Chapter 40: Traitor

65 4 0
                                    

Sabrina's POV


These past few days ay lagi na kaming nagkikita. Ewan ko ba pero ganoon talaga eh.


Bahay at school na nga lang ang ginagawa ko pero bakit ganito pa din?


Tapos ay lagi akong nakatambay sa veranda ng kuwarto ko para magpa-hangin. Pero ito namang si David ay pabalik-balik sa tapat ng bahay namin which is hindi naman niya ginagawa before.


What's wrong with him?


Is destiny playing on us again?


Haay. September 23 na ngayong araw. And two weeks from now ay foundation day na. Limang araw pa naman yon. Then third week ng October ay finals na.


Kaya naman ngayon sa school ay bigayan na ng mga projects. Well, puro video. May project pa nga kaming gagawa kami ng videe. Tell me, kailan pa naging parte ng pagpo-police yon?


Sama mo na din si Math at Thesis. Hindi naman kailangan sa araw-araw yong x and y. Bakit pa ituturo, right?


Sa totoo lang, ayoko na mag-aral, pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Kung hindi lang kailangan 'to. I'm sure, hindi ko gagawin 'to.


"Alam mo Sabrina, si David..." Just when I hear that name ay awtomatikong napalingon agad ako kay Mommy.


Linggo nga pala ngayon, at ito kami ngayon paikot-ikot dito sa subdivision, naglalakad, pam-patanggal daw ng bilbil. Kailan pa naging gaoon yon?


And speaking of David. What's with him?


"Alam mo ba nong isang araw nabugbog si David?", napatingin ako kay Mommy.


"Nabugbog? Sino?", I aked her. It's better to be sure.


"Nabugbog si David nong isang araw." Mommy added.


"Bakit daw?"


"Na-mamakla daw. Nakikipag-relasyon sa mga bakla."


Wait... What? Si David nakikipag-relasyon sa bakla? Ano bang meron sa utak niya at ginawa niya iyon? Is he out of his mind? Or baka wala na sila ni Stephanie?


"Sino daw nambugbog?", curious kong tanong.


"Mga kaibigan niya daw." napalingon ulit ako kay Mommy.


Mga kaibigan niya? Sila Potpot? At mga iba pa niyang kaibigan?


"San daw siya nabugbog."


"Sa labas ng subdivision natin. Inabangan siya sa labas ng school. Then yon."


"Sino nakakita?", tanong ko ulit.


"Si Marlyn." at umuna na si Mommy na maglakad. Ako naman ay naupo sa gutter.


Bakit siya namamakla? Wala na ba talaga sila ni Stephanie?


At bakit naman siya mamamakla? Nababaliw na ba siya? Wala ba siyang ibang ma-tripan? At mamakla na lang?


Hello? Ang laki kaya ng katawan niya. Tapos papayag siyang mag[pa-bugbog ng ganoon?


Bakla ba nambugbog sa kaniya? Pero pagkaka-alam ko, hindi nambu-bugbog ang mga bakla.


Or baka sinumbong nong bakla at pinabugbog siya.


At bakit naman mga kaibigan niya ng bubugbog sa kaniya?


Is they betraying David?


Kanina habang pauwi kami ni Mommy at nakita ko si David. Nagka-tinginan kami pero ako ang unang umiwas pero ramdam kong nakatingin siya sa'kin.


He's with Nico and with the other guy who's wearing a red shirt. At sino naman kaya iyon?


Naputol ang mga tanong ko nang maramdaman kong may pumatak sa braso ko. Umaambon pala. Kaya tumakbo na ako pauwi ng bahay.


"Halika na Sabrina, kain na tayo." bungad sa akin ni Mommy.


"Una ka na lang. Maliligo lang ako." at pumunta na ako sa kuwarto.


Pumunta ako sa veranda at binuksan ang bintana. Huminga ako ng malalim. And I looked up at the sky. Ang daming stars.


Eh bakit ba ako nagkaka-ganito? Concern na concern sa David na iyon? Siya nga ay walang pakialam sa akin eh.


Hindi ko din alam eh. Kung bakit ako nagkaka-ganito?


Naka-move on na ako diba? But why I'm acting like as if I'm his lover?


Pero paano nga kung totoong mga kaibigan ni David ang bumugbog sa kaniya?


Is they a traitor to David?


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now