Chapter 53: Her True Identity

60 3 0
                                    

Sabrina's POV


Kanina ko pa hina-hanap si Mommy at kuya dito sa loob ng bahay pero wala talaga sila dito. Where the hell is them?


Bumaba ako sa hagdan at pumunta sa kusina. Itatanong ko na lang kila Yaya.


"Yaya... Sila kuya nga pala?", tanong ko.


"Umalis po yata eh." sagot niya. Umalis sila kuya? Sa company na naman, eh linggo ngayon ah? Hays...


"Eh si Mommy?", tanong ko ulit.


"Nasa restaurant po nila Ma'am Jackielyn."


Nagkibit-balikat naman ako. Bakit naman nandoon si Mommy sa kanila? Bagong kaibigan ba iyon ni Mommy? Haays.


Umakyat na lang ako sa kuwarto at humiga.


I still remember last day na nag-wala ako.


It was full of anger.


Galit ako... Galit ako sa kanilang lahat...


Kinuha ko ang phone ko at nang makuha ko iyon ay nagtataka ako bakit Samsung ang cellphone ko. Ang pagka-kaalam ko ay Huawei iyon.


Napabangon ako at binuksan ko ang lockscreen at kay David pala ito.


Nagpalit ako ng damit, nakita ko pa ang cellphone ko pero di ko na ginalaw iyon.


Lumabas ako ng bahay at pumunta sa restaurant nila David.


3:00 PM naman na ng hapon kaya hindi na masyadong mainit.


At dahil made of glass ang restaurant nila David ay nakita ko agad siya at nakaupo at may kung ano-anong tina-type sa laptop niya.


Hindi naman karamihan ang mga customer nila kaya pumasok na ako.


Nang maka-pasok ako ay tumunog ang wind chime kaya napatingin siya sa akin.


Nakakahiya... Itutuloy ko pa ba ito?


Nasa pintuan na ako eh malamang ituloy ko na ito.


Lumapit naman ako kay David at umupo sa tapat niya.


"Cellphone mo nga pala." sabay abot ko sa kaniya.


"Hay... Akala ko nawala na naman." sambit niya.


Napangiti na lang.


"About nga pala doon sa nangyari no'ng isang araw. I'm sorry, kalimutan mo na lang. Nadala lang ako ng galit." sabi ko.


"Anong nangyari? Is it about of your gang? Is there something wrong?


Nagulat ako sa tinanong niya? Paano niya nalaman?


Umiling lang ako.


"Sabrina... Tell me..." at hinawakan niya ang kamay ko. Pero iniwas ko iyon.


"No... Ayaw kitang madamay ulit."


"Hah?"


"Wala... I need to go." at lumabas ako ng restaurant.


And I saw Bryan. I suddenly smiled. Kasama pala siya nila kuya.


"Ui Bryan!", sigaw ko kaya napalingon siya sa akin.


"Ui Sab!", at lumapit siya at niyakap ako at niyakap ko din siya pabalik.


Na-mis ko ang kababata ko. Huling kita pa namin ay no'ng sophomore pa kami sa high school. Nasa province kasi sila nakatira while nandito kami sa Maynila.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now