Chapter 60: Lucky Girl

43 2 0
                                    

Sabrina's POV


Namulat ako sa isang kuwarto. Hindi na ako magtataka dahil alam ko namang kuwarto ko ito.


Unti-unti akong bumangon, kaya lang ay biglang sumakit ang tagiliran ko.


"Aray..." nanghihina kong sambit. Tiningnan ko naman ang saksak sa aking tagiliran at naka-tahi na pala ito, at may cover pa sa  sugat ko.


Gagantihan ko talaga ang gang na yon. Ang The Trinity yon, naisahan ako. They are from lower rank, at naisahan ako? Aba! Hindi ako papayag... Gaganti ako sa kanila.


"Oh Sabrina, gising ka na pala." napatingin ako sa pintuan at bumungad ang nakangiting si David na may dalang tray na may pagkain at tubig. Kaya napangiti ako sa kaniya.


"Yeah, kakagising ko lang." sagot ko.


"Oh, kain ka na muna." sabay bigay niya sa isang mangkok. At chocolate flavor ng oatmeal iyon.


Tinanggap ko naman iyon dahil gutom na ako at isa pa favorite ko iyon.


"Thank you." sabi ko at nagsimulang sumubo ng oatmeal.


Umupo naman siya sa dulo ng kama at tinitingnan niya ako habang kumakain ako.


"Gusto mo ba?", tanong ko sa kaniya.


"No... Sa'yo lang yan." nagkibit-balikat lang ako at ipinagpatuloy ang pag-kain.


Napatingin naman ako sa kaniya habang may tina-type sa cellphone niya.


"May tanong ako..." then napatingin siya sa akin. "Bakit sa tuwing may sakit ako o may sugat lagi kang nandito sa tabi ko?"


Nag-isip muna siya.


"Siguro kasi... Ako yong nandito?", natawa ako sa isinagot niya. Nag-isip pa siya niyan ah?


"Sabi ko nga." at sabay kaming natawa.


Ewan ko ba... Wala namang nakakatawa pero sa tuwing nakikita kong tumatawa siya ay napapangiti na din ako.


Baliw na siguro ako. Hindi naman kasi ako ganito dati... Diba?


Pagkatapos kong kumain ay inaya ko siya sa basement ng bahay namin.


"Anong gagawin natin dito?", tanong niya.


"Maglalaro." sabay ngiti ko.


Inayos ko ang silencer na nakalapag sa mesa at pinasukan ng mga bala at sunod-sunod na ipinaputok doon sa kartong tao.


"Do you want to try?", tanong ko kay David. "Try mo." at ibinigay ko sa kaniya ang baril na nilagyan ko ng bala.


Tiningnan ko ang tinamaan niya at balikat lang iyon. Kaya nilapitan ko siya.


"Alam mo, kung gusto mong isapul sa ulo, mag-focus ka doon." at sunod-sunod pina-putok ang baril. "Just like love, if  you love that girl, just focus on her. Kahit maraming puwedeng pumalit sa kaniya." at nang tingnan ko siya ay naka-tingin na pala siya sa'kin.


"Tell me, who's the lucky girl?", tanong ko sa kaniya.


"Hah?"


"Tell me, who's the lucky girl?"


"About saan?", kunot-noong tanong niya.


"Ito naman... Pa-suspense pa, Nong new year, sumigaw ka ng inlove ka, so kanino ka naman inlove?"


"Pero, dare lang yon diba?", taka niyang tanong.


"Pero, gagawin mo naman yon kung totoo talaga yon diba?", tanong ko sa kaniya.


Natawa siya...


"Nasa tabi-tabi lang yon." at natawa siya.


"Siguro ang suwerte ng babaeng iyon." sabay ngiti ko. "Wag lang siyang magkaka-mali na iwan ka niya, isa kang malaking kawalan."


"Pero, ako yong nang-iwan sa kaniya?"


"Mahal mo pa ba?", tanong ko sa kaniya.


"Oo naman... Mahal na mahal..."


"Yon naman pala eh..." I gave a sigh and I gave a smile. "Edi ipaglaban mo."


"Paano ko ipaglalaban kung alam kong may bumalik at kukunin siya ulit?"


"Edi ipaglaban mo muna, kung hindi na puwede, edi learn to let go."


Then lumungkot siya bigla.


"Kung kayo, kayo talaga." sabay ngiti ko sa kaniya kaya napangiti na lang din siya.


Sino kaya yong babae na iyon?


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now