Chapter 82: Ako Na Lang Kasi

45 1 0
                                    

Sabrina's POV


Habang nakatitig ako sa picture ni Edwin at ng kaklase kong si Rejen ay biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.


At iyong mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata ay kaagad na pinahid ko iyon.


Ayokong may nakakakita ng mga luha ko. Ayokong isipin nila na nasasaktan ako. Ayokong isipin nila na mabilis akong masaktan sa mga kaunting bagay. Ayokong makita nila na mahina ako pagdating sa ibang bagay.


I want them to see in me na matapang na ako. Na hindi ako mahina. Na hindi ako mabilis masaktan. Na hindi ako mabilis umiyak. All in all, bakit pa ako naging gangster, right? Kung mahina lang din naman pala ako.

Kaagad na binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at nakita kong nakatayo si Kuya Red na ngiting-ngiti habang hawak-hawak ang isang malaking box.


"Kuya?!?",  gulat kong tanong sabay yakap sa kaniya, kahit may nakapagitan sa amin na isang malaking box sa gitna.


"Hindi naman siguro halata na miss mo ako 'no?",  tanong ni kuya Red.


"Hindi naman kuya." Sagot ko sabay bitaw sa yakap. "Okay na ba ang sugat mo? Gumaling na ba?",  tanong ko.


"Oo naman. Kuya mo ata ito."


"Yabang." At tumawa kaming dalawa.


"Ano pala iyan kuya?",  tanong ko habang nakatingin sa malaking box na hawak-hawak niya.


"Ah ito? Para sa iyo." Kunot-noo naman akong napatingin sa box.


"Para sa akin? Ang laki naman nito? Ano bang laman nito?",  sunod-sunod kong tanong.


Instead na sagutin ako ni kuya Red ay pumasok siya sa kuwarto ko at nilagay niya ang malaking box sa kama ko.


"See for yourself. Pero mamaya mo na buksan, we're eating lunch." Sabay alis ni kuya Red.


Kunot-noo akong tiningnan ang isang malaking box. Kinatok-katok ko ang box pero wala namang babasagin kaya nagtataka ulit ako kung anong meron sa box na ito. Pero may fragile na nakasulat.

Just like what kuya Red told me ay mamaya ko na lang bubuksan iyon. Isa pa ay gutom na din ako. Kaya bumaba na ako at nakita ko silang masayang nagku-kuwentuhan.


Umupo na lamang ako at kumuha ng pagkain at nagsimulang kumain. Hindi ko pinansin ang pinag-uusapan at tahimik lamang akong kumakain.


Iniisip ko pa din kasi si Edwin at yong girlfriend niyang si Rejen.


Nakakagalit talaga silang dalawa. Kaibigan ko din si Rejen, alam noya na din na boyfriend ko noon si Edwin.


Pero bakit inahas niya? Talo-talo na ba kami ngayon?


Rejen's a good friend of mine, pero bakit niya ito ginawa sa akin.


Nakakainis, nakakagalit...


"Anong nangyari sa'yo Sabrina? Di ka na naawa sa food na tino-torture mo." Sabay tawa nilang lahat doon.


Imbis na mainis ako ay hindi ko na sila pinansin.


"Is there something wrong?",  tanong naman ni kuya Rex.


"Nothing." Bored kong sagot. "I'm finished." Sabi ko sabay tayo at lumabas ng bahay.


Lumabas ako at pumunta sa likod ng bahay namin. Diba nga isa itong subdivision, na may madaming puno. Akala mo ay gubat na. Pero bukid lang talaga siya.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now