Chapter 41: Sweet Dreams

64 3 0
                                    

Sabrina's POV


Nandito kami sa rooftop ng bahay ni Mae.


"Hindi ko siya ma-contact." Sabi ni Andrea. Kanina niya pa kasi kino-contact ang pinsan niyang si Marvin.


I told them what happened to David last week. That's why she contacted that Marvin. But he's out of coverage by now.


"These past few days. I never saw Potpot and so as Joshua." sagot ko naman.


"May tinatago kaya sila?", tanong ni Rose kaya naptingin laming lahat sa kaniya.


"Kung meron man, ano naman yon?", tanong ni Andrea.


"Wait... Wait... Don't come with the conclusion." Sabi naman ni Lyn.


"Alam kaya 'to ni Stephanie?", biglang tanong ni Andrea.


"I guess hindi..." sagot agad ni Mae. "At sino namang matinong tao ang mamakla tapos sasabihin sa girlfriend niya diba?"


Sabagay, may point siya.


"Wait... Concern ka ba kay David?", and with that question, kunot-noo akong napatingin kay Lyn.


Is she serious about that? Naririnig niya ba ang sinasabi niya?


"Look... Hindi ka magkaka-ganiyan kapag hindi ka concern." at uminom siya ng juice.


"No, I'm not." sagot ko agad kaya napatingin silang lahat.


"Ows?", sabay taas niya ng kilay.


"Yeah... I'm sure of that. Besides, I'm his ex after all right?", explain ko.


"Okay... Fine."


Pumunta kami sa kuwarto ni Mae. Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa makatulog ako.


* * *


"Edwin?", napabangon ako dahil sa napanaginipan ko.


I saw Mae, Andrea, Lyn and Rose. Playing cards. But when I suddenly spoke thew walk towards me.


"Are you okay?", worried na tanong ni Lyn.


"He's in my dream. Edwin is in my dream. Pinakita niya sa'kin kung gaano kami masaya noon. Bago siya nawala na parang bula." at habol-habol ang hininga ko.


"Oh, tubig muna." sabay abot ni Mae.


"What does that mean?", tanong ni Lyn.


Napailing na lang ako sa tanong niya. Maski ako ay hindi ko din alam.


After two years, Edwin. Bakit ngayon ka lang nagparamdam?


"I need to go home." Sabi ko sabay bangon mula sa pagkakahiga.


"Hatid na kita." Sabi naman ni Mae kaya tumango na lang ako.


Bumaba naman agad ako sa kotse niya. Hinintay kong umalis muna ang kotse ni Mae bago ako pumasok sa sudvision namin.


Habang naglalakad ako ay biglang humangin ng malakas kaya napahawak ako sa braso ko.


Maya-maya ay may nakita akong isang lalaking naglalakad.


And si David pala iyon kaya umiwas ako ng tingin. Tss. Magkasalubong pa kami.


Nagkunwari na lang akong hindi siya nakita. Pumasok naman agad ako sa bahay at pumunta sa kusina, nagugutom na ako eh.

"Yaya, sila Kuya?", tanong ko.


"Ay Ma'am! Nakakagulat naman ho kayo." humarap ako sa kaniya. At base sa mukha niya ay gulat na gulat nga siya. Nasa left chest niya ang right hand niya na para bang naghahabol siya ng hininga. At kulang na lang ay kumanta siya ng National Anthem.


Naramdaman ko kasing may naglalakad sa likod ko. Kaya, tinanong ko. Malay ko ba kung magugulat siya.


"Nasa taas po silang lahat. Natutulog na, may mga appointments pa sila bukas." tumango na lang ako.


Sabagay, 10:00 PM na ng gabi ngayon. Ang haba kasi ng tinulog ko kanina kila Mae. Hindi din kasi ako ginising ng babaeng yon.


"Ma'am ako na po." sabay lapit niya sa'kin.


"Ako na po Yaya. Kumain ka na po ba?", tanong ko sa kaniya.


"Kakain na din po sana ngayon. Kaso, nandito po kayo eh. Kaya mamaya na lang ho ako." sabay kuha niya ng plato sa akin.


"No Yaya, maupo ka lang diyan at ako maghahain. Sabayan niyo na ako kumain."


"Naku Ma'am nakakahiya po. Wag na."


"Jusko Yaya. Wag ka nang mahiya. Maupo ka na diyan at ako ang maghahain."


"Ako na po maghahain Ma'am."


"As what I said earlier. Maupo ka lang diyan."


Pagkatapos kung kumuha ay kumain na kami ni Yaya. Nagkuwentuhan ng kung ano-ano.


"Yaya, si Mommy nga pala?", tanong ko.


"Nasa Pangasinan pa po. Kasama si Ma'am Arlene. At sa linggo pa po babalik." nagkibit-balikat lang ako.


"Ma'am may tanong po ako." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.


"Go on Yaya."


"Kayo pa din ba ni David?", napatigil ako sa tanong niya.


"Hindi na Yaya eh." and I fake a smile. "Can I ask you something?", ako naman ang magtatanong this time.


"Sige po Ma'am. Ano po yon?"


"Ano po ba ang ibig sabihin kapag napanaginipan mo ang isang tao?"


"Napaka-simple lamang po ng sagot diyan." sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya ng diretso. "Ang ibig sabihin lamang po niyan ay iniisip ka ng taong nasa panaginip mo. Nami-miss ka, kaya gusto ka niyang makita."


Napangiti na lang ako ng wala sa oras. So it means, Nami-miss ako ni Edwin? Kung ganoon, bakit pa siya nagtatago?


Pagkatapos naming kumain ay niligpit na ni Yaya ang mga pinag-kainan namin at ako naman ay inayos ko ang higaan ko.


Habang inayos ko ang higaan ko at biglang tumunog ang phone ko.


Hindi ko sana sasagutin iyon dahil unregistered number lamang iyon. Pero, dahil sa curiosity ko at baka importante Ito ay sinagot ko na lang din.


"It's me Sabrina... I'm back."


That voice...


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now