Chapter 51: Truths

49 3 0
                                    

Sabrina's POV


Palabas ako ng subdivision dahil susunduin daw ako ni James dahil pupunta daw kami ng mall at mamimili pa kami ng mga regalo. Ilang araw na lang kasi ay pasko na.


Pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita kung nasaan talaga si Edwin. Minsanan na din ako kumain. Mailap pa din ako kay Mommy. And I don't fucking care kung magpa-pasko pa.


Kakatapos lang ng underground battle at puma-pangalawa si James sa ranking ng pinaka-malakas na gang.


Yong gang ko naman ay nangunguna pa din. Nothing is change.


Nasa tapat ako ng tindahan nila David and I saw him there na naglalaro ng Mobile Legend.


Nang tumingin ako sa harap at nakita ko si Ivan.


"Ivan?!", gulat kong tanong.


Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?


"Hi there beautiful." at napa-atras ako. Siya naman ay unti-unting lumapit sa akin.


"Anong gina-gawa mo dito?", galit kong tanong.


"Easy..." at ngumiti siya kaya napakunot-noo ako lalo.


Napatigil ako sa pag-atras nang may humawak sa leeg ko at tinakpan ang ilong ko.


Anong ibig sabihin nito? Bakit nila ito gina-gawa?


And within a seconds...


Everything went black.


David's POV


"Uwi na ako. Maglalaro pa ako ng Mobile Legends." sabi ni Potpot.


"Sige lang." sagot ko.


"Ikaw hindi ka maglalaro? End season na mamaya." at napatingin naman ako sa kaniya.


"Seryoso?"


"Oo nga. Alis na ako."


Walang ano-ano ay kinuha ko ang cellphone ni Lola at doon naglaro. Ino-pen ko ang account ko dito sa Mobile Legends. Eh diba nga, na-isnatch ang phone ko?


Mamatay na sana kumuha no'n.


Wala pa kaming isang taon no'n. Kinuha na agad.


Wala bang pambili ng cellphone yong mga yon?


Malamang mangi-isnatch ba yon kung may cellphone sila.


Ewan ko sayo David. Nababaliw ka na naman.


"Ivan?", napatingin ako sa kanan kk at nakita ko si Sabrina.


"Hi there beautiful." sabay pa-cute nong Ivan.


Akin lang yan uy... Wag mong landiin.


"Anong gina-gawa mo dito?", kinakabahang tanong ni Sabrina.


Tumingin ako sa Ivan at naaalala ko siya.


Siya yong pinuntahan ni Sabrina sa Valdez.


"Easy..." at ngumiti si Ivan, si Sabrina naman at patuloy sa pag-atras.


Bakas sa mukha ni Sabrina na takot na takot siya.


Pero alam kong kaya niyang patumbahin yang Ivan na iyan.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now