Prologue ❤️❤️

1.2K 21 2
                                    

Sabrina's POV



"Promise, mag-iingat ako." sabi niya.


"Bakit? Para saan?"


"Mag-iingat ako... Para tumagal tayo."


Ngumiti ako.


"Hintayin mo ko ah. Babalik ako sa April. Wag kang maghahanap ng iba ah. Ako lang dapat."


"Opo Baby. Babalik ka... Hihintayin kita."


"Babalik ako.... Two months na lang naman."


"I love you baby." sabi ko


"I love you too baby." Then we stared at the sky full of stars.


Bukas aalis na siya. Babalik na siya sa Pangasinan. Doon kasi siya nag-aaral. Kaya lang naman siya nandito ay dito niya isi-nelebrate ang New Year.


Pero hindi naman ako nag-aalala eh. Alam kong ako lang ang girlfriend niya. Kahit sa panandaliang panahon lang namin nakilala ang isa't-isa


Kaya lang naman kami naging close ay dahil sa pinsan niyang si Nicole. Tinanong daw niya kung ano ang pangalan ko. And sa mga araw na nandito si David ay niligawan niya ako. Kaya ngayong araw ay sinagot ko siya. And besides, legal kami both side.


Long distance relationship na ba ito?


* * *


Sumaya ako ng ipakilala ako sa mga kaibigan ni David. Feeling ko parang napaka-importante ko sa kaniya. Sa tuwing tumatawag siya... Pinapakiusap niya sakin yong ibang friend niya. Hahaha...


Pero lahat ng yon wala na...


This day ay nakipag-break ako sa kaniya. Ayoko na... Una may ki-nover siyang girl tapos may papuso-puso pa. Tapos sabi naman niya dare lang daw ng mga kaibigan niya. Eh kung ako kaya kung makipag-dare sa mga kaibigan kong lalaki.


Nagkaayos naman kami noon... Tapos dumating sa point na naiinis na naman ako sa kaniya. Hindi babae, kundi sa ML. Wala na siyang time sa akin. Kaya nakipag-break ako sa kaniya. Then one week after nakipag-balikan siya sakin. Then he said 'malapit na nga ako umuwi, doon ka lang susuko.'


Then ngayon, tinanong ko siya kung kailan siya uuwi kasi it's already April na. Actually, it's April 5. Gusto ko na siyang makita.


Chi-nat ko siya kung kailan ba siya uuwi. Tapos nireplyan naman niya ako ng...'sa linggo mahal'. Nagtaka ako kasi hindi naman mahal ang tawagan namin.


Tapos ang sabi niya... Wrong send daw yon. So, inaaamin niya nga na may mahal siyang iba. Tapos sabi niya mama niya daw yong mahal. Psh... Idadamay niya pa mama niya.


Then bago ko siya i-block... Nag-chat siya sa'kin na masyado daw akong selosa. Tss... Sabi pa naman niya iba siya sa lahat.


Yon pala Playboy.


Then bi-nlock ko siya. Mabuti na lang hindi ko siya masyadong minahal. Pinigilan ko ang puso kong mahulog sa kaniya. Dahil ayaw ko nang masaktan.


Tama lang naman ako diba?

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now