Chapter 55: Christmas Eve

50 3 0
                                    

Sabrina's POV


After i-park ni James ang kotse niya sa parking lot ay bumaba na kami. Wala kasing mapag-parkingan sa tapat ng bahay dahil medyo maliit lang ang space. At saka hindi naman ito maka-carnap dahil isa itong private subdivision na pagmamay-ari nila David at isa pa may guard namang nagbabantay. Kapag alam niyang hindi taga-rito ay hindi niya pinapa-pasok.


"May disco pala sa inyo." di makapaniwalang sabi ni James.


Napatingin naman ako sa tini-tingnan niya.


"Siyempre naman 'no. Hahaha." nasabi ko na lang.


"Mabigat ba? Ako na magdala niyan." sabi ni James sa akin.


"No need... Kaya ko naman." sabi ko. May dala kasi akong tatlong malaking square na cake na binili ni James sa red ribbon. Sabi kasi ni Mommy ay bumili daw ng cakes. Di naman sinabi kung ilan.


Yong mga tao kasi dito ay nagka-isa na magsama-samang maghanda para sa pasko at sa new year. Kaya ayon, napunta kay Mommy ay salad at Cakes, kaya ito, bumili kami.


At ito namang si James, dito sa amin magpa-pasko at bagong taon. Si Tita Arlene kasi ay nauwi ng probinsya dahil may kailangan gawin sa business, si Tito naman ay maysakit. Pero nasa bahay namin siya ngayon.


Nang marating namin ang tapat ng bahay namin ay nakita kong maraming nag-aayos para mamaya sa pasko. May nag-aayos ng disco ball, may naghahanda para sa palaro, may naghahanda ng pagkain, at sila Mommy naman ay inaayos ang mga reqalo. Sila Mommy kasi ay may exchanging gift. Kaya ayon.


"Nandito na pala kayo." napatingin ako sa babaeng nagsalita sa harap ko.


Si Tita Jack... Mommy ni David.


"Opo... Kakarating lang din ho namin." sagot ni James dahil hindi ko siya magawang sagutin. Hindi ko alam kung bakit.. Siguro dahil sa nangyari noon... Noong naging kami pa ni David.


"Tulungan na kita iha." napangiti na lang ako bilang tugon. Si James kasi ay apat na malalaking plastic ang dala. Groceries kumbaga pero ang laman lang no'n ay iba't-ibang klase ng candies. Mga ipe-premyo sa mga mananalo mamaya.


Inayos naman ni Tita Jack ang mga iyon.


"Oh... Nandito na pala kayo. Gusto niyo bang kumain? Anong gusto niyo?", biglang salita naman ni Mommy habang pinapanood kong ayusin ang mga dala namin kanina.


"Salad na lang ho sa'kin Tita." sabi ni James sabay upo sa gilid.


"Sa'yo Sabrina?", tanong naman ni Mommy sa akin.


"Salad na lang din Mommy." diretsong sabi ko. "Magpapalit lang ako." hindi ko na hinintay pang sumagot. Pumasok na ako sa loob ng bahay.


These days, napapansin kong nagiging malamig na ako kay Mommy ulit. Ewan ko ba, siguro dahil kay David. Pero hindi naman masyadong big deal ang kay David. Ewan ko ba, hindi ko lang kayang makipag-usap kay Mommy lalo pa't siya ang dahilan ng paghihiwalayan namin ni David noon.


Pumasok ako sa kuwarto at kumuha ng isang shorts at isang red na t-shirt. Nag-bihis naman agad ako dahil itanggi ko man ay nagugutom na ako at isa pa, malapit nang mag-10 PM. Natagalan kami sa groceries dahil ang haba ng pila.


Bumaba na ako ng hagdanan at lumabas ng bahay. At nakita kong may ka-text si James. Kaya umupo ako sa harap niya.


"Sino ka-text mo?", bungad kong tanong.


"Si Mommy lang... Nagtatanong kamusta kaming dalawa dito ni Daddy." sagot niya kaya nagkibit-balikat na lang ako. At sinimulang kainin ang fruit salad na bigay ni Mommy.


"Ikaw..." napatingin ako sa kaniya. Napakunot-noo naman ako.


"Anong ako?", taka kong tanong.


"Natitiis mong ganiyanin ang Mommy mo?"


Napahinga naman ako ng malalim.


"Ewan ko ba bakit ganoon."


"Is it because of David?"


"No... It's just parang ayaw ko siyang kausapin like that."


"Okay... May tiwala naman ako sa'yo eh." napangiti na lamang ako sa kaniya. Sabay naman kaming napabalik sa pagkain.


We're all bored
We're all so tired of everything


Napatingin ako sa speaker. Bakit ganiyan? Sa lahat ng kanta, bakit ganiyan?


Trip na naman ba nila ako?


We wait for Trains that just aren't coming
We show off Our different scarlet letters
Trust me, mine is better


We're so young
But we're on the road to ruin
We play dumb
But we know exactly what we're doing
We cry tears
Of mascara in the bathroom
Honey, life is just a classroom


Tumayo na ako.


"Bakit?"


"Nawalan na ako ng gana." at naglakad na ako.


"Ahh." Di ko na lang siya pinansin.


'Cause, baby, I could build a castle
Out of all the bricks they threw at me
And every day is like a battle
But every night with us is like a dream


Bubuksan ko na sana ang pinto nang may tumawag sa pangalan ko.


"Oh bakit?", tanong ko kay Nicole.


"Ate, regalo ko nga pala at ni Mary sa'yo." at binigay niya sa akin ang dalawang naka-balot sa Christmas wrapper.


"Ah thank you." sabi ko sabay ngiti. "Sige papasok na ako."


"Ate di ka magsi-celebrate dito?", tanong niya.


"Hindi na siguro... Pagod ako eh.. Matutulog na muna ako. Pasko pa rin naman bukas eh." tumango naman siya. "Merry Christmas... Thank you ulit dito."


"You're welcome ate... And merry Christmas." ngumiti na din ako.


Umalis na siya kaya tiningnan ko ang mga tao. Ang saya-saya nila.


Baby, we're the new romantics
Come on, come along with me
Heart break is the national anthem
We sing it proudly
We are too busy dancing
So get knocked off our feet
Baby, we're the new romantics
The best people in life are free


Eh ako? Hanggang kailan magiging ganito?


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now