Chapter 38.1: Sad Birthday

59 4 0
                                    

David's POV

Nasa karinderia ako ngayon. Ako pinag-bantay, haay ewan ko ba.

Ako pinag-bantay dahil inaayos ang karinderia. Gagawin na daw restaurant. Improving din ang business namin no?

May company na kami, may bangkong pagma-may-ari si Mommy, at hindi ko alam kung paano niya nama-manage nang sabay iyon. Dagdag mo pa na itong karinderia ay gagawin nang restaurant. Business nga naman.

Engineer dapat nagba-bantay nito eh. Anong kinalaman ko dito diba?

"I never expected na susunduin mo ko sa school."

"I promise to you before. Hahanapin kita kahit saan ka pa man magtago."

Napatingin ako sa dalawang taong nag-uusap. And I saw Sabrina with a guy na naka-akbay sa kaniya.

Boyfriend niya ba yan?

Tss. Ngumingisi pa yong lalaki. Akala mo guwapo, mukha namang aso.

Si Sabrina naman tawa nang tawa sa kaniya.

Tss. Sapakin ko kaya yong lalaking yan.

Eh bakit ganito ako maka-react? Ako nang-iwan diba?

Pero iniwan ko lang naman siya, dahil sa Mommy niya. Pero, that doesn't mean I don't love her anymore.

'Mahirap kalimutan nong taong minahal mo ng totoo at seryoso.'

Base pa lang sa tawa ni Sabrina. Natutuwa talaga siya doon sa lalaki.

Eh sino ba yan?

At saka anong pangako? Hahanapin niya si Sabrina kahit saan pa siya magtago? Gangster din ba siya?

"Dhie, are you still there?", rinig kong tanong ni Stephanie. She call me through messenger. Ayokong ibigay number ko eh. Di ko alam pero ayoko talaga.

"Call me later." I said.

"But dhie-" hindi ko na siya pinatapos magsalita at pinatay ang tawag. I turned off the data at inilapag ang cellphone sa mesa.

Tumingin ulit ako kila Sabrina at nakita kong binigyan siya ng bouquet of roses at may sinabi pa si Sabrina pero hindi ko na narinig.

Unti-unti na silang naglakad.

Sinundo pala nong lalaki si Sabrina sa university mila. Naka-uniform pa siya eh.

"Hi ate!", rinig kong sabi ni Ryza, kapatid ni Rafa which is ex ni Sabrina. Kaya napatingin ako sa kanila. At napatingin si Sabrina sa'kin  pero umiwas agad.

"Sino siya ate?", tanong ni Ryza, sino nga ba tong lalaking to?

Tumingin si Sabrina doon sa lalaki at magsasalita na sana nang biglang magsalita yong lalaki. Epal?

"She's my everything." Sabi nong lalaki sabay akbay kay Sabrina.

Unti-unti na akong naba-badtrip sa lalaking to eh.

Siniko naman siya sa tiyan ni Sabrina. Ayan buti nga sayo.

"Sige, una na kami ah." At umalis na sila. Kailangan talaga hawakan nong lalaki ang kamay ni Sabrina?

Boyfriend niya ba yon?

"Boyfriend niya ba yon?", tanong ni Joyce.

"Tss."

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now