Chapter 36: Feelings

55 4 0
                                    

Sabrina's POV

It's been days had passed. At umo-okay naman na din ang lahat. Pero, ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganoon kadali kung maghanap ng ibang babae si David? Hinanap ko naman ang babaeng yon na girlfriend niya sa Facebook.

And I saw her...

No offense sa girl ah. Pero mas maganda naman si Virgie dito. Yeah, I saw Virgie. Sa facebook nga lang.

And nalaman kong taga-Pangasinan pala siya at friends niya sila Jon.

But still, I don't fucking care.

Pauwi ako ngayon sa bahay. Wala lang gumala lang ako. Sobrang bored sa bahay. Naka-headset pa ako habang naglalakad.

🎵 He was rare, I was there

I remember it all too well

"Ano ba?!?", pasigaw kong tanong dahil muntikan na akong sagasaan ni David ng bike niya.

Ang lawak ng daanan sa kabila, dito pa siya dadaan at sumiksik pa sa gilid ko.

Nang malagpasan ko siya ay nag-salita siya.

"Excuse me."

What?!? Huli na ang excuse niya. Tss.

Naglakad na lang ako na parang walang nangyari.

Bakit ba siya ganiyan?

These past few days, sa tuwing nakikita ko siyang naka-tingin sa'kin, umiiwas siya agad. And maya-maya namumula ang tenga niya. Which only means kinikilig siya.

Posible kayang may feeling pa siya sa'kin?

* * *

"If that's the case, may feelings pa din siya sayo." sabi ni Lyn.

"Oo nga... Bakit naman siya magiging ganoon kung wala na siyang feelings sayo diba?!", tanong ni Mae.

"Malay mo, trip niya lang, diba?", tanong ko.

"Trip?! Eh muntikan ka na ngang sagasaan niya tapos sasabihin mo trip lang. Tss." galit na sabi ni Andrea.

"I'm telling you, may feelings pa talaga yan sayo." sabat ni Rose.

"Kung may feelings pa siya sa'kin, bakit ang bilis naman yata niyang makahanap ng iba? Imagine 2 days pa lang kaming break. May girlfriend na agad?!", tanong ko.

"Malay mo nga, rebound niya lang yon. And, malay mo, malay natin mahal ka pa rin niya." sagot ni Lyn.

"Haays. Alam kong magiging okay din ang lahat." sabi ko.

"Yeah... Everything's happen for a reason. Siguro, may reason bakit nagka-ganito ang lahat." sabi ni Andrea.

"For now, just enjoy life. Yong walang iniintinding iba."

"Yeah... Cheers to that." sabi ni Lyn at itinaas namin ang mga baso naming may lamang orange juice.

Kanina pa kami di-nissmiss pero ayaw pa naming umuwi. Besides, wala naman kaming pasok tomorrow kaya happy-happy na lang muna.

While we drink the orange juice I suddenly caught my eye a familiar face.

"Pogs?", I suddenly called.

Napatingin naman sila glass windows.

Maya-maya ay umalis na yong lalaki.

I'm not sure kung si Pogs nga ba talaga iyon.

"We have to go to underground." sabi ko at tumayo na at naglakad kaya sumunod na sila.

Ginamit namin ang kotse ni Andrea. Siyempre siya ang nag-drive.

"Sure ka bang si Pogs ang nakita mo?", tanong ni Lyn.

"Hindi ko alam. Pero kasi feeling ko siya yon."

"Eh diba, hindi na siya nagpapakita? Even his gang-mates ay hindi alam kung saan siya pumunta." sabi naman ni Andrea.

"Takot yata mabangasan eh. Hahaha." sabi ni Mae.

Kaya nagtawanan na lang kami.

New Romantics | CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin