Chapter 3: Kilala Mo Ako?

347 13 1
                                    

Sabrina's POV


"Wala na ba kayong nakalimutan?", tanong ni Mommy bago umakyat sa Van.


"Wala na po Tita. Ikaw Sab?", baling sa akin ni James.


"Wala na." sagot ko.


"Yong mga pinamili niyo kahapon sa mall, nilagay niyo na ba sa Van yon?", tanong naman ni Tita Arlene.


"Opo Tita, nilagay na po ni James kagabi pa." sagot ko.


"If that's the case. Then pumunta na tayong Pangasinan." Mommy said.


Si Mommy at Tita Arlene ang magkatabi sa unahan. At kaming dalawa ni James sa likod.

"Kung gusto niyo matulog na lang muna. Malayo-layo pa ang Pangasinan." sabi ni Tita Arlene.

Nagka-tinginan kami ni James at sabay na ngumisi. Kinuha ko ang cellphone ko at ang pillow na nilalagay sa leeg. Hindi ko kasi alam ang tawag doon eh. Hahaha... Ganoon din naman si James.

"Welcome to Mobile Legends! 5 seconds to re-enemy reaches the battlefield! Smash them! All troops deployed!"

Ayan... Bonding naming dalawa.

Nakalimang laro kami bago tumigil. Gutom na ako eh. Konti lang kinain ko kanina.

"Paabot nga ng Piattos." sabi ko kay James. Inabot naman niya sa akin iyon kaya nag-thank you ako at kinain iyon.

Pagkatapos kong kainin iyon ay natulog na lang ako. Mukhang malayo pa nga yata ang Pangasinan.

A little bit of excitement. Oo, excited ako. Hindi ko pa kasi napupuntahan ang Pangasinan.

Pagkarating kaya namin doon ay makikita ko siya? Hindi naman siguro masyadong malaki ang San Carlos.

* * *

"Sab, andito na tayo." panggi-gising ni James.

"Hmm?", kinusot ko pa ang mata ko.

"Andito na tayo. Bumaba ka na." tinanggal ko ang unan at nilagay ang shades ko. Mainit pa kasi at nang tingnan ko ang wrist watch ko ay 3:00 PM na. Gutom na ako. Kaya bumaba na ako.

"Sure ka?", tanong ko.

"Oo."

"Ang laki ah." isang bahay na hanggang third floor. At ang third floor ay rooftop.

"Naman... Mayaman yata sila." at natawa kami ni James.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Naka-tiles ang bahay at may malaking chandelier sa gitna. Sa may hagdan naman ay kahoy samantalang ay ang hawakan naman nito ay made of glass.

"Ahh... Ma'am... Sir tawag na po kayo ng mga Mommy niyo." biglang sulpot ng yaya.

"Ah... Sige." sagot ni James kaya pumunta kami sa dining area. Ang lakas kasi ng tawa nila Mommy.

"Oh... Years had already passed. At ngayon lang tayo nagkita ulit."

"Oo nga ate eh. Marami ba kayong pumunta dito?"

"No, yong iba nating kapatid nasa malayo. Kami lang ang pinaka-malapit."

"That's alright. At least naka-punta pa rin kayo."

Nang makarating kami sa dining area, ay nakita ko sila Mommy, si Tita at yong kausap nila Mommy, at isang lalaking kasing-edaran nila Mommy at isang lalaki na kasing-edaran lang namin ni James.

"Maupo na kayo." sabi ni Mommy at umupo kami sa katapat na silya nila Mommy. At tinanggal ko ang shades at ikinabit sa damit ko. Katabi ko yong lalaking kasing-edaran lang namin. Mukhang masungit, pero duh... Mas masungit ako.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now