko.



"Mabuti, bilisan na natin."



Mabilis naming tinahak papunta sa kotse ko. Inayos ko si Sabrina sa loob ng kotse. At pinakiramdaman ang pulso ni Sabrina, pahina ng pahina na ang pulso niya.



"Sumakay ka na, kailangan nating madala kaagad si Sabrina sa ospital." Sabi ko kaya sumakay kami kaagad sa kotse ko. At mabilis na nag-drive.



Maya-maya ay may tumawag sa cellphone ko, hindi ko na tiningnan kung sino iyon, basta sinagot ko na lang.



"Hello?", tanong ko.



( Hello James? )



"Yes kuya Rex?"



( Nasaan kayo? )



"Patungo kaming ospital ngayon kuya, nabaril si Sabrina."



( What?!? Sinong bumaril sa kaniya? )



"Si Diego."



( Lintik sa amin 'yon. )



"Susunod ba kayo kuya?"



( Malapit na kami. )



"Sige kuya."



( Sige, susunod kami sa ospital kapag natapos kaagad ang labanan )



"Sige kuya." At pinatay na niya. Kaya nag-drive na ako ng mabilis.



'Lumaban ka Sabrina.'




David's POV



Patuloy akong nakipag-laban upang ipag-higanti si Sabrina. Ngunit kinakabahan ako, dahil nasugatan ako sa bandang tagiliran ko. Kanina pa itong sugat na ito, dahil nadaplisan ito ng kutsilyo.



Yeah, daplis lang ito, pero malaki ang pagkaka-hiwa nito. Kaya kanina pa ito dumu-dugo. Simula pa kanina ay hindi ko na ito ininda dahil sa tagiliran lang naman ito. Pero unti-unti na akong nanghina kaya napaupo ako sa isa sa haligi at doon umupo at nagpa-hinga.



Tiningnan ko ang mga kakilala ko. Patuloy pa din silang luma-laban.



If I can help them.



Then, maya-maya nakita kong may naka-tingin sa akin, isang matalim na tingin. Tipong galit na galit siya sa akin...



Si Diego...



Unti-unti niyang itinutok sa akin ang baril. Hindi na ako nag-atubili pang tumayo o umalis sa puwesto ko. Sa halip ay pumikit na lamang ako at hinanda ang aking sarili.



New Romantics | CompletedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum