Chapter 59: Boy's Talk

44 2 0
                                    

David's POV


Nang mawalan ng malay si Sabrina ay dinala ko kaagad siya sa kaniyang kuwarto at inihiga.


Hindi ko alam kung babantayan ko lang ba si Sabrina o kakatukin ang mga kuya at Mommy niya sa kabilang kuwarto. Pero, ang pagkakaalam ko ay wala dito ang Mommy niya, magkasama sila ni Mommy, at hindi ko alam kung saan sila napunta.


Kung babantayan ko lang naman si Sabrina at wala akong gagawin ay baka mamatay lang siya... Mamatay ang taong mahal ko. At ayaw kong mangyari iyon. Kanina pa kasi nagsisilabasan ang dugo ni Sabrina sa tagiliran niya. Ano ba kasi ang ginawa niya? Saan sila nanggaling ni James?


Ganito ba talaga ang buhay niya? Buhay ng pagiging gangster? Laging umuuwing may saksak o may sugat? Simula ba bata siya ay gangster na siya? Natitiis niya ba itong lahat?


Una kong kinatok ang katapat na pinto. Pero nakakailang katok na ako ay wala pa ding suma-sagot, sunod kong kinatok ang pangalawang pinto. Tulog na ba ang mga kuya niya ngayon? 10 PM na kasi ng gabi.


"Manang, bakit?", tanong nong nasa loob.


"Kuya, ako 'to si David." sagot ko.


"Bakit David?", base pa lang sa boses ay si Kuya Rex iyon, sabay bukas niya sa pinto. Kakatapos niya lang maligo.


"Kuya kasi si Sabrina..." napakunot-noo siya.


"Anong nangyari kay Sabrina?"


"Kuya... Kasi si Sabrina... Nasaksak." nagulat siya sa sinabi ko.


"Nasaan siya ngayon?", agad niyang tanong.


"Nasa kuwarto niya, naka-pikit."


"Hah?!? Oh sige, pagising na lang kay Lei... Tatawag lang ako sa doktor." at bumalik siya sa loob. Ako naman ay pumunta sa kabilang pinto at kinatok iyon.


"Kuya!", tawag ko.


Walang suma-sagot. Pero may bunukas at nandoon si kuya Lei.


"Oh David... Anong ginagawa mo dito? Gabi na." bungad niya.


"Kuya si Sabrina..."


"Hah? Anong nangyari kay Sabrina?", tanong niya.


"Nasaksak na naman siya." at umalis na ako sa harap niya kaya sumunod siya sa'kin. Pumasok kami sa kuwarto ni Sabrina at nakita ko siyang naka-pikit habang nakahawak sa sugat niya.


Kung wala siyang sugat ay iisipin kong mapayapa siyang natutulog. Ang cute niya pang matulog.


"Nasaan ang pasyenteng may saksak?", rinig naming tanong sa labas ng isang lalaki.


"Nandito ho Dok." sagot naman ni Kuya Lei.


At maya-maya ay may pumasok sa kuwarto na doktor at tatlong nurse, kasama si James.


"Mga ginoo, maari bang sa labas na lang kayo mag-hintay?", matalinhaga niyang tanong. Tumango naman kaming lahat. At isa-isa kaming lumabas ng kuwarto.


Sila kuya Lei at kuya Rex ay pumunta na muna sa kuwarto samantalang kami naman ni James ay pumunta sa dining table.


"Ano gusto mong kainin?", tanong sa akin ni James.


"Busog pa ako eh... Kape na lang." sagot ko kaya naghintay na lang ako sa kape na ititimpla niya.


"Bumalik na siya..." napatingin naman ako sa kaniya. Sino ang bumalik?


"Si Edwin... Bumalik na siya."


Edwin? Ayon yong ex ni Sabrina diba? Eh ano naman kung bumalik siya?


"And I know that he wants Sabrina to be back in his life." napakunot naman ako ng noo.


Did I heard him right? No, Sabrina only mine. Only mine.


"Kaya sana, bantayan mong mabuti si Sabrina." napatango naman ako sa kaniya. "Ngayong malaki pa ang galit ni Sabrina kay Edwin."


"Bakit nga pala galit si Sabrina kay Edwin at kay Pogs?", curious kong tanong.


Natawa naman siya. May nakakatawa ba sa tanong ko?


"To be honest, sa gang-mates nila Edwin at Pogs, galit din siya. Hina-hanap niya si Edwin, then all this time, alam naman pala ng mga ka-gang mates nila. All this time, pinagmukha lang siyang tanga."


"They've been together for almost a year. Then Edwin suddenly disappear without even a trace. Wala silang closure ni Sabrina no'n dahil bigla na lang nawala si Edwin. And for almost 2 years, hinanap siya ni Sabrina, pero wala. Kaya tumigil na din si Sabrina. But then one day, nalaman niya na niloloko lang pala siya ng mga tinuring niyang mga kaibigan."


Bakit parang ako pa yong mas nagagalit kaysa kay Sabrina?


Humigop ng kape si James.


" Alam kong mahal na mahal mo si Sabrina kaya sana wag ko siyang hahayaan kay Edwin."


Napangiti naman ako dahil boto siya sa akin.


"Oo naman... Makaka-asa ka." sabi ko.


"Magkasama na kami since birth kaya ayokong may nananakit sa kaniya." at nakita ko sa mga mata niya ay galit. Puno ng galit.


"About nga pala doon sa saksak? Sino pala ang sumaksak kay Sabrina?"


Natawa naman siya. Ano na naman bang nakakatawa sa tinanong ko?


Magka-iba talaga silang dalawa ni Sabrina. Si Sabrina, tahimik na tahimik, samantalang ito namang pinsan niya ay tawa nang tawa. Yong totoo, sinong ampon sa kanilang dalawa? Siguro, si Sabrina dahil masayahin naman ang mga kuya niya, si Sabrina lang yong mahilig sumimangot. Baka siguro, ganoon din ang ugali ng tatay niya.


"About yon sa gang... Underground battle."


"Ganoon ba talaga sa underground battle? Ganoon lagi?", curious kong tanong.


"Oo... Every week... Kung gusto mong sumali sa isang gang, kailangan matigas 'to." sabay turo niya sa kaliwang dibidib ko. "Dahil kapag ito ay naging malambot at hindi matigas, matatalo ka."


"And when you enter that cage, lagi mong iisipin ang sarili mo, wala kang pakialam sa iba, dahil kapag nagka-ganoon, mamamatay ka."


Ganoon ang gangster? Pero bakit pa sumali si Sabrina? Hindi ba siya natatakot?


"Alam mo dati, makakapatay na yan si Sabrina eh..." natawa na naman siya. "Pinigilan lang ni Edwin."


"Sa underground battle, minsan maiisip mo kung makaka-survive ka ba or hindi. Kasi minsan, kapag hindi ka naka-survive, mawawala ka na dito sa mundo."


"Kayo ba? Hindi niyo ba naisip na baka hindi na kayo maka-survive after ng underground battle?"


"Minsan naiisip, pero wala pa namang nangyayari."


"Hindi ba kayo natatakot?", curious kong tanong.


It's a matter of life and death pero hindi pa din sila natatakot?


"Takot?", natawa na naman siya. "Si Sabrina, hindi nga natatakot eh, ako pa kaya."


Ganoon ba yon?


"But if you want to be a gangster, you should learn to control your heart, and start listen to your mind. Never ever listen to your heart, because if you do, you'll lose."


At yan na yata ang pinaka-magandang salita ang narinig ko galing sa kaniya.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now