Chapter 64: The Heiress

46 2 0
                                    

Sabrina's POV

"Kapag nag-sawa si Sabrina sa pagpu-pulis niya, ay ipapamana ko ito sa kaniya." paliwanag ni Tita Luz.

"At kapag kayo ang nagkatuluyan, kayo ang magma-manage ng company na ito." dugtong ni Mommy.

Kunot-noo akong tumingin kay Mommy dahil sa mga sinabi niya. Kami ang magkatuluyan? Kami naman talaga diba kahit nandiyan si Edwin at kahit may bumalik man.

"Ano ka ba mare, sila talaga niyan." at natawa ako sa kanilamg dalawa.

Nilibot pa namin ang buong building. Hindi sumama si Sabrina dahil wala daw itong hilig sa business at mga company.

Kung walang hilig... Bakit pa ipapamana kay Sabrina? Puwede namang ipapamana na lang sa kuya niya diba?

Kaya ba sasamahan ko siyang mag-manage nitong company? Aba! Baka kapag itanong ko sa kaniya about sa pera ay bigla niya akong tutukan ng baril. Pero, alam kong di niya gagawin yon. Mahal niya ako eh...

Sana...

"David, narinig mo ba ako?", tanong ni Mommy.

"Hah?", taka kong tanong. Nag-iisip na naman siguro ako ng mga bagay-bagay.

"Ano na naman bang iniisip mo?", tanong ni Mommy.

"Wag mo na itanong mare... Si Sabrina na naman iniisip niyan." at naghagikhikan sila sa gilid. Mas kinikilig pa sa akin. Akala ko nga teenagers pa. Sus.

"May pasok ka na ngayon hindi ba? Pumasok ka na at baka na-late ka pa." tumango lang ako kay Mommy at nagmano sa kanilang dalawa at umalis na doon sa company.

Nakarating naman ako kaagad sa University namin dahil wala namang traffic. After kong mai-park ang kotse ko ay bumaba na din ako. Maglalakad na sana ako nang makita ko si Sabrina at si Edwin, nagtatawanan sila. Hawak pa ni Edwin ang mga gamit niya.


Napakunot-noo ako dahil akala ko ba ay galit si Sabrina kay Edwin? Pero bakit kasama niya ngayon? Bakit nagtatawanan sila? Bakit hawak-hawak ni Edwin ang mga gamit niya?


Nakakapanlumong tingnan... Nakakapang-hina ng loob.


Nang maka-alis ang kotse nila ay naupo na lang ako sa gilid ng kotse ko. Wala naman sigurong maka-kita sa'kin kung magmu-mukmok ako dito.


Nasasaktan ako... Ang sakit... Sobrang sakit. Tipong tinu-tusok ang bawat parte ng aking puso ko. Sobrang sakit na makita silang nagtatawanan... Samantalang no'ng kami pa ay di ko man lang siya napatawa ng ganoon.


Ayoko mang tawagin na bakla ay hindi ko mapigilang hindi mapaiyak doon sa nakita ko.


Ang sakit lang kasi... Nagawa ng ibang tao na pangitiin at patawanin si Sabrina. Samantalang ako ay hindi.


Akala ko ay okay na kami nong tinawag niya akong baby. Gagawa na sana ako ng move pero ano tong nakita ko?


Hindi ko na ba mababawi si Sabrina?


Pinahid ko ang mga luha ko at sumakay sa kotse ko. At nag-drive paalis ng University. Ayoko nang pumasok.


Nakaka-walang gana na...


Alam kong isang tao lang ang makaka-intindi sa akin.


* * *


Sabrina's POV


"Sabrina, si Edwin nasa labas na naman ng room." bulong sa akin ni Mae.


Napa-roll eyes na lang ako dahil for the 10th time ay nandiyan na naman siya sa labas.


Niligpit ko ang mga gamit ko. Dismissal na kasi namin ngayon.


Haays. Hindi ba siya napapagod sa kaka-punta dito? Kung hindi siya napapagod, ako yong napapagod sa tuwing nakikita ko siya sa loob ng room namin. Hindi ba siya naaasiwa sa mukha ko? Kasi ako, oo, dati pa. Iniignore ko naman siya. Nire-reject lagi... Pero hindi pa din siya tumi-tigil.


Lumabas na sila Mae at Rose kaya napabuntong-hininga na lang ako at sumunod sa kanila.


Nakita ko pa sa gilid ng mata ko si Edwin na nakangiti sa akin. Pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at inisip na wala siya.


"Sabrina... Ui, mamansin ka naman." sabi niya sa likod ko. Pero hindi ko pa din siya pinansin. "Ui Love..." napahinto ako sa isinambit niya.


Love... For almost 2 years, may tumawag ulit sa akin niyan. May tumawag ulit sa akin ng ganiyan. Love... Na-miss Kong may tumawag sa akin ng ganiyan. Na-miss kong tawagin niya akong ganiyan.


Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang pinaka-cute niyan smile.


Gusto ko siyang yakapin... Gusto kong sabihin kung gaano ko siya katagal hinintay... Gusto kong gaano ko siya kamahal...


Bakit pagdating sa kaniya ang hina ko? Bakit pagdating sa kaniya ay hindi ko kayang hindi siya kausapin? Bakit pagdating sa kaniya ay konting pa-cute niya lang ay napapasaya niya ako kahit dalawang taon akong nag-hintay sa kaniya?


Ganito ba talaga ang totoong nagmamahal?


Pero ayoko... Ayokong ipakita sa kaniya na mahal ko pa siya. Ayokong ipakita sa kaniya na nami-miss ko na siya. Gusto kong maranasan niya ang naranasan ko habang hini-hintay ko siya. Gusto kong maranasan niya ang mga nangyari sa akin noon. Gusto ko siyang magsisi sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin.


"Anong kailangan mo?", blankong tanong sa kaniya.


"Sumama ka na sa'kin.... Please?", sabay pa cute na naman niya.


"Bakit naman ako sasama sa'yo?", tanong ko na naman sa kaniya.


"Please Sabrina..." at napalaki na lang ang mata ko nang bigla siya lumuhod. At hinawakan ang mga kamay ko.


Ano ba tong mga pinaggagagawa niya? Hindi ba siya nahihiya? Ang dami nang tao sa paligid namin... Naka-palibot pa.


"Sabrina sa loob ng dalawang taon, nangulila ako sa'yo." at sumeryoso ang mukha niya. "Gusto ko nang bumalik sa'yo pero alam kong hindi pa puwede."


Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? May nangyari ba sa kaniya nang hindi ko nalalaman?


"Habang nasa States kami... Iniisip ko kung anong ginagawa mo ngayon, Iniisip ko kung kumain ka na ba. Iniisip ko kung... ako pa rin ba." malungkot niyang sabi.


"Tumayo ka nga diyan... Hindi ka ba nahihiya, ang daming tao oh." sabi ko sa kaniya.


"Sumama ka na sa'kin, please?"


"Tumayo ka na." sabay iwas ko ng tingin sa kaniya.


"Hindi ako tatayo hanggat hindi mo sinasabing oo." sabi niya.


"Ate umoo ka na... Sayang si papa... Kung ayaw mo akin lang!", rinig kong sigaw ng isang bakla.


Wala eh... No choice.


"Oo na... Sasama na ako." bigla naman siyang ngumiti na akala mo ay binilhan siya ng candy.


"Nakita niyo yon... Makikipag-date na siya sa'kin!", nabigla ako sa pagsigaw niyang iyon sa harap ng mga students.


Humarap naman ako sa kanila Mae at Rose bago pa man ako magsalita ay tumango na agad sila kaya napatango na lang din ako.


Maya-maya ay nakuha na pala ni Edwin ang gamit ko at papunta kami sa parking lot.


Pinauna niya ako at pinaandar niya ito kaagad at pumunta sa kung saanmang date.


May tiwala naman ako kay Edwin... Alam kong hindi siya gagawa ng ikakasama ko.


New Romantics | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon