Chapter 12: Pictures

168 7 0
                                    

David's POV

Pinuntahan namin ang school ko pero pagdating namin doon ay wala yong adviser namin nong Senior. Sabi ng guard ay bukas daw ay sure nang nandito sa school.

Gusto ko nang pumunta sa Maynila. I want to talk to Sabrina... Personally. I want to know everything.

Chi-nek ko ulit kung may nakalimutan ba ako or wala. Pero wala naman, kaya bumaba ako ng kusina at kumuha ng orange juice sa refrigerator.

"Hi Babe." sabay sulpot ni Aira.

Tiningnan ko lang siya.

"I have something to give you." sabi niya. At may inabot siya sa'king sobre.

"Anong gagawin ko diyan?", kunot-noo kong tanong. Wala akong panahon buksan ang sobre.

"Once you open it... You will be surprised." at ngumiti siya.

Kinuha ko ang sobre at kinuha ang laman.

Napatigil ako sa nakita ko. Sabrina's kissing Mike. This is so impossible.

"That's fake." at pinunit ko ang picture.

"That's the truth, babe. After you, si Mike naman. Baka ang sunod mga kaibigan mo na. She's a slut."

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya ng sobrang higpit.

"Don't call her a slut. You don't know about her." matigas na sabi ko.

"Ano ba David! Nasasaktan ako."

"Diba sabi ko sayo break na tayo. Bakit ka pa nandito? Wag ka na magpapakita sa'kin kahit kailan!", sigaw ko.

"David, alam kong hindi mo gagawin yan."

"Gagawin ko."

"David please gagawin ko lahat. Wag ka lang makipag-hiwalay sa akin." pagmama-kaawa niya at bigla siyang lumuhod.

"Gagawin mo lahat? Iwan mo ko. Hindi kita gusto, at lalong hindi kita mahal. Si Sabrina lang ang mahal ko. At hindi mo mahihigitan yon." sabi ko at humagulgol na siya. At biglang bumukas ang pinto, at nakita ko si Daddy.

Lumapit naman agad si Daddy kay Aira at itinayo ito.

"David ano ba?!? Bakit mo pinapaiyak si Aira." tiningnan ko lang silang dalawa.

"Tss." sabi ko at paakyat na sana ng hagdan ng bigla akong suntukin ni Daddy sa buong mukha kaya napaghiga ako sa sahig.

"Tito, tama na po. Please." bumangon ako at nagdire-diretsong pumunta sa kuwarto at padabog na sinarado ang pinto.

* Kriiiiing Kriiiiing *

(Hello David... Nandito na kami sa likod ng bahay niyo.) rinig kong sabi ni James.

Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ko at nakita kong wala na sila Dad. Kaya kinuha ko na ang bag ko. At nagdire-diretsong pumunta sa back door. Pagkarating ko naman doon ay hinagis ko na ang mga gamit ko palabas. At ako naman ang tumalon palabas.

"David? Ano nangyari sa mukha mo?", tanong ni Maclen.

"Napaaway ka? Gusto mo resbakan na natin?", tanong naman ni James.

"Explain ko mamaya kapag naka-alis na tayo dito." pumasok kami sa Van at nag-drive naman na si James.

"So, ano nga nangyari sa mukha mo?", tanong ni Maclen.

"Tss... Sinuntok ako ni Daddy."

"Bakit daw?"

"Nakikipag-hiwalay na kasi ako kay Aira eh ayaw niya kaya ayon umiiyak. Tapos biglang dumating si Daddy ayon sinuntok ako."

"Child abuse yan dude. Sumbong mo sa LTFRB." sabi naman ni Maclen.

"Gago!!! Bantay bata 163 yon." sabi naman ni James.

"Ewan ko sa inyo..." hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa bahay nila Maclen.

Bumaba ako samantalang si James at Maclen naman ay kinuha ang gamit ko.. Sila na lang daw ang magdadala ng gamit ko. Tapos ilalagay na lang daw nila sa kuwarto dati ni Sabrina.

Mga siraulo talaga.

"David? Bakit ganyan ang mukha mo? Napaaway ka ba?", tanong ni Tita Luz.

Nagkatinginan kami nila James at Maclen.

"Opo eh... Hahaha."

"Halika gamotin na natin yan. Ang daming pasa ng mukha mo oh. Jusko..." at ginamot nga ito ni Tita.

Wala na ako dito bukas...

* * *

Sabrina's POV

(Hi Sabrina. What's up?) masayang bati ni Mark.

"Bakit mo sinabi sa kaniya ang tungkol kay Edwin?", tanong ko.

(Hindi ko naman sana sasabihin yon eh... But I promised you aayusin ko 'to."

"Paano mo aayusin? Ginulo mo lang lalo."

(Paanong magulo?)

"Tss... Wag mo nang ayusin... Wala kang kuwentang kaibigan." nasabi ko na lang dahil sa galit.

(Sabrina, ano na naman ba' to?)

"We're not friends anymore."

(Are you kidding?!? Sasayangin mo yong apat na taon nating pagkakaibigan para lang doon sa lalaking iyon? He's not worth it Sabrina.)

"Pogs... Mahal ko na siya."

(Edi ako ang aayos nito.)

"Starting this day ayaw na kitang makita. Hindi na din kita kaibigan."

Bago pa siya makasagot ay pinatay ko na ang tawag.

"Ano nang plano mo ngayon?", tanong ni Mae.

"Wala pa naman tayong pasok... Siguro sa bahay na lang muna ako magi-stay. I know, this week makakauwi na sila David."

"What do you mean?", kunot-noong tanong ni Andrea.

"Hindi muna ako magpapakita sa kaniya." sagot ko

"That's impossible. Iisa lang ang compound niyo... Tapos isang bahay lang ang pagitan niyo." sabi naman ni Lyn.

"Gagawa ako ng paraan para hindi ko siya makita. And besides, papasok din agad siya sa isang university. Kaya imposibleng magkita kami."

"Sana lang mag-tagumpay ka."

"I will." at umalis na ako sa lugar nila Mae. May dala naman akong kotse kaya uuwi na ako. Kulang pa ang tulog ko.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now