Chapter 43: The Truth

56 3 0
                                    

David's POV


Haay...


Nang makarating ako sa kuwarto ay hinagis ko ang bag ko at humilata sa kama. Sobrang traffic kasi kaya naglakad na lang kami pauwi.


Eh baka nga hanggang ngayon, hindi pa umuusad ang traffic.


It's almost 7:00 PM na at 5:00 dismissal namin. Grabe 2 hours kaming naglakad?!? Sabagay, kilos pagong kasi sila Potpot. Akala mo babae.


And speaking of babae. I badly want to see Sabrina para mawala ang pagod ko.


Biruin mo, isang linggo kaming hindi nagkita at isa pa hindi siya luma-labas ng bahay. Nagpapaka-madre siguro yon.

Bumangon ako at lumabas ng kuwarto. Nagugutom ako eh.


Pero bago pa man ako makababa ay may narinig akong nag-uusap sa kuwarto ni Mommy. Hindi naman ako chismoso pero parang may nagtutulak sa'king makinig.


Nakaawang kasi ang pinto kaya sumilip ako ng bahagya.


And I saw my Mom talking to Tita Luz, Sabrina's Mom.


"Mali ba ang ginawa ko Mars?", tanong ni Tita Luz.


"Sobrang mali Mars." sagot naman ni Mommy.


Anong maling nagawa?


Lahat ng gutom ko ay bigla na lang nawala. At napuno iyon ng kuryosidad. Anong maling nagawa?


"These past few days, laging umaalis si Sabrina. At umuuwing namamaga ang mata niya. Every time I ask her, she's just staring at me. Na para bang hindi niya ako kilala. Nararamdaman ko, lumalayo na ang loob ni Sabrina sa akin. After nong nangyari."


Laging umaalis? Umuuwing namamaga ang mata? Saan ba siya pumupunta?


May kinalaman kaya dito ang gang nila? May alam kaya dito si Ate Andrea?


"Kinausap mo na ba siya?", lungkot na tanong ni Mommy.


"Umiiling lang siya kapag tina-tanong ko." lungkot naman na sabi ni Tita.


"Eh bakit mo ba kasi sila pinag-hiwalay? We all know how much they love each other."


"Because I want to test their love. Gusto kong malaman kung gaano sila katatag. But your son gave up."


"Because you scared them. You threaten them. Teenagers pa rin sila. Mabilis matakot. At grabe ang pananakot mo. Lalong-lalo na kay Sabrina. That's why David learn to let go. Dahil ayaw niyang makita si Sabrina na nahihirapan... Na nasasaktan. They sacrifice their happiness just to obey you."


"I'm sorry. Hindi ko naman alam na magiging ganito siya eh. I need to solve this." sabi ni Tita.


"Sasamahan kita." at nagyakapan silang dalawa.


Bumalik ako sa kuwarto at umupo sa kama. At unti-unting nagsi-sink in sa akin ang lahat.


Did I hear it right? They're just testing our love?


Kung ganoon at gusto talaga ako ni Tita para kay Sabrina?


Tss... Bakit ba ako nakipag-break kay Sabrina? A wrong decision I made. Dapat hindi ako nagpatakot sa Mommy niya. Dapat lumaban ako.


Pero kasi naman... Grabe manakot yong Mommy niya.


One wrong move I made.


I'll do everything para bumalik sa akin si Sabrina.


Nag-online ako sa cellphone ko, hoping na naka-online si Sabrina.


I badly want to talk to her.


Lagi ko siyang china-chat pero ni isa ay wala man lang reply.

But now hindi na ako susuko.


Malaking kawalan ulit kapag pinakawalan ko pa siya.


Pero hindi naka-online si Sabrina.


But Ate Andrea chatted me.


Andrea: Kayo pa rin ba ni Stephanie?


Why would she ask that? Alam niya kaya yong usapan ni Mommy at ni Tita Luz?


David: Di na ate


Ako ang unang nanglamig. Kasi naman si Stephanie... Masyadong pakialamera... Kailangan eveytime, updated siya. Ano siya... Reporter. Tapos naging cold na din siya. Then days passed she broke up. And that's alright.


Andrea: Balik ka na ulit kay Sabrina


May kinalaman kaya ako sa pag-iyak ni Sabrina?


David: Ayoko


Ayoko munang may makaalam nito.


Andrea: Bakit naman?


David: Basta Ate.


Andrea: Wala ka na bang feelings sa kaniya?


David: Hindi ko alam ate


A liar...


God knows how much I love Sabrina.


I look at her account. At ang ganda niya pa din. Walang pinagbago.


I'm taking back, what's mine is mine!


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now