Chapter 14: Mommy

151 7 0
                                    

Sabrina's POV

"Ayon lang ba sinabi mo sa kanila?", tanong ko kay James.

"Oo... Nagtataka kasi sila kung bakit bigla kang nawala." sagot naman ni James. Nandito kami sa bahay nila. Wala si Tita, dagdag mo na din si Mommy na nandoon sa Los Angeles. Speaking of business... Sila na workaholic.

Nagtaka akong tiningnan siya.

"Oh? Anong mukha yan?", taas-kilay niyang tanong.

"Hindi ba nasabi ni David ang nangyari?", balik kong tanong.

"Bakit? Ano bang nangyari?"

"Tss... I saw him kissing with Aira. And you know what... Puma-ibabaw pa sa kaniya si David."

"Are you serious?", napatingin naman siya sa'kin.

"Tingin mo..." napa-upo ako sa couch. "Tss... May pasabi-sabi pa siyang mahal niya ako. Tapos makikita ko... Nakikipag-halikan kay Aira."

"Maybe he has a reason."

"What reason?", kumuha ako ng Nova chips.

"Eh kung tinanong mo... Bakit sa'kin?"

"Ayoko nga... Bahala siya diyan... Ano ako pa maga-adjust?", at inirapan ko siya.

"Edi wag..."

"Mag-sama silang dalawa. Wala akong paki." sabi ko. "Uuwi na nga ako... Wala ka namang kuwentang kausap."

"It's your choice... Kailan nga pala pasok niyo?"

"Sa 20 pa... Sa'yo?"

"Sa Monday..."

Tumango na lang ako sa kaniya at lumabas ng bahay. Pumara ako ng tricycle, yong kotse ko kasi, may sira. Isang tricycle lang naman ang pagitan ng subdivision namin at subdivision nila James.

Nang makarating ako sa harap ng subdivision namin ay ipinara ko na ang tricycle. Nagbayad ako at bumaba.

Naglakad na ako papasok at nakita ko ang karinderya nila David. Ewan ko ba, ang yaman naman na nila tapos may karinderya na, may tindahan pa. Kabog...

Pero, nong nakita ko silang nagha-halikan... Magsisinungaling ako kung hindi ako nasaktan. Mahal ko na siya eh... Pero, sinaktan niya ako. Just like what the fuck diba?!!

Tapos nong isang araw... Wala man lang nagsabi sa'kin na uuwi na pala sila Mommy. Nakita ko tuloy si David... Ayaw ko pa siyang makita sa ngayon... Pero tanong ko lang...

Kami pa nga ba o he was just playing on me?

"Ate Sab... Free ka ba mamaya?", bungad sa'kin ni Nicole, pinsan ni David.

"Oo naman... Bakit?", tanong ko sa kaniya. Umupo kami sa upuan, na katapat ng tindahan nila. Malapit na ang bahay namin kaya lang, ayoko lang umuwi... Napaka-bored...

"Samahan mo ko sa Computer Shop." tiningnan ko siya.

"Sige ba." sabi ko at nag-ngitian kaming dalawa.

"Ayan si Mommy oh... Kiss kay Mommy..." napatingin ako sa harap ko. At nakita ko si David na nakangiti na karga-karga ang isang tuta. Kina-karga niya yong tuta na para bang sanggol.

Tapos ano daw? Mommy... Sino naman si Daddy... At saka... Mukha ba akong aso? Aish.... Ano ba tong mga pinag-iisip ko... Galit ako sa kaniya diba?

"Ilayo mo nga sa'kin yan!", sabi ko... I have a phobia in dog.

Then, ang ginawa niya... Inilagay niya sa taas ng legs ko ang tuta... Just like...

"Ano ba!!! Ilayo mo yan!!!", at nagtalon-talon pa ako. Wala akong paki kung mag-mukha akong isip-bata dito. Tumatakbo ako pero sumu-sunod pa rin sa'kin ang tuta.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now