Chapter 70: The Girl Who Broke Me

48 3 0
                                    

David's POV

Pagka-gising ko kinabukasan ay may benda na sa sugat ko na sinaksak kahapon. Dito na kami natulog sa bahay nila Sabrina. Di rin kasi ako makagalaw dahil medyo masakit pa.

Ganito ba ang sakit ng masaksak?

Ganito din ba ang naramdamang sakit dati ni Sabrina noong masaksak siya? O hindi, dahil sanay na siya?

Parang tinusok ako ng injection tapos baon na baon sa kaloob-looban ko.

Ang sakit talaga...

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Sabrina na may dalang tray na may lamang pagkain kaya napabangon ako ng dahan-dahan.

"Oh... Wag ka muna gumalaw-galaw." sabi niya sa akin at inabot niya sa akin ang isang mangkok na may lamang chocolate oatmeal.

"Thank you." sabay ngiti ko.

"Okay lang... Sa tuwing may nangyayari sa'kin, ikaw nag-aalaga sa'kin." at ngumiti siya. "Kaya, ito." at kumuha siya ng isang mangkok na may laman din na chocolate oatmeal at nagsimula siyang kumain.

Tititigan ko pa sana siya pero nagugutom na ako. At baka mailang pa siya sa akin. Kaya sumubo na lang din ako.

"Ano feeling ng masaksak?", tanong niya sa akin.

"Alam mo yong injection, tapos baon na baon pagkakatusok no'n." kuwento ko sa kaniya habang siya naman ay natatawa lang.

"First time mong masaksak?", natatawang tanong niya.

"Oo eh... Alam mo naman na hindi ako gangster." sagot ko.

"Sabagay." sabay subo niya ulit.

"Eh ikaw bakit ka napahiga doon? Kung hindi dahil sa akin, masasaksak ka na." sabi ko.

"Girl thing, every month. At saka, unang araw ko pa lang yon kaya sobrang sakit talaga." sabi niya.

"So, okay ka na ba?"

"Okay naman na.. After one week wala na din 'to." sagot niya.


"Bakit pala kailangan nila kayong patayin?", curious kong tanong.

"Kasi pinatay ni Tito Kobe ang kapatid ni Tito Romeo, and ayon, pinatay ni Tito Romeo si Tito Kobe. Kaya, pinatay namin si Tito Romeo, at ito tong nangyari." natawa siya bigla. "Masaya siya hindi ba?", tiningnan niya ako nang may ngisi sa kaniyang mga labi.

Bakit parang gusto pa ni Sabrina ang pangyayari?

Hindi ko na lang pinansin iyon at nagpatuloy sa pag-kain.

Hindi naman nagtagal ay natapos akong kumain.

Maybe, this is the right time to say this to her.

"Sabrina..." tawag ko.

"Yes?", habang kumakain. Ang bagal pala nito kumain.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba kay Sabrina ang totoo.

Pero paano kung hindi siya maniwala sa akin? Paano kung ayaw niyang tanggapin ako ulit sa buhay niya? Paano kung marinig ko na naman yong mga salitang ayaw kong marinig mula sa kaniya?

Paano na ako?

But I want to say this to her. I want her to know my feelings to her. I want to tell her na tinest lang kami ng magulang namin.

Kung ayaw niyang tanggapin iyon... At least sumugal ako hindi ba?

"Mahal kita... Mahal na mahal pa rin kita." diretsong sabi ko kaya napatigil siya sa pag-nguya.

"Did I heard it right? Mahal mo pa rin ako?", sabay tingin niya sa akin na punong-puno ng pagtataka.

"Oo... Mula noon hanggang ngayon ikaw lang... Walang nagbago."

"Mahal mo pa ako? Eh hindi ba girlfriend mo si Stephanie right after ng break up natin?"

"Sabrina... It was just a dare."

"Bakit? Bakit ka pa bumalik?", kunot-noo akong tumingin sa kaniya.

"What do you mean?"

"Hindi na kita mahal." sabay tayo niya.

"Bakit hindi na? Bakit hindi na ako?"

"Kasi hindi na ikaw... Matagal nang hindi ikaw!", sigaw niya sabay tingin sa bintana. Kaya napatayo na din ako

"Dahil ba bumalik na si Edwin? Yong hinintay mo ng taon?!", tanong ko pabalik pero hindi siya sumagot. "Sabrina sinabi sa akin lahat ni James. Ni minsan hindi mo ko minahal." sabi ko sa kaniya kaya napaharap siya sa sakin.

"What? Minahal kita... Noon. Pero hindi gaya ng pagmamahal ko kay Edwin! Noon... Nangako ka sa'kin na mahal na mahal mo ko. Pero anong ginawa mo, sinira mo lahat yon."

"Kasi yon yong gusto nila Mommy. And nalaman ko na lang na, sinusubok lang nila tayo."

"I don't fucking care anymore."

"Dahil ba kay Edwin kaya ayaw mo na sakin?", lungkot kong tanong.

"Oo... Mahal ko siya. At kung puwede lang, itigil mo na kung ano man 'to." sabay alis niya sa harap ko at niligpit ang kinainan namin.


Hindi ko alam pero napaluhod na lang ako. At any minute ay alam kong tutulo na ang luha ko.


"Sabrina please, ako na lang ulit. Gagawin ko lahat bumalik ka lang sa'kin. Ano bang meron sa kaniya na wala ako?"


"Mahal kita, pero hindi tayo puwede." at humarap siya sa'kin at nakita kung nagbabadya nang tumulo ang mga luha niya.


"Bakit? Bakit hindi? Bakit hindi tayo puwede?", at tumulo na din ang mga luha ko.


Pero imbis na sumagot siya ay itinayo niya ako at niyakap.


"I love you." bulong niya. "Sana maintindihan mo ko." at humiwalay na siya sa yakap. Ayoko pa sana siyang bitawan kasi ngayon ko na lang ulit siya nayakap. Pero siya na ang mismong umalis sa yakap na iyon.


Kinuha niya ang tray at binuksan ang pinto.


"Birthday nga pala ngayon ni Kuya Rex... Kung gusto mo pang kumain, bumaba ka na lang." at nang tingnan ko siya ay alam ko na ang tingin na iyon, dahil nakita ko na iyon noon.


Tingin na parang hindi niya ako kilala. Tingin na parang isang ordinaryong tao lang ako sa kaniya. Tingin na parang wala kaming pinagsamahan noon. At tingin na parang hindi niya ko minahal noon.


Umalis na siya at sinarado na ang pinto. Ako naman ay napaupo na lang sa dulo ng kama.


Ito na ba yong karma ko? Karma ko sa mga ginawa sa mga nakaraang girlfriend ko? Kung ganoon, bakit parang sobra naman yata?


Mas masakit pa ito kaysa sa saksak ko eh.



For the first time... I love her more than my life... And for the first time.. I've been in so much pain.


That's the girl who broke me...


Sabrina Fernandez....


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now