Chapter 13: Surprise

165 5 0
                                    

David's POV

"Tol, balik kayo dito ah. Next summer, Tita, balik kayo ah."

"Of course, I promise dadalhin ko ang mga kuya ni Sabrina dito. And I'm sure, magkakasundo kayo no'n." sabi naman ni Tita Luz.

Nakakabakla man sabihin pero naluha si Maclen. Nag-group hug kaming tatlo. Hahaha.

Sila Tita naman ay nag-usap usap muna at nag-tanguan.

"Tara na... Madatnan pa tayo ng traffic." sabi ni Tita Arlene.

"Wag niyo ko kalimutang i-chat mga Tol ah."

"Oo ba." at sumakay na kami sa Van. Pinaandar naman agad iyon ni Kuya driver.

Tiningnan ko naman sa huling pagkakataon ang San Carlos. Mga puno, ang resort ni Maclen at iba pang mga magagandang alaalang nabuo namin ni Sabrina.

I never expected this everything. Parang kailan lang sinasabi ko pa kay Sabrina na ipapasyal ko siya dito sa tamang panahon. Pero, siya na mismo ang pumunta dito. I never expected na magiging kami ulit. I never expected everything.

Siguro, ganito ang buhay. Alam mong dadating, pero hindi mo alam kung kailan. Meron namang iba na kahit wala kang ginawa may nangyari.

Na-gets niyo ba? Ako kasi hindi.

"I'm sure, mami-miss mo 'tong lugar na ito." sambit ni Tita.

"Opo Tita."

"Saan ka pala mag-aaral this college?", tanong ni Tita Arlene.

"Sa Fatima University po, Tita."

"Eh, ano namang course mo?"

"Accountancy."

"Okay."

At sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang sign board na may na kasulatan na 'Thank You And Come Again.'

I promise, babalik ako dito.

"Bro, laro tayo." sabi ng katabi kong si James.

"Ng alin?", kunot-noo kong tanong.

"Ano pa ba? Edi Mobile Legends."

"Wala akong load." sabi ko.

"Hot-spot ka sakin dali." hinot-spot naman agad iyon at...

"Welcome to Mobile Legends! 5 seconds to re-enemy reaches the battlefield! Smash them! All troops deployed!"

"Naglalaro ka pala nito?", tanong ko.

"Oo naman. I teach Sabrina too."

"Ows?"

"Oo, nong pagpunta namin kila Maclen, naglalaro kami."

"Magaling ba siya?", tanong ko sabay tawa.

"Yeah... Mas Magaling pa sa nag-turo."

"Kahit kay Chou?"

"Yan ang ayaw niyang kalaban. Dagdag mo pa si Badang."

Nang matapos ang laro ay pumunta muna ako sa account ni BlackHole, name ni Sabrina sa ML. Grandmaster 1 na siya. At isang laro lang epic na siya.

100 MVP, 50 savage, 25 maniac, 13 triple kill, 6 double kill, and 100 first blood.

Score pa lang parang ang galing na nga niya compared sa'kin.

Pagkatapos naman niyon ay naglaro hanggang makarating kami sa Manila. Hindi naman traffic kaya tatlong oras lang ang biyahe.

Yong mukha ko, ito may galos pa din. Ano na lang sasabihin ko kay Mommy at pati kay Sabrina.

Bwesitttt kasi...

"Tara David, nandito na tayo." sabi ni Tita Luz.

"Bye bro." at kumaway sa'kin si James at umandar na palayo ang Van.

"Hindi ba sila nakatira dito Tita?", tanong ko.

"Sa kabilang subdivision pa sila. Oh sige na. Hinahanap ka na yata ng Mommy mo."

"Tita, thank you po ng marami."

"You're welcome hijo. Sige pasok na ako sa loob." at pumasok na siya sa loob ng bahay. Ako naman ay naglakad papunta sa bahay.

"Kuya David?", tanong ni Nicole, pinsan ko.

"Mommy, Tita, nandito na si Kuya David!", pumasok ako sa loob ng bahay at nagulat si Mommy.

"David? Ano nangyari sa mukha mo? Bakit ka may pasa?"

"Mom-"

"Napa-away ka ba sa Pangasinan? Nasaan ang Daddy mo? Bakit hindi mo kasama?", sunod-sunod na tanong ni Mommy.

"Mommy, Isa-isa lang." sabi ko.

"Okay."

"Wala akong kaaway sa Pangasinan. Si Daddy ang sumuntok sa akin." napakunot noo naman siya.

"Why did he do that?"

Ayokong mag- explain sa mga nangyari nong isang araw.

"Lasing... Family ni Sabrina ang naghatid sa akin dito."

"Nasa Pangasinan din sila?"

"Yes Mommy. Remember Tita Jen?", tumango naman si Mommy. "Kapatid siya ni Tita Luz."

"Ahh... Maybe, I should thank her."

"You should Mom."

Pumunta ako sa kuwarto at inilapag doon ang mga gamit ko. Pagkatapos ay bumaba ako at sinenyasan ko si Nicole na sumunod sa akin sa kusina.

Hindi naman nagtagal ay sumunod siya.

"Nasaan si Ate mo?", tanong ko habang nakasandal ang likod ko sa dulo ng lababo.

Kahit ate lang ang sabihin ko. Alam na niya nang si Sabrina iyon.

"Lagi siyang umaalis at umuuwi ng gabi. Not as 7:00 PM but it's 11 PM."

"Saan daw siya pumupunta?", tanong ko.

"Hindi niya sinasabi pero lagi siyang may kaaway sa phone."

Sino naman kaya yon?

"If you want to see her. Ikaw ang mag-bantay ng tindahan bukas around 9 or 10. Bumibili kasi siya ng Energen."

May mini-store kasi si Tita Joy, yong Mommy ni Nicole. Mayaman naman sila, pero gusto talaga nilang magkatindahan. Boring kasi at walang magawa kaya nagpagawa ng tindahan.

Tumango lang ako at umakyat na sa taas. Pumunta ako sa kuwarto. At humiga ako sa kama.

Nandito na ako sa Maynila. At kahit kapit-bahay ko pa si Sabrina, pakiramdam ko ang layo niya pa din sa'kin.

* * *

"Pabili nga." that voice... Sabrina.

"Ano?", tanong ko at sabay kaming napatingin. Nakita ko siyang parang nagulat. Nagulat ba siya nang makita ako?

Umiwas na lang siya. "Energen." at ibinigay ang pera niya. Binigay ko naman ang Energen. Kakausapin ko sana siya kaya lang umalis na.

Sino ba ang gustong makipag-usap sa lalaking nakipag-halikan sa ibang babae? Sa harap pa mismo ng girlfriend niya? . Maybe, yon yong reason kaya iniiwasan ako ni Sabrina.

Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Pero paano ko itatanong, kung iniiwasan niya ako?

Tss... Nagulat pa ako...

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now