Chapter 84: Bro

35 2 0
                                    

Sabrina's POV


"Hello students, I'm the teacher for this whole and last semester for this subject." rinig kong sabi ng teacher naming chinito. Tumingin lang ako sa labas ng bintana dahil ang boring ng subject na itinuturo niya.


Last period na namin ito kaya boring na. Ito namang si Mae ay akala mo nakikinig habang nakatingin sa chinito naming teacher. As far as I know, kabilang na naman ang chinitong ito sa crush list niya. And besides, maybe, nasa mid-20's na siya. Pero kahit chinito man siya, wala aking pakialam sa kaniya.


Maya-maya ay nag-ring na ang bell hudyat na dismiss na ang klase. Haays. Buti naman. Chinito nga siya, mukha naman siyang bakla magsalita. Tss. At halos lahat ata ng classmate kong babae ay may gusto sa chinitong iyon. Ano namang nagustuhan nila doon? Baka nga, lalaki pa ang hanap niyon eh.


"Ang guwapo niya 'no?", tanong ni Mae nang makalabas kami ng pinto ng room namin.


I just rolled my eyes. "Type mo?"


"Hindi. Crush ko lang."


Sira ba ulo nitong kausap ko? Ano ba pinagkaiba ng crush sa type?


"Ewan ko sa'yo." At pinandilatan niya ako. Aba, may pa ganoon siya?


"Bitter ka kasi." Sabi niya at inunahan niya akong naglakad.


Aba! Aba!


Kaagad naman akong sumunod kay Mae sa locker.


"Alam mo ikaw, gutom lang yan." At natawa kaming dalawa.


At dahil sabay-sabay naman kaming magbabarkada na nag-dismiss ay napagkasunduan naming tumambay sa rooftop nila Mae. Sakto at wala dito ang mga kapatid niya. Kaya walang manggugulo daw sa amin.


But before that, bumili si Rose ng dalawang tray ng itlog. Para saan ba iyon?


"Para saan yan? Gagawa ba tayo ng egg pie?",  tanong ni Lyn.


"Basta." Sagot naman ni Andrea.


Nagtinginan kaming tatlo dahil hindi namin maintindihan ang mga pinagsasabi ng dalawa.


Sila lang siguro ang magkaibigan.


Nang makarating kami ay kaagad na bumaba kami ng sasakyan ni Andrea. Inilapag naman namin sa couch ang mga dala naming bag. Si Rose at Andrea naman ay kaagad na nagtungong kusina dala-dala ang dalawang tray ng itlog.


"What the fuck are they even doing?",  tanong ko.


"Egg pie siguro." Sagot naman ni Lyn.


"Guys, una na kami sa rooftop ah." Hindi ko man sila narinig na sumagot ay umakyat na kami.


Maya-maya ay sumunod sila sa amin na may dalang isang pitsel na may lamang pinag-shake na itlog, tapos may limang maliliit na baso.


"Ano gagawin natin diyan?",  tanong ni Lyn pero hindi siya sumagot.


"Guys, hello? We're friends, we have a right to know what are you doing?",  tanong naman ni Mae. Pero still, wala pa ding sagot.


"So, we're playing Never Have I ever." Explain ni Rose.


"And this eggs, iinumin natin ito kapag hindi na tayo never."


"What? Are you kidding me?", taka kong tanong.


"Yes master." At ngumiti siya sa akin. "Don't worry guys, may asukal naman ito. So, okay na."


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now